Rayver Cruz takes responsibility for Cristine Reyes-Sarah Geronimo feud; insists he did the right thing

IMAGE 0


"I take responsibility for everything, kasi alam ko nga na tama lang ang ginawa ko. Naging honest lang ako sa girlfriend ko," says Rayver Cruz about telling girlfriend Cristine Reyes about Sarah Geronimo's joke on ASAP rehearsal.


Twitter war.

Ito ang naganap simula noong nakaraang linggo, Disyembre 12, sa pagitan nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo.

Sinasabing ang pinagmulan ng away na ito ay ang pabirong pahayag ni Sarah kay John Prats sa rehearsal ng ASAP XV: "Pag magaling sumayaw, habulin ng mga babaeng sexy."

Nakarating ang pagbibirong ito ni Sarah kay Cristine, na lubos na ikinagalit ng huli.

Sa pamamagitan ng Twitter ay nagpasaring si Cristine sa tinawag niyang "IDOL" at "drama princess" dahil sa sinabi ng huli sa rehearsal ng ASAP XV. (CLICK HERE to read relateed story.)

Sa kabila nito ay nanahimik si Sarah, bagamat panay ang pagtatanggol sa kanya ng mga taong malapit sa kanya, pati na ng kanyang fans.

Naging tahimik din si Rayver Cruz, ang itinuturong pinagmulan ng iringan sa pagitan nina Sarah at Cristine.

Si Rayver ang kasintahan ni Cristine ngayon. Pero bago ito ay na-link ang young actor kay Sarah.


RAYVER FINALLY SPEAKS UP. Kaninang hapon, December 19, sa programang The Buzz, ay nagsalita na si Rayver Cruz tungkol sa iringan nina Sarah at Cristine.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Rayver, inamin niya na siya ang nagsabi kay Cristine ng biro ni Sarah sa ASAP XV. Ngunit iginiit niya na tama lang ang ginawa niya.

"Yes, Tito Boy, I take responsibility for everything, kasi alam ko nga na tama lang ang ginawa ko. Naging honest lang ako sa girlfriend ko.

"At lahat naman ng bagay bago ko ginagawa, pinag-iisipan kong mabuti," saad ni Rayver.

Inamin din ni Rayver na noong April ng taong kasalukuyan nagsimula ang relasyon nila ni Cristine. Ngunit dahil sa parehong pananaw nila na parang napakabilis ng mga pangyayari, itinigil nila ang kanilang relasyon.

Pero sa kabila nito ay nagpatuloy ang kanilang pagkikita at mabuting pagkakaibigan, na siyang naging dahil upang magkabalikan silang muli.

Tinanong ni Boy si Rayver kung nagkaroon din sila ng relasyon ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Totoo pong minahal ko si Sarah," sagot ng young actor.

Pero paglilinaw niya, "Nirerespeto ko naman po ang desisyon ng mga magulang niya, at alam ko naman po talagang bawal pa. So, ako na lang din po mismo ang lumayo.

"Pero napakasuwerte ng taong mamahalin niya at magmamahal kay Sarah pagdating ng panahon. Kasi napakabuting tao po talaga ni Sarah."

Nang unang pumutok ang isyu sa pagitan nina Sarah at Cristine ay nanahimik si Rayver. Kaya naman hindi naiwasang tanungin ni Boy ang binata kung bakit ngayon ay nagdesisyon siyang magsalita.

"Simula't sapul, Tito Boy, tahimik lang po talaga ako. Bihira talaga ako magsalita.

"Pero sa ngayon kasi, alam kong ito yung tama.

"Kasi sa kabila ng lahat ng pangyayari, Tito Boy, kung merong dapat sisihin, ako yun, e.

"Kinukuha ko yung responsibilidad para sa lahat ng pangyayari, inaako ko lahat," saad niya.

PROUD OF CRISTINE. Pero sa gitna ng kontrobersiyang ito, ipinagmalaki pa rin ni Rayver ang "magagandang katangian" ni Cristine na naging dahilan para mahalin niya ang dalaga na hindi raw nakikita ng mga bumabatikos dito.

"Sa kabila po kasi Tito Boy ng nanghuhusga sa kanya, hindi nila nakikita yung totoong Cristine.

"Ako, nakita ko yun. Na masiyahin, makulit, parang bata pag minsan... Higit sa lahat, napakasarap magmahal."

Sa huli, simple ang naging mensahi ni Rayver para kina Sarah at Cristine.

Para kay Sarah, sinabi ni Rayver na hindi niya ito sinasadyang saktan.

"Kailan man ay wala akong intensiyon na saktan ka.

"And sa lahat ng sinasabi ng mga tao, sana ako ang paniwalaan mo. Nirerespeto talaga kita."

At para naman kay Cristine, walang hanggang suporta ang ipinangako niya sa kasintahan.

"Palagi akong nandiyan para sa kanya, and alam mo naman kung gaano kita kamahal.

"And dun din naman ako nagpapasalamat kasi nakita ko sa 'yo kung gaano mo rin ako kamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakasaya ko, napakasuwerte ko ngayon kasi nasa akin ka... and yun, napakasaya ko ngayon kasi masaya kaming dalawa."

Sabi pa ni Rayver, natutunan niya mula sa kontrobersiyang ito na hindi niya kayang mapasaya lahat ng tao, dahil maaaring may masaktan siya, at maaari ring may matuwa sa kanya.

Ngunit ang pinakamahalaga daw sa kanya ay napasaya niya ang taong mahal niya. At hiniling din niya na sana balang araw ay maging masaya din ang mga tao para sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN