Aubrey Miles believes she has a good chance of clinching the P3M prize of Survivor Philippines Celebrity Showdown

IMAGE 0


Ayon kay Aubrey Miles, hindi naman daw siya mananalo kung naging mabait siya sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. "If you think about it, it's still a show. And then we're looking forward to [winning] P3 million. Kung ako lang, sa totoong buhay, very nurturing ako sa family ko. Kung gagawin ko yun sa game, talo na ako, di ba?" sabi niya.


Proud si Aubrey Miles na nakaabot siya sa final four ng Survivor Philippines Celebrity Showdown. Kuwento ng dating sexy actress, natupad daw ang mga pinlano niya mula pa sa unang araw ng hit reality show.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Aubrey sa isang pocket interview para sa hit reality show noong November 24 sa executive lounge ng GMA-7.

Si Aubrey ang itinuturing na "pasimuno" sa halos lahat ng elimination na nangyari sa show. Dahil dito, maraming manonood ang galit sa kanya at sa ka-alliance niyang si Ervic Vijandre.

Sa katunayan, silang dalawa ni Ervic ang kulelat sa kasalukuyang PEP Poll na nagtatanong kung sino ang dapat manalo ng P3-million grand prize.

Nangunguna sa poll na ito ang model-turned-actor na si Akihiro Sato at pumapangalawa naman ang model at fashion designer na si Solenn Heussaff.

Depensa ni Aubrey, hindi naman siya tatagal sa laro kung nagbait-baitan lang siya.

"Feeling ko naman kasi, yun talaga yung dapat mong gawin sa Survivor, e," paliwanag niya.

"Siguro kung hindi ko nagawa yun, malamang out na ko 'di ba? Saka, sinasabi ko nga, e, na yun talaga yung kailangang gawin sa game.

"Hindi naman puwede lahat kami mag-stay, lahat magpakabait and... Hindi ko alam baka... Ngayon kasi yung nangyari, paano kung iba ang ginawa ko. E di baka mamaya sila pa yung gumawa sa akin nun. You'll never know, 'di ba?

"Kumbaga, from the very beginning pa lang, may plan na ako. Siguro... I think lahat naman naglaro, e. Just that, wala talagang nagte-take ng risk, kung sinong gusto mag-decide, you know? Kaya siguro ako yung nakikita nila na laging nauuna lang."

Pahayag pa ni Aubrey, desidido talagang siyang masungkit ang P3 million na premyo.

"From the first day, I wanted to win. And then, alam ko na yung plano ko and all. Somehow, natupad ko yung ginawa ko," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama sa mga planong ito ay ang pagkuha sa tiwala ng isang lalaking castaway, na mapagkakatiwalaan niya. At si Ervic nga ang kanyang napili.

Bakit si Ervic?

"[Napili ko si Ervic] from his story at camp. And then from his past, parang loyal, very... and also loyal siya pag nagkaroon siya ng isang taong special.

"So sabi ko, maybe this person, may chance na maging loyal sa akin. And ako din, gusto ko siyempre yung taong gustong manalo. Hindi lang yung goal, e, to get sa Top 10.

"Siya, may goal siya. Ang goal niya is to win, like me. Kasi yung iba naririnig ko, 'Top 10 lang gusto ko.' I'm scared, di ba, parang di worth it kasama," saad ni Aubrey.

Kung may good side daw siyang maipagmamalaki, ito ang pagiging loyal kay Ervic.

"Siguro hindi nila napapansin. Pansinin niyo, yun ang nag-iisang good side ko. Na I can be loyal to someone. Talagang pinramis ko 'yon.

"Kasi wala naman akong pinramis sa iba. Sinabihan nila ako, 'O, alliance tayo.' I can say okay, yes, go. Pero I can't promise, di ba?" sagot niya.

Naniniwala din si Aubrey na may pag-asa pa siyang manalo kahit mukhang kinaiinisan siya ng ilan si jury, kung pagbabasehan ang nakaraang mga episodes.

"I think smart naman ang jury, e. It's normal for them to have yung feeling na, hindi naman bitterness, pero yung parang, di pa sila maka-move kasi they're still on the island.

"Siguro kung ako din, na-betray ako... pero di ko naman alam kung paano mo ibe-betray ang hindi mo naman alliance, di ba? E, ang only alliance ko lang naman si Ervic. That's what I'm proud of, kasi loyal ako sa kanya.

"And yung mga jury kasi, I think they're smart. Hindi naman nila hahayaan na mapunta lang basta sa taong hindi naglaro, sa hindi deserving.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun lang naman talaga yung feeling, 'di ba? Hate nila... di ko alam kung hate nila ako. Sa game siguro, pero now we're all friends. You'll be surprised," sabi ni Aubrey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN