Willie Revillame to ABS-CBN: "Bakit ba kayo galit na galit sa akin? Wala akong ginawang masama sa inyo."

IMAGE 0


"Iba na po ang purpose nila, ang pahirapan ako. Huwag na akong lumabas, maghirap ako sa buhay," says Willie Revillame about former home network, ABS-CBN.


Naglabas ng kanyang saloobin si Willie Revillame tungkol sa bagong kaso na isinampa laban sa kanya ng dating home network niya, ang ABS-CBN.

Ito ay ang P127-million copyright infringement dahil ginaya diumano ng bagong programa ni Willie sa TV5 na Willing Willie ang format ng dati niyang noontime show sa ABS-CBN, ang Wowowee. (CLICK HERE to read related story.)

Ipinahayag ni Willie ang kanyang nararamdaman sa pag-uumpisa ng Willing Willie kagabi, November 26.

NEW SUIT. Nagpakita ng pagtataka si Willie dahil sa sunud-sunod na kaso na isinasampa ng ABS-CBN para matigil ang pag-eere sa telebisyon ng kanyang bagong programa sa TV5.

"Ang ABS-CBN, idinemanda na naman ako," simula niya. "Nag-file po sila sa Makati naman, pagkatapos ng Quezon City.

"Palagay ko, iikutin nila ang buong Pilipinas para makasuhan lang ako.

"Ganyan po ang nakikita ko diyan. Hindi nila ako titigilan.

"Kasi po, ang kontrata ko sa kanila, dapat hanggang September 2011.

"E, sabi po nila sa akin, hindi na raw ako gusto ng mga tao.

"Sasabihin ko na po ang totoo, hindi ako nagsasalita..."

HIS SUPPOSED RETURN. Inulit ni Willie ang istorya tungkol sa pagbabalik niya dapat sa Wowowee noong July 31. (CLICK HERE to read related story.)

"July 31 po, dapat babalik na ako at alam po 'yan ng Panginoong Diyos.

"Nakaharap diyan si Ma'am Charo [Santos], ang presidente ng ABS. Si Direk Bobot Mortiz; ang dati kong manager, si Miss Arlene de Castro; at si Miss Linggit Tan.

"Babalik na po ako ng July 31, ang Wowowee.

"After ng meeting ko with Ma'am Charo, umuwi na po ako ng bahay ko.

"Kasama ko na po ang staff ng Wowowee at kung ano na po ang plano na ibalik.

"After po niyan, isang linggo, tinawagan po ako ni Miss Linggit Tan, at ang sabi niya, 'Mag-usap tayo.'

"Ang sabi po niya sa akin, 'Nang malaman ng mga tao na babalik ka na, marami ang nag-email. Ayaw kang pabalikin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, binibigyan ako ng isang araw na show, once a week."

Noong July 31, kung kailan sinasabi ni Willie na babalik sa ere ang Wowowee, ay nag-pilot ang bagong noontime show ng ABS-CBN—ang Pilipinas, Win Na Win!

COPYCAT. Sinagot din ni Willie ang panggagaya diumano ng Willing Willie sa Wowowee.

"Ngayon po, nag-file na naman sila. Ang sabi nila ngayon, ginagaya raw namin ang Wowowee.

"Sino po ba ang Wowowee? Sino po ba ang nag-iisip sa Wowowee?" tanong ng TV host.

"Pag may problema ang ABS... sa 'Wilyonaryo,' nagkaroon ng technical glitch, ang technical staff ang nagkaproblema, sino ba ang inihaharap nila sa mga tao?

"Di po ba ako ang humaharap sa inyo?

"Nagkaroon po ng stampede [sa ULTRA ], 71 dead people...

"Sasabihin ko na po... Kinikimkim ko ito, kaya lang, ayaw nila akong tigilan. May respeto pa rin ako sa kanila.

"Sino po ba ang dumadalaw sa burol gabi-gabi? Nagbibigay ng sariling pera?

"Ako rin po.

"Alam po 'yan ni Ma'am Charo, pero hindi ko ipinagkakalat 'yan.

"Sinasabi ko na po ito lahat para malaman ninyo ang totoo. Kasi po, ayaw nila akong tigilan.

"Hindi naman po ako ang matatalo dito, e, kayo po. Dahil kayo ang binibigyan namin ng saya dito.

"Meron na po tayong isang buwan.

"Maraming salamat po kay Mr. Manny Pangilinan, ang president of TV5, kay Atty. Rey Espinosa, and of course, Boss Bobby Barreiro," pagbanggit ni Willie sa top executives ng Kapatid network.

THE INVITATION. Binanggit din ni Willie ang hearing na gaganapin sa Martes, November 30. Inimbita niya ang mga gustong sumama sa kanya.

"Alam n'yo po, sa Tuesday po, meron kaming hearing," sabi ng controversial TV host.

"Pupunta po kami doon, kasama ko ang staff, ang dancers at ang crew namin. Pupunta kami sa Makati.

"Kung gusto n'yo akong samahan, samahan n'yo ako. Ipaglaban natin ang programang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alas-diyes po 'yon, mga alas-otso, magkita-kita tayo doon.

"Sa lahat po ng nagmamahal sa programa, ipaglaban natin ito.

"Kapag na-TRO tayo, hihinto ang programa. Wala nang magbibigay-saya sa inyo.

"Simple lang, pati po ang pagbati ko sa inyo, bawal. Pati ang shot ng camera, bawal. Ginagaya raw namin.

"Bakit ba kayo galit na galit sa akin? Wala akong ginawang masama sa inyo, ABS.

"Ako ang inihaharap ninyo kapag may problema kayo."

THE SHOW WILL GO ON. Patuloy ni Willie, "Ngayon, ang pakiusap po namin, ipagdasal n'yo po kami.

"Hindi naman po akin ang programang ito, para po sa inyo ito.

"So, magsama-sama po tayo sa Martes.

"Ako, hindi nahihiya. Pero this time, lumaban na tayo.

"Iba na po ang purpose nila, ang pahirapan ako. Huwag na akong lumabas, maghirap ako sa buhay."

Mensahe pa niya sa ABS-CBN:

"Marami po akong pinag-aaral at tinutulungan na tao. Huwag naman ganyan.

"Nagsilbi naman ako sa inyo. Nirerespeto ko naman kayo.

"Hangga't pumunta ako ng TV5, nagpasalamat ako kina Mr. Gabby Lopez, kay Ma'am Charo.

"Hindi n'yo na ako gusto diyan. Ang sabi n'yo sa akin, kasi wala nang gustong tumanggap sa akin.

"May isang tahanan na TV5 na tumanggap sa akin.

"Malaki rin naman ang utang na loob ko sa inyo at kumita rin naman kayo sa programang Wowowee.

"Hindi ako papayag na mahinto [ang Willing Willie].

"Kapag nahinto, magso-show kami diyan sa labas. Diyan tayo magsama-sama, kahit walang telebisyon!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN