Aga Muhlach says all is well between him and Sharon Cuneta; denies he is the subject of a network-transfer blind item

IMAGE 0


"I don't wanna comment on that anymore. All is well at yun ang importante roon. Basta hindi ako... Wala. Wala naman akong ginawang masama. Tampuhan lang namin yun. Wala yun. Ganun naman talaga kami parati," says Aga Muhlach about the "tampuhan" he had with Megastar friend Sharon Cuneta.


Namigay ng mga regalo si Aga Muhlach, at ang ini-endorso niyang fast-food chain na Jollibee, sa mga batang kapus-palad at galing sa mga bahay-ampunan kaninang tanghalian sa PICC Forum 3, CCP Complex, Pasay City.

Kunektado ang gift-giving activity na ito nina Aga at ng fast-food company sa kampanya nilang "MaAGA ang Pasko" toys and books drive na nag-kick-off para sa taong ito noong November 11 sa One Esplanade, Pasay City.

Mga bata mula sa iba't ibang mahihirap na barangay sa Metro Manila at iba't ibang bahay-ampunan ang biniyayaan nina Aga ng mga regalong laruan, libro at pagkain.

May mga palaro, photo booth, at food carts pa para sa mga bata na nakinabang sa mahigit 30,000 gifts na magkakahalong mga laruan at mga libro.

Pagkatapos ng pamimigay ni Aga ng mga regalo ay pinaligiran na siya ng mga naghihintay sa kanyang showbiz press people na kinabibilangan din ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

OK WITH MEGA. Siyempre pa, tinanong agad ang aktor tungkol sa nakaraang tampuhan nila ng Megastar na si Sharon Cuneta.

"Okey na. 'Tsaka wala naman kaming problema talaga. Everything's okay. It's just blown out of proportion. And, uh... ayos na yun. All's well.

"There were so many things that have been said already, so... all is well, so I'll just stop at that. Okey na yun," ulit pa ng aktor na binagayan ng buhok niyang may highlight na pula at gold.

Tinanong din si Aga kung sa pagbabati ba nila ay may kasunod na bang proyekto silang gagawin ni Sharon.

"Wala pa. Wala pa talaga. I think may gagawin pa siya... at ako, may ginagawa pa 'ko. Pero in time, pagka dumating yung tamang proyekto para sa amin, I mean, why not? I'm always willing to work with her and she knows that naman. So, hindi naman yung..."

Tila pinigilan ni Aga ang sarili na magdetalye pa kung bakit nga lumabas ang tampuhan issue sa kanila ang kaibigan niya, bago nagpatuloy. "Wala yun. Hindi nagtatampo yun. Okey na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Aga, tapos na ang isyu sa kanila ni Mega at ayaw na niyang magkomento pa.

"I don't wanna comment on that anymore. All is well at yun ang importante roon. Basta hindi ako... Wala. Wala naman akong ginawang masama. Tampuhan lang namin yun. Wala yun. Ganun naman talaga kami parati," nakangiti pang sabi ng aktor.

PAST RIFT WITH GOV. VI. Nabanggit din kay Aga ang tungkol naman sa ni-reveal kamakailan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na nagkaroon din sila ng matagal na tampuhan, pero bati na nga sila uli ngayon.

"Ha? Ano ba yan? Ang dami namang tampuhan!" nagtataka, pero nakangiting tugon agad ni Aga. "Wala yun. Anu-ano lang yun, nothing serious. Ngayon lang ako nagsalita...it's all good, really. Yun lang yun.

"Sino ba naman ako para makipag-anuhan sa kanila? Ako pa, kalalaki kong tao, no?

"Mahal ko sila. Sobra! Si Ate Vi, mahal ko yan. Sobra," sabi pa ni Aga.

BLIND ITEM. Sinagot din ni Aga ang isyung siya raw ang tinutukoy ng blind item ng kolumnistang si Ricky Lo.

Isinulat kasi ng beteranong kolumnista at TV host sa column nitong Funfare sa Philippine Star na lumabas ngayong araw, na may apat na Kapamilyang lilipat sa Kapatid network na TV5.

Si Aga raw ang isa sa apat na iyon, dahil sa clue na "Good morning MVP..."

"Blind item yun, e. Sigurado ba kayong ako yun?" sagot muna ng guwapong aktor.

"Ako ba yun? Wala..." tanggi pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN