Aljur Abrenica admits "wild, animal side" but says he doesn't kiss and tell

IMAGE 0


"Noong nabasa ko sa Google si Machete, yung feature niya na sinabi ngang siyempre, bilang actor, sinabi do'n na Pinoy na Pinoy, moreno, macho. Noong nakita ko ang mga katangian na yun, sinabi ko sa sarili ko na bagay sa akin, kaya ko. At simula noon, parang inasam-asam ko nang magampanan si Machete," says Aljur Abrenica about playing Machete.


Ipinamalas ni Aljur Abrenica sa grand launch ng Machete kagabi, January 18, kung bakit siya ang karapat-dapat na gumanap sa TV remake ng komiks novel na isinalin din sa pelikula noong '90s.

Suot ang kanyang costume bilang si Machete, ipinakilala si Aljur sa inihandang presentation sa Studio 7 ng GMA Network Studios bago during the press conference kagabi.

Pagkatapos ipakilala, naging emotional ang young actor sa kanyang speech dahil na rin sa malaking oportunidad na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

"Sa totoo lang, wala po akong masabi dahil isa po ito sa pinakamalaking... Matagal ko na po itong hinihintay. Matagal ko na po itong pinapangarap na magawa ang Machete.

"Sa ngalan po ng aking director na si Direk Don Michael Perez, ang kauna-unahang director po na nagtiyaga sa akin para makaarte.

"Sa totoo lang, hirap na hirap po akong umiyak noon. Hirap na hirap po akong umarte sa harap ng kamera, pero dahil sa pagtitiyaga niya sa akin at sa tiwalang ibinigay niya, nakayanan ko po.

"At kay Direk Gina Alajar, na nandiyan po palagi para sa amin, all support po siya for Machete. Ang ganda ng vibes kapag nagti-taping.

"At siyempre po, nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga boss ng GMA-7. Kay Ma'am Wilma Galvante at sa aming senior program manager [Redgie Magno], maraming salamat po sa kanya.

"Nagpapasalamat din po ako sa lahat ng press na nandirito. Muli, hinihingi po namin ang inyong suporta at pagtitiwala sa pinakabagong obra ng GMA-7.

"Handog po namin sa inyo ang isang munting kuwento tungkol sa pag-ibig na uukit sa puso ng mga manonood."

DIET & WORKOUT. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press after the presentation si Aljur—na naka-costume pa rin bilang Machete—ang unang itinanong sa kanya ay kung paano niya na-achieve ang magandang pangangatawan niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dala po ng diet. Kung magda-diet po kayo, lahat po rito, e, magli-lean.

"Wala pong binago or ipinagawa sa akin. Kumbaga, mas naging healthy lang ako. Regular workout lang po 'yan at saka diet.

"Nag-take din po ako ng isa pang activity. Nag-swimming na rin po ako," saad ng Ultimate Hunk ng StarStruck 4.

Hindi pa raw nasubukan ni Aljur ang pagtuturok ng steroids. Pero alam niyang posibleng may magkuwestiyon sa kanya na baka dahil sa steroid ang pagganda ng kanyang katawan.

"As much as possible, ako, iniiwasan ko ang mga bagay na ganyan. At lahat ng bagay, pinaghihirapan.

"Time talaga. Pinaghirapan ko pong talaga ito. Nag-gym po ako. Pati sa pagkain, sa disiplina.

"Ako naman, lahat ng sikreto ko, ipinamamahagi ko kapag nagtatanong sila."

Ayon pa sa 20-year-old actor, matagal na siyang nagwo-workout para sa ikagaganda ng kanyang pangangatawan.

"Matagal na po. Matagal na po akong nagbubuhat. Matagal na po akong nagdyi-gym.

"Since I was 16, nagbubuhat na po ako. Naging regular lang po ako noong 19 ako.

"Naaalala n'yo po ba ang Cosmopolitan? Doon po ako kumarir," banggit ni Aljur tungkol sa pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash two years ago.

DREAM ROLE. Sa kanyang speech, nasabi niyang matagal na niyang pangarap na magampanan ang role na Machete. Saan nanggaling yung dream niya for the said role?

"Dream ko na po talaga. Kuwento ko na po... Ang una pong nagsabi sa akin na magma-Machete ako ay si Mr. Ricky Reyes.

"Pabiro niya pong sinabi sa akin, sa resort niya po. Nag-e-SOP pa noon. Sabi niya, 'Ikaw si Machete!' Parang pabiro lang.

"Ang sabi ko naman, 'Sino yun? Alam ko si Machete, pero ano ang ibig mong sabihin?'

"Since then, nag-research na ako. Noong nalaman ko na yun na pala si Machete, three years ago pa po yun, 17 pa lang po ako noon. So, pinaghahandaan ko na po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kopya na raw siya ng Part 2 ng Machete na pinagbidahan ni Gardo Versoza, pero hindi pa raw niya ito napapanood. Plano naman daw niyang kausapin ang original Machete na si Cesar Montano kung may kopya ito ng unang Machete.

"Actually, as much as possible, nahihiya po akong manghiram. Pero parang ngayon, kailangan ko pong mapanood. Kasi, bata pa ako noong napanood ko yun."

Anong meron sa character ng Machete na nagustuhan niya at pinangarap niyang magampanan?

"Kasi po, noong nabasa ko sa Google si Machete, yung feature niya na sinabi ngang siyempre, bilang actor, sinabi do'n na Pinoy na Pinoy, moreno, macho.

"Noong nakita ko ang mga katangian na yun, sinabi ko sa sarili ko na bagay sa akin, kaya ko. At simula noon, parang inasam-asam ko nang magampanan si Machete," sabi ni Aljur.

Willing din daw si Aljur na magsuot ng bahag bilang Machete.

Pero aniya, "Sila po ang may sabi na huwag na raw dahil masyado raw pong daring at may mga viewers po kaming mga bata."

WILD SIDE. Ayon pa kay Aljur, nagustuhan din niya ang pagkakaroon ng "wild side" ni Machete. At dahil sa tinuran niya, yung pagiging "wild" niya sa tunay na buhay ang inusisa ng press sa kanya.

"May wild side din siyempre," nakangiti niyang sabi.

Ano naman ang wild side ni Machete na meron sa kanya?

"Animal side, siyempre," tahasan niyang sabi.

Anong klaseng "animal"?

"It's for you to find out!" natatawa niyang sabi. "Pero kapag nasa taping po, doon po siya lumalabas."

E, sa totoong buhay?

"Lahat naman po ng tao, may wild side. Pero sa akin na lang po siguro yung mga personal na bagay na yun."

FIRST SEXUAL EXPERIENCE. Hindi rin pinalampas ng entertainment press na tanungin si Aljur tungkol sa naging rebelasyon niya tungkol sa unang sexual experience niya. Ito ay isiniwalat niya sa interview sa kanya ng Philippine Star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Aljur sa naturang interview na taga-showbiz ang kanyang first sexual experience. Ang babae ay matanda sa kanya ng isang taon at mula sa Southern Philippines.

Dahil sa clues na ibinigay niya, marami tuloy ang na-curious malaman kung sino ang posibleng tinutukoy niya.

Dahil din dito, tila naging "negative" ang dating niya sa ilan at nababansagan siyang "kiss and tell."

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

"Hindi naman...sa akin na lang po yun," iwas ni Aljur.

"Ang sa akin naman, kung anuman po yung tinanong, e, natural lang naman po siguro sa mga tao yun. Nasabi ko lang na bahagi yun ng aking pagkatao, pero hanggang doon lang ang masasabi ko."

Sa palagay ba ni Aljur ay na-offend ang babaeng tinutukoy niya nang isiwalat niya ang tungkol sa nangyari sa kanila? Nagkausap na ba sila nito? Ano ang naging reaksiyon nito?

"Sa akin na lang po yun, pasensiya na. Sa akin na lang po," pakiusap ng binata.

Ano naman ang masasabi niya sa puna ng ilan na "kiss and tell" siya?

"Talaga? Para sa akin naman po, sinabi ko yun dahil... Hindi naman po siguro magiging kiss and tell dahil wala naman po akong binabanggit na pangalan.

"Sinabi ko lang po, nag-share lang po ako ng bahagi ng aking buhay. Yun lang po," paliwanag niya.

Yun nga lang, marami ang nakahula sa identity ng girl base sa clues na ibinigay niya.

"Hindi naman po kayo nakakasiguro kung siya nga yun," sabi naman ni Aljur.

KRIS BERNAL. Sina Bela Padilla at Ryza Cenon ang leading ladies ni Aljur sa Machete. Pero hindi ba nami-miss ng young actor ang original ka-love team niyang si Kris Bernal?

"Siyempre po nami-miss. Nami-miss ko po si Kris. Kung hindi po dahil sa kanya, wala po ako ngayon sa kinatatayuan ko," sagot ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit paano ay napatunayan na ni Kris na kaya na niyang mag-solo dahil sa mataas na ratings ng pinagbibidahan niyang afternoon soap, ang Koreana.

Sa parte naman ni Aljur, may pressure ba sa kanya na mapatunayan din ang kanyang sarili sa bagong primetime show niya?

"Siyempre naman po, lahat naman po ng proyektong ibinibigay sa akin, pressure. Even before po naman na magkasama kami ni Kris dahil malaking proyekto po ang ibinibigay sa amin at yung tiwala po talaga, iba.

"So, on our part, talagang ginagawa po namin ang aming makakaya. Kumbaga, ginagawa lang po namin ang aming part," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN