Sarah Geronimo harbors no ill feelings toward Cristine Reyes

IMAGE 0


Singer-actress Sarah Geronimo would still not comment on the controversy involving her and sexy actress Cristine Reyes, which made headlines late last year. "Pero sabi ko nga sa sarili ko, malinis naman yung konsensiya ko. Wala naman akong ginawang masama," the Pop Princess said in an interview held earlier today, January 14.


Itong darating na February 12 ay mapapanood na ang Valentine's Day concert ng Pop Princess na si Sarah Geronimo, kasama ang Concert King na si Martin Nievera sa Araneta Coliseum, sa Cubao, Quezon City.

November last year ay nagsimula na ang promotions para sa concert na may pamagat na What Love Is. Buong pagmamalaking sinabi nina Martin at Sarah na gugulatin nila ang kanilang mga fans at manonood dahil aawit sila ng mga kanta na bihira nilang ipamalas during their previous performances. (CLICK HERE to read related article.)

Kanina, January 14, sa isang press conference na ipinatawag sa City Best Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ay masayang ibinalita ni Sarah na kabilang sa kanyang repertoire sa concert ay ang latest niyang single na may pamagat na "Sino Nga Ba Siya?"

Ang nasabing awitin ang magsisilbing carrier single ng upcoming album ni Sarah, na binubuo ng all-original songs written by some of the country's best composers.

GRATEFUL TO MEGA AND JUDAY. Naging kontrobersiyal ang pagtatapos ng 2010 para kay Sarah matapos na magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng sexy actress na si Cristine Reyes.

Nagsimula ang lahat matapos na magbiro si Sarah sa rehearsal ng ASAP XV noong December 12 at sinabing: "'Pag magaling sumayaw, habulin ng mga babaeng sexy." (CLICK HERE to read related article.)

Matatandaang minsan nang na-link si Sarah sa dancer-actor na si Rayver Cruz, na siya namang kasalukuyang boyfriend ni Cristine.

Nakarating kay Cristine ang pagbibiro ni Sarah at agad itong nag-post sa kanyang Twitter account ng mga salitang direktang patama sa Pop Princess.

Humingi na ng paumanhin si Cristine sa singer, subalit minarapat ng kampo ni Sarah na huwag na munang magsalita tungkol sa isyu.

Kanina sa presscon ay hindi siyempre nakaiwas si Sarah sa tanong ng mga entertainment reporters kung ano nga ba ang naging pakiramdam niya noong kasagsagan ng isyu sa pagitan nila ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na po muna ngayon," paumanhin ni Sarah. "May tamang panahon po para... Ano po, e, bayaan na po muna nating ganoon muna. Tapos tingnan po natin... Para naman po ma-clarify ko din naman po yung side ko. In time..."

Ayaw mang magsalita ni Sarah noong panahon na mainit ang kontrobersiya ay marami naman ang dumepensa sa Pop Princess katulad nila John Prats, award-winning actress Judy Ann Santos-Agoncillo, at Megastar Sharon Cuneta. (CLICK HERE to read related article.)

"Yun nga po, e. Ayaw ko nang magsalita kasi alam ko naman kung ano yung totoo. 'Tsaka wala naman talaga akong intensiyon na makasakit," paliwanag ni Sarah.

"Sabi ng tao, dedmahin mo na lang. Pero nung may mga nagsasalita na para sa akin, lalong-lalo ni si Ms. Sharon [Cuneta], si Ate Juday [Judy Ann Santos], ganyan, sila John Prats, sabi ko, parang kelangan naman na din yatang ipagtanggol ko na din ang sarili ko, lalong-lalo na ang mga magulang ko at pamilya ko."

Ano naman kaya ang naramdaman niya nang malamang ipinagtanggol siya ng ilang kasamahan sa industriya, partikular na ang Megastar?

"Wow! Sabi ko nga po, nakakagulat, overwhelming yung pinapakitang concern. Kumbaga, parang ang tagal na naming magkaibigan ni Ms. Sharon.

"Sabi ko nga, kahit hindi pa ako ganun kakilala ni Ms. Sharon, pero nagugulat po ako sa ginagawa niyang pagsuporta po. Napakasuwerte ko po at dapat ko pong pasalamatan talaga."

Pinasalamatan din ni Sarah ang kanyang mga tagahanga (na mas kilala sa bansag na Popsters) na hindi talaga siya iniwan sa gitna ng intrigang kinasangkutan.

"Napatunayan ko talaga yung pagmamahal nila," ngiti ng dalagang singer.

"Lalung-lalo na yung mga Popsters. Kasi hindi nila ako iniiwanan kahit na anong pagsubok ang pinagdadaanan ko."

NO HARD FEELINGS. Bagamat nagpapasalamat siya sa pagtatanggol na ginawa nina Sharon at Juday, ay hindi pa rin maiiwasan na makaramdam ng hiya si Sarah sa dalawang superstars dahil sa nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakahiya talaga at sobra ko pong na-appreciate yung ginawa ni Ms. Sharon na nagpa-interview pa siya... Hindi niya na kelangan ma-involved dito—nakakahiya pati kay Ate Juday."

Masama ba ang loob niya kay Cristine sa mga pinagsasabi nito laban sa kanya sa Twitter?

"Ako naman po, wala naman talaga akong galit sa kanya," seryosong sagot ni Sarah.

Matagal naman bago nakasagot ang dalaga nang tanungin kung ano ang kasalukuyang nararamdaman niya para kay Rayver.

"Siyempre, yung pagpapatawad. Pero wala akong nararamdaman sa kanya!" natatawa niyang sabi.

Dagdag pa ni Sarah, "Wala talaga akong intensiyon. Kaya ko lang siya biniro para i-flatter siya at si John Prats, kasi wala! Ganun naman talaga yung mga dancers habulin naman talaga ng mga [babae]."

Pagdating naman sa pag-ibig ay may isang mahalagang bagay raw na natutunan si Sarah.

"True love waits," pahayag ng singer. "Natutunan ko 'yan kay Miss Reg [Regine Velasquez] at Kuya Ogie [Alcasid]."

Ikinasal sina Regine at Ogie noong December 22, 2010 pagkatapos ng ilang taong paghihintay para mapawalang-bisa ang kasal ni Ogie sa una nitong asawa na si Michelle Van Eimeren. (CLICK HERE to read related story.)

KIMERALD FANS. Kasalukuyang may ginagawang pelikula si Sarah kasama ang Kapamilya heartthrob na si Gerald Anderson para sa Star Cinema.

Excited si Sarah sa tambalan nila ni Gerald at malakas din ang kutob niya na magugustuhan ng publiko ang kanilang proyektong inihahanda.

"Very refreshing kasi yung team-up, yung story. Fresh new beginning," sambit niya.

"Ako, ayaw ko na po i-entertain yung anything na negative na vibes, negative thinking, ayaw ko na po munang i-apply 'yan dito. So, positive na lang lahat at hopeful na mag-work itong team-up namin."

Muli ay nakiusap si Sarah sa mga fans ni Gerald at original nitong ka-love team na si Kim Chiu na huwag naman sanang personalin ang kanilang bagong tambalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilalang "overprotective" ang mga tagahanga nila Kim at Gerald at very vocal ang mga ito sa pagsasabi na ayaw nilang mabuwag ang paborito nilang love team.

"Kami ay nagtratrabaho lamang. Wala naman kaming intensiyon na paghiwalayin si Kim at Gerald. Dahil sa lahat naman po talaga ng mga actors, may panahon na kelangan i-partner na sila sa iba, para may makitang bago sa mga artista, di ba po?

"Yun lang naman po. Sana maintindihan naman po nila na trabaho lang," pakiusap ni Sarah.

Ayaw namang isipin ni Sarah na may kaakibat na pressure ang upcoming movie nila ni Gerald. Hindi kasi maiiwasang pagbasehan ang naging tagumpay sa takilya ng love team ng Pop Princess with John Lloyd Cruz sa kahihinatnan ng kanyang latest project.

Matatandaang naging blockbuster ang dalawang pelikulang pinagsamahan nina Sarah at John Lloyd—A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009).

"Nagtatrabaho kami para hindi makipagkumpitensiya sa past na success na nagawa namin, para ma-surpass 'yon, o mapantayan man lang. Ang main goal namin makapagpakilig, makapagpa-entertain lang ng mga tao," pahayag ni Sarah.

Dagdag niya, "Kasi kung yun [pressure] ang iisipin mo, naku, magre-reflect yun sa trabaho, na pressured ka. Dapat i-enjoy mo lang yun talaga po.

"Kasi yun lang naman po ginawa ko sa dalawang movie na ginawa namin, nag-enjoy lang talaga ako. Surprisingly, unexpected yung success, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN