Bela Padilla: "I can't help it if people don't like me. I just hope, in time, I can set things straight."

IMAGE 0


Bela Padilla says she always asks older stars for acting tips. "Sometimes I ask older actors, how did you learn to do this. I always ask kasi. I ask them, 'What makes you cry this fast? Where did you get this?' Ganyan-ganyan. Most of them state, through experience. So I think, more projects you get, the better your acting gets also," she says.


Hindi makapaniwala si Bela Padilla na siya ang nakuhang lead actress sa bagong primetime series ng GMA-7 na Machete. Ayon sa kanya, nagkaka-"praning moments" pa siya dahil dito.

Ginagampanan ni Bela sa Machete si Aginaya, ang love interest ni Aljur Abrenica, na siyang bida sa remake ng classic Filipino film.

Masayang-masaya ang young actress habang ikinukuwento sa press ang detalye ng kanyang role kagabi, January 18, sa presscon ng Machete sa Studio 7 ng GMA Network Studios.

Paliwanag ni Bela, "It still hasn't, you know, sunk in. I'm still in the 'is-it-really-happening-to-me' stage. There are tapings na, sometimes there is a scene na antok na antok na ako, ayoko nang umiyak, tapos, 'Hindi, baka alisin ako sa show, kailangan kong umiyak.'

"May ganun, may mga praning moments pa na, 'Is this really happening to me?' Yung mga ganun. I'm just super excited that we're starting the year right."

Kahit hindi pa napapanood ni Bela ang Machete noon, alam niya nang may pagka-sexy ito.

"Marami na ring nagsabi sa akin, yun mga parang, 'Ha, talaga gagawin n'yo yung Machete on TV?' Kasi kinda bold daw before.

"Pero, my character is not in the original film. I'm not Rita Avila, I'm not Rosanna Roces. I'm a new character," saad niya.

Pagpapatuloy ni Bela, ang costume niya lang ang magiging sexy sa TV series.

"Pero yun, more of requirement yun kasi Igorota ako, so naka-tube ako na maigsi na punit-punit. Pero hindi dahil nagpapa-sexy siya.

"Ganun lang talaga yung outfits ng mga Igorota noong unang panahon. Actually, sila nga bare talaga, di ba? Hindi natin puwedeng gawin yun," paliwanag niya.

Pero binanggit din niyang may love scenes siya with Aljur.

"We already did a few. I had to prepare for that. They had to postpone one love scene because it was a bit shocking. They had to postpone it for a couple of days. I think we're gonna shoot that next week," saad ni Bela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOO EARLY TO TELL. Pero kumusta naman sila ni Aljur? Tingin ba niya, mayroon silang chemistry sa totoong buhay?

"I think it's too early to tell," sagot ni Bela. "Sometimes, he texts, yung ganun lang.

"When I need something sa taping, he's always the first to give what I need, even before me asking.

"I don't know, super-maalaga siya. It's just that we've been taping for one week together pa lang. So I don't know if he's really like that, or if he's giving me special attention. We'll see."

Pero pasado ba si Aljur sa kanya, sakaling ligawan siya nito?

"Actually, since I'm tisay in real life, not like this, sawang-sawa na ako sa kulay kong maputi. I always tell sa interviews, pag tinatanong, 'Anong type mo sa lalaki?' I always say moreno. So, check na si Aljur dun. We'll see the other traits na lang," sagot ni Bela.

Ano ba ang iba pang mga katangiang gusto niya sa lalaki?

"Well, gusto ko siyempre yung madaling kausap, matalino, may sense of humor.

"Guwapo, siyempre. Maganda ako, e. Hindi, joke!" sabi ni Bela habang tumatawa.

NEGATIVITY. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bela kung ano ba ang masasabi niya sa reaksiyon ng ilang manonood na ibo-boycott nila ang Machete dahil sa kanya.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Bela at ang co-star niya sa Endless Love na si Marian Rivera noong isang taon. Dahil dito, naging negative ang imahe ni Bela para sa ilang mga manonood, lalong-lalo na sa mga tagahanga ni Marian. (CLICK HERE to read related story.)

Panawagan ni Bela, sana raw ay bigyan siya ng chance ng kanyang detractors.

"Let's not judge the show because of the people who are in it, but the characters," saad niya.

"I assure all of the people that you're gonna love each and every character here, even the kontrabidas because its all justified, e, why they're like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And you know, I can't help it if people don't like me. I just hope, in time, I can set things straight."

May mensahe rin si Bela para sa mga taong ayaw sa kanya.

Aniya, "I will turn you around this year. That's what I can say.

"You know, I don't believe in the saying 'you can't please everybody.' For me, you can. You just need time, and I have a lot of time in my hands."

Pero paano ba niya aamuin ang mga ito?

"I'll do a good job. I think I did a good job already in the first few tapings of Machete, and I'm gonna continue to do that.

"You know, if there's just one person out there believing in me, I'm gonna continue doing this," sagot ni Bela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN