The Buzz hosts KC Concepcion and Charlene Gonzalez speak up about Sharon Cuneta-Aga Muhlach rift

IMAGE 0


Charlene Gonzalez (left) and KC Concepcion (right) and are somehow caught in the middle because of the "tampuhan" of KC's mom Sharon Cineta and Charlene's husband Aga Muhlach. The Buzz hosts admit that it is a very difficulat situation for them since they're both close to the two superstars.


Isa sa mga topic na pinag-usapan ng mga host ng The Buzz na sina Boy Abunda, Charlene Gonzalez, Toni Gonzaga, at KC Concepcion sa "P.O.V." segment nila noong Linggo, November 28, ay ang "tampuhan" sa pagitan ng magkaibigang Sharon Cuneta at Aga Muhlach.

Apparently, matagal na palang may tampuhan ang dalawang superstars, pero nalaman lang ito ng publiko dahil sa insidenteng nangyari sa concert ni Ai-Ai delas Alas sa Araneta Coliseum noong November 19.

Isa sa mga guest ni Ai-Ai si Sharon samantalang isa sa mga audience si Aga. Nang sabihin ni Ai-Ai kay Sharon na nasa loob din ng Big Dome si Aga, ang sagot ng Megastar ay: "Sino 'yon?"

Nilinaw naman ni Sharon sa isang interview na nagbibiro lamang siya dahil "laglagan" naman daw talaga ang portion na iyon ng concert ni Ai-Ai. Pero inamin din niya na may tampo talaga siya kay Aga. (CLICK HERE to read related story.)

Sa The Buzz noong Linggo ay pinag-usapan nga ang isyung ito. Dahil ang dalawang hosts ng programa na sina KC at Charlene ay malapit kina Sharon at Aga kaya mas lalong naging interesante ang diskusyon—si KC ang panganay na anak ni Sharon, samantalang si Charlene naman ang misis ni Aga.

KC DEFENDS HER MOM. Ayon kay KC, na napapahawak sa buhok niya nang simulan ang pag-uusap tungkol dito, "It's very, very sensitive topic, Tito Boy, Toni, because Charlene has become a good friend to me this year.

"But, of course, in any friendship, di ba, parang merong mga trials? So, this is very, very hard para sa amin ni Charlene.

"And I would call her Ate Cha or Tita Cha, kaya lang, nag-request siya noong una naming... Noong naging friend kami, from the beginning, na Charlene lang.

"So, it's really hard for us, kasi involving yung dalawang taong pinakamamahal namin siyempre."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni KC, "Ang masasabi ko, for mom, ayoko na pong dumetalye.

"It's just that sinasagot po niyang talaga yung mga tanong sa kanya. Sinasagot po niya lahat.

"Sa presscon recently, she spoke already for herself.

"I don't think naman po na may itinatago si Mama.

"So, kung ano po talaga yung side niya, nasabi na po niyang lahat yun.

"Again, mahirap talaga ang situation na ito.

"But in any friendship, ang alam ko kay Mama, sobra siyang loving. Parang yung perfume niya.

"And she's really loving na sensitive rin.

"She really values yung maliliit na bagay sa friendship.

"So, kung anuman ang tampo niya, I know that tampong kaibigan lang yun.

"And it's something na, like she said, maayos nila ng madali. It's just a matter siguro of time

"And at the same time, si Mama, kailangan mong lambingin 'yan.

"Kung anuman ang nangyari, regardless kung sino ang nagkamali, or kung sino ang nakasakit, lambing lang talaga ang talaga ang katapat para makausap siya ulit."

CHARLENE SPEAKS UP. When Charlene took her turn to speak, sinabi niya, "Well, tama yung sinabi mo KC that this is such a hard situation to be in because you're placed in a situation not for us to take sides.

"But because we see through friends who love one another.

"At kaya rin ako nalulungkot because I honestly feel that they don't want to be in this situation.

"Nobody wants to be in this situation. I myself I don't want to be in this situation.

"Now, gusto ko lang i-clarify rin na napakabait po ng asawa ko.

"The same way na napakabait din ni Mega, and we love her very, very much.

"And one of the reasons na hindi rin nagsasalita ang asawa ko is... to take care of the friendship. Because that's his way of showing love and support for a friend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And sa tingin ko naman, sa palagay ko, that's one of the best ways to take care of something, and for me, I feel that's the most gentlemanly thing in handling things."

Aniya pa, "May nabasa akong article ni Ate Vi where she mentioned simpleng tampuhan lang 'to among friends. And just give them space that they would heal and things would be finish.

"Ngayon, bilang asawa naman who loves my husband and bilang kaibigan who loves Sharon, I just can be there to support them every step of the way and not add to the situation.

"And I'd just like to say that I'm happy to let everyone know—although hindi ko pa alam ang buong detalye, because last night [November 27], nag-usap na si Aga at Sharon.

"Maaga akong natulog kagabi and I didn't have the chance to talk to him.

"I woke up early this morning and I left the house and when I kissed Aga goodbye, he was half-asleep.

"Sabi niya, 'B, have a good day.'

"And when he was half-asleep, sabi niya sa akin, 'Nag-usap na kami ni Sharon.'

"So, hindi ko pa alam ang buong detalye."

May mensahe rin si Charlene para kay Sharon.

"As a friend to Sharon, we love you and you are dear to me.

"You are dear to my family and you are dear to Aga.

"Seven years, alam mo yun. You cannot forget seven years of friendship."

HEARTBREAKING. Dagdag naman ni KC, "And you know what Cha, my mom is very open. Na alam ko, hindi rin siya mag-e-effort na publicly sabihin na nami-miss na niya si Enteng, di ba?"

"Enteng" ang tawag ni Sharon kay Aga, na pangalan ng aktor sa pelikulang pinagsamahan nila noon—ang Kung Ako Na Lang Sana (2003).

Patuloy ng anak ng Megastar, "She's ano, e... Kumbaga, alam ko, nakikita ko sa galaw niya, sa mga choices niya, kung sino kakausapin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na mahal na mahal niya yung Enteng niya.

"So, you know, it's heartbreaking. At the same time, alam ko naman na madaling ayusin 'yan.


Sabi naman ni Charlene, "And I think, kaya siguro tayo nasasaktan at marami rin nasasaktan sa sitwasyon na ito, is because it's a relationship with so much care, love for each other.

"And I honestly believe, it's a friendship that will persevere and prevail because of the love that they have for one another."

Ayon kay KC, may natutunan din siya sa sitwasyong ito.

"May natutunan ako this year na maa-apply ko sa pinagdadaanan natin.

"Sinabi mo, di ba, Cha, na si Tito Aga, mahal nila ang isa't isa?

"My mom, Tito Aga, they are very good friends.

"Siguro kaya rin masakit is because sobra nilang close.

"One thing I've learned, yung languages of love, nabasa n'yo ba yun?

"May libro akong nabasa, Languages of Love, hindi dahil kung ano ang importante sa isang tao para maramdaman niya ang pagmamahal mo sa kanya, gawin mo.

"Kasi, hindi lahat ng tao they have... And I was talking about mom towards Tito Aga, or Tito Aga to mom, or sa atin na iba-iba ang pagsu-show ng love. Dahil iba-iba ang pagkakaintindi ng mga tao sa love na ibinibigay ng mga minamahal nila sa buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN