Mark Bautista still feels hurt for Sarah Geronimo over the Sarah-Cristine-Rayver issue

IMAGE 0


"Gusto ko, kung magmamahal ako, yung totoo. Ayokong dayain ang sarili ko na para lang ipakita sa tao. Gusto ko na yung mararamdaman ko, totoo," says Mark Bautista.


Kasama sa kontratang pinirmahan ni Mark Bautista sa paglipat niya noon mula ABS-CBN papuntang GMA-7 ang pagkakaroon ng teleserye. Kaya isang magandang sensyales sa pagsalubong ng bagong taon ang pagkakasama niya sa Dwarfina.

Ginagampanan ni Mark dito ang papel ni Estong, ang matalik na kaibigan ni Lyndon, na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.

"Sobrang saya ko. Iba ang atmosphere at medyo bago lahat sa akin," sambit ni Mark nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Dwarfina kagabi, January 4.

Nakaka-one taping day pa lang si Mark kaya hindi pa raw niya nakakasalamuha ang ibang co-stars niya rito.

MARK AS A KAPUSO. Malapit na ring mag-one year sa GMA-7 si Mark simula nang i-launch ang musical-variety show na Party Pilipinas noong March 28, 2010.

Tinanong ng PEP ang singer-actor kung na-meet ba ang lahat ng expectations niya nang pumirma siya ng kontrata sa Kapuso network.

"Well, itong soap lang naman ang na-delay. At ako naman, ayoko rin naman na tanungin pa nang tanungin ang manager ko kung ano ba ang nangyari.

"But ngayon, yung GMA naman, hindi naman ako pinabayaan, at talaga namang naghanap sila ng material for me," saad niya.

Three years daw ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA at masaya naman daw siya so far.

"Walang regrets. Sobrang happy ako," sambit ni Mark.

"Kasi yung mga... like exposures ko naman sa Party Pilipinas... Sa ASAP, hindi sa wala akong exposures, pero napangalagaan pa rin akong talaga sa Party Pilipinas. Nadagdagan bale yung exposure."

Good thing for Mark, open at nakakasama pa rin naman daw niya ang mga dati niyang kasamahan sa Kapamilya network.

MARK'S LOVE LIFE. Nangiti naman si Mark nang kamustahin namin ang love life niya, sabay sabing, "Masaya."

Ibig bang sabihin nito ay meron siyang love life ngayon?

"Well, ako, masaya na ako noong 2010 kasi punung-puno ako ng pagmamahal at masaya ako," nakangiti niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This year, may plano na ba siyang ma-in love?

"Oo naman, oo naman!" bulalas niya.

"Gusto ko yun at matagal ko nang inaasam yun.

"Gusto ko, kung magmamahal ako, yung totoo. Ayokong dayain ang sarili ko na para lang ipakita sa tao.

"Gusto ko na yung mararamdaman ko, totoo."

Nali-link ngayon si Mark sa Survivor Philippines castaway na si Jef Gaitan, pero wala namang kalinawan kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila.

SARAH GERONIMO. Kumusta naman sila ngayon ng dati niyang kasamahan sa ASAP at kapwa Viva talent na si Sarah Geronimo, na linigawan din niya noon?

"Kay Sarah, okay ako kasi may communication kami ulit. Christmas, New Year, nagkakabatian kami.

"Last naming kita was noong Regine Velasquez-Ogie Alcasid wedding," banggit ni Mark.

Nanliligaw ba siyang muli kay Sarah?

"Hindi naman sa nanliligaw. Ayoko rin naman, kasi nakakausap ko rin naman siya at siya rin naman, parang... Ayoko rin naman, kasi may pinagdadaanan siya ngayon sa buhay niya," sagot niya.

Ang tinutukoy ni Mark na "pinagdadaanan" ni Sarah ay ang alitan nila ni Cristine Reyes dahil diumano kay Rayver Cruz. (CLICK HERE to read related story.)

Sa palagay ba ni Mark ay hindi pa nareresolba ang isyu sa pagitan nina Sarah, Cristine, at Rayver?

"Well, na-resolve na yata, pero ayoko kasing tanungin. Pero, parang ngayon kasi, mainit pa ang mga isyu."

On his part, ano ang na-feel niya noong height ng Sarah-Cristine-Rayver issue?

"I felt bad kasi kilala ko si Sarah. Kapag may lumabas na ganoon, feeling mo, parang masyadong nasasaktan ang tao, kaya bilang kaibigan, nasasaktan din talaga ako," sabi ni Mark.

So, may feelings pa siya kay Sarah?

"Siguro, kasi nasasaktan pa rin ako!" natatawang sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN