Cristine Reyes admits "misplacing" promise ring that Rayver Cruz gave her

IMAGE 0


"Hindi ko po masabing kaagad, pero nararamdaman ko po na mabait po sila sa akin. And yung pagtanggap nila sa akin, totoo na wine-welcome po nila ako sa family nila," says Cristine Reyes about how Rayver Cruz's family accepted their relationship.


Noong Sabado ng gabi, February 5, ay nagdiwang ng kanyang 22nd birthday si Cristine Reyes sa Discovery Suites. Siyempre pa, naging espesyal na bisita ng Kapamilya actress ang kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.

Kahapon naman, February 6, ay live na nag-guest si Cristine sa The Buzz para sa interview sa kanya ni Boy Abunda.

Bago ang live interview kay Cristine ay ipinalabas muna ang taped interview kina Rayver, sa ina ng young actor na si Mrs. Elizabeth Cruz, at sa kapatid ni Cristine na si Ara Mina.

Pagkatapos nito ay pinasalamatan ni Cristine ang mga bumati sa kanya sa VTR.

Ano ang reaction niya sa sinabi ni Rayver?

"B, thank you. Kapag kasama niya ako, hindi po siya nakakasalita. Pero kapag siya lang solo, nakakasalita siya," sabi ni Cristine.

Hindi vocal si Rayver kapag sila lang dalawa?

"Nahihiya po siguro siya kapag nandoon ako," sagot ng dalaga.

Gaano siya kasaya ngayon?

"Hindi ko po masasabi kung gaano ako kasaya. Basta ang masasabi ko, masaya po ako ngayon," sabi ni Cristine.

PROMISE RING. Sa kabila ng kasiyahan na nararamdaman ni Cristine, may balitang naiwala raw niya ang "promise ring" na ibinigay sa kanya ni Rayver.

Sa taped interview kay Rayver ay pinabulaanan na niya ito.

Ayon sa young actor, "Hindi, hindi totoo yun. Hindi niya mawawala yun. Imposible.

"Lately kasi, busy siya dahil sa Kristine, tinatapos niya. Then, may movie siyang ginagawa. May chance kaming magkita kung halimbawa na-pack up siya sa shooting niya, yun, lumalabas kami."

Ipinaliwanag naman ni Cristine na "na-misplace" niya lang ang singsing,

"Pero nasa akin na ulit," sabi ng young actress.

Nagkaroon ba sila ng tampuhan ni Rayver dahil doon?

Nangiti si Cristine at ipinaliwanag na: "E, kasi po, palagi siyang pinapatanggal sa taping, sa shooting. So, siyempre, kailangan kong palaging isuot yung ring namin ni Zanjoe [Marudo], yung ring namin sa isa kong movie. Hindi ko puwedeng isuot yung ring ni Rayver."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa promise ring na ibinigay ni Rayver, ano ba exactly ang ipinangako nila sa isa't isa?

"Ang promise ni Rayver sa akin, nandiyan siya palagi para sa akin, mamahalin niya ako," sagot ni Cristine.

Inamin din niya na kung may ibinigay na promise ring si Rayver sa kanya, siya raw ay walang ibinigay rito na kapalit.

CARD & FLOWERS. Ngayong birthday ni Cristine, ang bukod-tanging hiningi lang daw niya kay Rayver ay bulaklak at card. Why is that?

"Kasi po, mas simple, mas maa-appreciate ko kasi mas galing sa puso niya. Lalo na kung susulat siya ng letter para sa akin. Kasi, hindi mo po yun mabibili," aniya.

Ginawa ba ito ni Rayver?

"Hindi pa niya ginagawa. Pero dati, ginawa niya na yun. Sobrang haba, tatlong pages. "

Ano ang buod ng sinabi ni Rayver sa three-pages letter?

"Na mahal na mahal po niya ako," kinikilig na sabi ni Cristine.

FAMILY'S ACCEPTANCE. Naging madali ba sa umpisa pa lamang ang pagtanggap ng kani-kaniilang pamilya sa relasyon nila ni Rayver?

"Hindi ko po masabing kaagad, pero nararamdaman ko po na mabait po sila sa akin. And yung pagtanggap nila sa akin, totoo na wine-welcome po nila ako sa family nila," sabi ni Cristine.

Botong-boto raw sa kanya ang ina ni Rayver?

"Nahihiya po ako kapag nandoon si Mommy. Hindi po ako masyadong nagsasalita, pero nag-uusap naman po kami."

Kapansin-pansin na "mommy" na ang tawag niya sa ina ni Rayver.

"Yes!" natatawang pag-amin naman ni Cristine. "E, Mommy naman po talaga ang tawag ko sa lahat ng mommy, e."

Sumasagi na ba sa isipan nila ang kasal?

"Opo," mabilis na sagot ni Cristine.

"Nagdi-dream lang kami. Nagdi-dream kami na one day, magiging good father siya. Siya ang magpo-provide sa family.

"Pero dream lang yun, hindi ko pa naman po pinaplano."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN