Jericho Rosales reveals special lady in his life during And I Love Her concert

IMAGE 0


Jericho Rosales gave a red rose to Alessandra de Rossi during his And I Love Her concert. However, he neglected to give one to his ex-girlfriend, Cesca Litton, who was also at the concert held at Teatrino, Greenhills.


Halos mapuno ang unang araw ng concert ni Jericho Rosales na pinamagatang And I Love Her. Ginanap ito sa Teatrino, Greenhills sa San Juan, Metro Manila noong Biyernes, ika-11 ng Pebrero 2011.


Kasalukuyang walang girlfriend si Echo (palayaw ni Jericho) kaya inaabangan ng lahat kung sino ang very, very special guest na siyang pinapatungkulan ng "And I Love Her."


Dumalo sa naturang event ang ex-girlfriend na si Cesca Litton na kumukuha ng picture, gamit ang dala niyang camera. Kitang-kita rin na nakikikanta siya sa mga awitin ni Echo.


Present din nang gabing iyon ang co-star sa Green Rose na si Alessandra de Rossi at kapatid niyang si Assunta de Rossi. Nanood rin ang director ng ABS-CBN teleserye nila na si Manny Palo.

Kasama ni Alessandra si Smokey Manaloto na nag-eenjoy sa concert. Kasama naman ni Dominic Ochoa ang kanyang non-showbiz wife.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN