Ruffa Gutierrez cites diet and stress as reasons for her fainting spell

IMAGE 0


"It was more of, you know, not eating at the right time, laging puyat, laging may work. I think, all of that rolled into one," says Ruffa Gutierrez about the possible reasons for her recent collapse.


Wala rin umanong ideya si Ruffa Gutierrez kung bakit bigla na lamang siyang nag-collapse noong umaga ng Nobyembre 18.

"Actually, up to now, hindi ko pa rin talaga alam. I think I was in the middle of a bad dream," paunang sabi ng star host ng Paparazzi and Star Factor ng TV5.

"'Tapos noong ginising ako ng mga anak ko to go to school, bigla akong napaupo at natumba—nahimatay ako," kuwento ni Ruffa sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kagabi, Nobyembre 24, sa Christmas Tree Lighting ng Manila Marriott Hotel, sa Pasay City.

Ayon kay Ruffa, maaring dahil sa stress at sobrang pagda-diet kung kaya bigla na lamang siya nawalan ng malay.

Base na rin sa kanyang posts sa Twitter noong araw na 'yon, agad siyang sinugod sa St. Luke's Medical Center sa Global City, Taguig, kung saan sumailalim siya sa ilang tests para malaman ang sanhi ng kanyang pagkakahimatay.

"I think it's everything that's rolled into one—pagod, stress that day, and siguro sa pagda-diet ko rin.

"I think it's important for me to just stay healthy," sabi ng panganay at kaisa-isang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Inamin ni Ruffa na bago noong araw na nahimatay siya, nagpa-body tight siya sa Belo Medical Group, pero sinabi rin niyang wala itong kinalaman sa nangyari.

"Actually, walang kinalaman ang ginawa kong pagba-body tight kay Belo. It was more of, you know, not eating at the right time, laging puyat, laging may work. I think, all of that rolled into one," paglilinaw ni Ruffa.

Dagdag niya, "Siguro kasi, you know, I just have to take care of my body. Siyempre, kasi nabugbog ang katawan ko, kaka-body tight ko lang.

"Then, nagda-diet kaagad and nagdyi-gym na kaagad ako. Parang hindi nakayanan ng katawan ko. And at the same time, puyat ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakadagdag din kaya ang mga intrigang dumarating sa kanyang buhay?

"Walang intriga sa buhay ko ngayon and I'm very happy," sagot agad ni Ruffa.

"Ang mga intriga ay hindi naman nagpapa-stress sa akin 'yon. I've been through so much in life and nothing fazes me anymore."

"MARAMING BAGONG GUYS." Sa kabilang banda, naitanong din kay Ruffa ang tungkol sa kanyang lovelife. Totoo ba na may bago nang lalaki sa kanyang buhay?

"Maraming mga bagong guys na nagpapakilala sa akin," prangkang sagot ni Ruffa.

"But as of now, I'm still getting to know each and every one of them. So, wala pa talaga akong sinasabing boyfriend."

Ibig sabihin ba nito ay single ang status niya sa darating na Pasko?

"Ilang days na lang, Pasko na! As of now, gano'n pa rin naman ang status ko. I'm still very much happy, but happy with my two little girls—Lorin and Venice."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN