Cristine Reyes gets a "promise ring" from boyfriend Rayver Cruz

IMAGE 0


"Talagang iniingatan ko 'to, kasi never akong nagsuot ng singsing sa buong buhay ko dahil walang kumakasya sa akin na ring. Parang destiny na ngayon, may nagkasya sa aking ring. So, parang meant to be. So, parang tuwang-tuwa rin ako. As in, kahit naliligo, hindi ko siya tinatanggal," says Cristine Reyes about the "promise ring" that Rayver Cruz gave her last Christmas.


Bagamat kasama niya ang boyfriend na si Rayver Cruz, naging "malamig" pa rin ang nakaraang Pasko ni Cristine Reyes.

"Kasi, nasa mataas na lugar kami. Nasa highland kami, sa Tagaytay," sabi ng controversial young actress sa taped interview sa kanya ng The Buzz na ipinalabas noong Linggo, January 9.

Magmula nang aminin ni Rayver na sila na nga ni Cristine ay naging mas open na rin ang dalaga sa pagsasalita ng totoong estado ng relasyon nila ng young actor. (CLICK HERE to read related story.)

"Very close na siya sa family ko. Inaasikaso siya ng mga kapatid ko, ng mommy ko lalo," banggit pa ni Cristine.

Kumusta naman ang New Year's celebration nila?

"Sa bahay nila, okay naman. Masaya naman," sabi niya.

PROMISE RING. Sa unang pagkakataon ay ipinakita ni Cristine ang naging Christmas gift sa kanya ni Rayver noong Pasko—isang singsing.

Kuwento niya, "Binigay niya sa akin ang ring.

"Talagang iniingatan ko 'to, kasi never akong nagsuot ng singsing sa buong buhay ko dahil walang kumakasya sa akin na ring.

"Parang destiny na ngayon, may nagkasya sa aking ring. So, parang meant to be.

"So, parang tuwang-tuwa rin ako. As in, kahit naliligo, hindi ko siya tinatanggal."

Dahil sa iniregalong singsing ni Rayver, lumutang ang usap-usapan na kesyo may balak na silang magpakasal. Ang sabi pa, engagement ring ang regalong yun ni Rayver sa kanya.

"Tawagin na nating promise ring," nakangiti namang sabi ni Cristine.

May balak na ba silang magpakasal?

"Hindi pa naman. Siyempre, nag-e-enjoy lang ako ngayon. I mean, ayokong madaliin. Siyempre, bata pa kaming pareho," aniya.

Cristine will turn 22 on February 5, while Rayver is 21.

Ayon kay Cristine, five months pa lang ang relasyon nila ni Rayver. Pero so far, nakita na raw ni Cristine ang mga hinahanap niyang qualities sa isang lalaki kay Rayver.

"Oo, kasi ang gusto ko lang naman siyempre, yung mahal ako. Mahal din ang family ko. Yung ipapakita mong talaga na sincere ka sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHANGING NETWORKS? Sinagot din ni Cristine ang balitang plano raw niyang lumipat ng network. Ito ay may kaugnayan sa mga isyung kinasangkutan niya noong nakaraang taon.

Pero itinanggi ni Cristine ang isyung ito.

"Matagal pa po ako sa ABS," sabi niya.

"At saka, gusto ko rito. At home ako.

"Lahat ng projects na ibinibigay nila sa akin, sobrang thankful ako. Dito ako nag-grow.

"Pero siguro, kaya n'yo tinatanong yun kasi nakikita ninyong may mga ka-tweet ako na ibang channels.

"Pero siyempre, hindi mo naman maiiwasang may mga kaibigan ka sa kabilang network. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na lilipat ka na."

Dinipensa rin ni Cristine ang sarili dahil sa mga tweet niyang nanonood siya ng shows ng kabilang network.

"Lahat naman tayo naglilipat-lipat ng channel, di ba? Pero siyempre, tutok ka pa rin sa ABS."

Si Cristine ay produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck. Pero noong 2008 ay lumipat siya sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN