Sharon Cuneta reconciles with Aga Muhlach: "Apologies exchanged and accepted."

IMAGE 0


"I've always known naman na friendship talaga you keep it special. Basta kami ni Aga, nagkakaintindihan kami. I know... Basta nag-usap kami, ayos na kami," says Sharon Cuneta about reconciliation with friend Aga Muhlach.


Sunud-sunod ang projects ngayon ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Ongoing na ang talent search niyang Star Power sa ABS-CBN at ang lifestyle show niyang Sharon at Home sa Lifestyle network.

Next year naman ay nakalinya na ang paghu-host niya ng Pinoy version ng reality-game show na Biggest Loser.

Dagsa-dagsa rin ang endorsements ni Sharon, at ang pinakabago nga ay ang homeware line na Celebrations by Sharon, na nagkaroon ng launch noong Sabado, December 4, sa Atrium ng SM The Block sa Quezon City.

RECONCILIATION WITH AGA. Bukod sa bago niyang ini-endorse na produkto, napag-usapan din siyempre ang mga isyung kinasasangkutan ng Megastar.

Isa na nga rito ang tampuhan nila ng kanyang kaibigan na si Aga Muhlach.

Pero kumpara noong presscon niya para sa isang fragrance line noong November 26, masaya ang mood ngayon ni Sharon habang pinag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Aga.

Ayon kay Sharon, nakapag-usap na sila nang personal ni Aga noong November 27, isang araw pagkatapos ng presscon niya, sa kanilang bahay sa Wack-Wack Village sa Mandaluyong City.

"Basta nag-usap kami. Pinuntahan niya ako. Ano lang, apologies exchanged and accepted," banggit ni Sharon.

Matatandaang nagsimula ang usap-usapan tungkol sa tampuhan nina Sharon at Aga sa concert ni Ai-Ai delas Alas sa Araneta Coliseum noong November 19.

Sa isang bahagi ng concert ay sinabi ni Ai-Ai kay Sharon—na isa sa mga guest—na nasa audience si Aga. Ang sagot dito ng Megastar ay "Sino 'yon?"

Nilinaw naman ng Megastar sa isang interview pagkatapos ng concert na nagbibiro lang siya, bagamat totoong may tampo siya sa aktor. (CLICK HERE to read related story.)

FRIENDS AGAIN. Sa presscon noong Sabado, tinanong si Sharon kung sa tingin ba niya ay may effort sa part ni Aga na magkaayos sila.

"Of course," mabilis niyang tugon.

Ano ang pakiramdam niya?

"Siyempre, maganda. Ang friends, ganun talaga dapat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami pa rin akong tanong, pero ayaw ko na magtanong," sabi ni Sharon.

Confused ba siya?

"Little bit. But what is important is okay na," nakingiting sabi niya.

Dagdag pa ni Sharon, "I can never not forgive Aga."

May nagbago ba sa pakikitungo nila sa isa't isa matapos ang insidente?

"Hindi naman. I hope not.

"Pero hindi na kami ganun kadalas mag-keep in touch.

"You know, life happens. So, kanya-kanyang pagkabisihan."

Umiwas naman ang Megastar nang tanungin kung may plano ba ulit na magkaroon sila ng proyekto ni Aga..

"Siguro 'wag muna natin pag-usapan 'yan. Kasi, pagod na pagod ako.

"Napagod ako, isang linggo din ng buhay ko 'yon!" tawa niya.

WEIGHT LOSS. Napansin naman ng mga miyembro ng media na pumayat si Sharon.

Sabi naman ng Megastar, dahil ito sa nangyari sa kanya noong isang linggo.

"Dahil sa nangyaring 'yon, papalapit ako sa pagbu-bold!" biro pa niya.

LESSONS LEARNED. Naging seryoso naman si Sharon nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa nangyari.

"I've always known naman na friendship talaga you keep it special.

"Basta kami ni Aga, nagkakaintindihan kami. I know...

"Basta nag-usap kami, ayos na kami.

"Para akong nabagyo. Nagulat ako bakit parang [naging] national issue?

"Ang hirap makipagtampuhan pala!" tawa ni Sharon.

Dagdag niya, "Pero I'm happy na magpa-Pasko...so everything seems okay.

"Kung ano man yung mga questions ko sa ulo, isa lang makakasagot nun.

"Okay na."

CHRISTMAS WISH AND PLANS. Nabanggit na lang din niya ang Pasko, ano pa ba ang hiling at gustong makamtan ni Sharon sa nalalapit na Kapaskuhan?

"Magpatuloy lang lahat ng blessings na meron ako," sabi niya.

"[Pero ang] wish ko talaga...hindi na ako ma-discourage sa pagdiye-diyeta para tuloy-tuloy na.

"Kasi minsan, napapahinto kasi ang dami nangyayari.

"Ayoko din naman na nagkakasakit ako dahil hindi ako nakakakain."

Nakasanayan na raw ng kanilang pamilya na magkaroon ng salo-salo kasama ang lahat ng mga Pangilinan, ang pamilya niya sa asawang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And this year, kami naman ang magho-host. Naawa naman ako sa aking hipag," masayang sambit ni Sharon.

Ano naman ang gusto niyang Christmas gift mula sa kanyang mister?

"'Yan nga ang gusto ko i-text sa kanya. Ma-text nga mamaya, kunwari wrong send!" biro ni Sharon.

"Parang gusto ko farm, pero wala pa kaming pera!" humalakhak na habol niya.

FRANKIE'S BIRTHDAY. Bukod sa Pasko, isa pang ise-celebrate ng kanilang pamilya ngayong buwan ay ang kaarawan ng pangalawang anak ni Sharon na si Simone Francesca Emmanuel—o Frankie—sa December 16.

"Ayaw na niya mag-celebrate. Kasi sa amin, pagdating ng 7 or 8, sila na bahala.

"Like last year, nagpunta sila sa SM Mall of Asia sa may Science...kasama yung friends niya. Tapos, nag-spa party silang lahat.

"So, this year, gagawin daw niya, [parang] Survivor sa aming bahay sa Laguna. Tapos magte-tent sila.

"Hindi ko lang alam kung ano gagawin nila sa tent," masayang kuwento ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN