Janno Gibbs returns to Party Pilipinas after almost three months of absence; answers depression issue

IMAGE 0


"Hindi, ano lang, nag-rest ako, nagpapayat nang konti. Kasi, wala nang magkasya sa akin [na damit]. Noong mga last part, wala nang magkasya. Tapos, nagpa-fresh ako. Siyempre, kailangan naman na alagaan mo rin...marami ng bago," says Janno Gibbs about his self-imposed hiatus.


Pagkatapos ng halos tatlong buwang pagkawala ay muling napanood sa Party Pilipinas ang tinatawag na King of Soul—si Janno Gibbs—kahapon, November 28.

Matagal na nawala sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 si Janno, at kung anu-anong espekulasyon ang lumabas dahil dito.

Pero ang pinakamalakas na usap-usapan tungkol sa di pagsipot ni Janno sa nag-iisa niyang show ngayon sa TV ay dahil diumano sa "matinding depression."

Ngunit sinabi na sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang malapit na kaibigan ni Janno na "exaggerated" naman ang mga balitang naglabasan tungkol sa singer-comedian.

Ayon pa sa source ng PEP, bago lumabas ulit si Janno sa Party Pilipinas ay nagbitiw raw ito ng salita na magbabago na siya.

Sisimulan niya raw ito nang paglabas sa show na hinu-host niya kasama sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at Jaya—na siya nga niyang ginawa kahapon.

MISSING IN ACTION. Upang linawin ang mga espekulasyon tungkol sa kanyang pagkawala ay nagpaunlak ng interview sa Showbiz Central si Janno kahapon.

"Oo nga, MIA—missing in action!" natatawang simula ng singer/comedian/TV host.

Pero paliwanag niya, "Hindi, ano lang, nag-rest ako, nagpapayat nang konti.

"Kasi, wala nang magkasya sa akin [na damit]. Noong mga last part, wala nang magkasya.

"Tapos, nagpa-fresh ako. Siyempre, kailangan naman na alagaan mo rin...marami ng bago.

"Pero kahit naman nawawala ako, nanonood ako palagi [ng Party Pilipinas]. Tinatawagan ko pa rin sila, like comments ko.

"Pero na-miss ko sila—lahat!"

Nagpahayag din ng kasiyahan ang mga co-host at kaibigan ni Janno sa Party Pilipinas na sina Regine, Ogie, at Jaya sa pagbabalik niya sa show.

Na-miss daw nila ito, at iba raw kapag present ito dahil kumpleto sila.

DEPRESSION. Sinagot din ni Janno ang isyung iniwan siya ng kanyang pamilya kaya dumaan siya sa matinding depression.

"Ano raw, depressed daw ako?" balik-tanong niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ang totoo niyan, depressed ako kasi ikakasal na sina Ogie at Regine... Pero the moment na natanggap ko na, okay na, nag-sink in na."

Seryoso ang pagkakasabi ni Janno kung kaya minabuti ng press na alamin talaga kung serious o biro iyon.

Bakit naman siya na-depress do'n?

"E, alam n'yo na!" natatawang hirit ni Janno.

Dagdag niya, "Tapos, noong mga last Party Pilipinas ko, parang may naririnig pa ako na parang hindi na ako nakikipag-usap sa iba.

"Pero kahit tanungin n'yo sila, ganoon na talaga ako. Minsan, mag-isa lang ako. Minsan, makikipagkuwentuhan, pero loner talaga.

"At saka, matagal din akong nawala. Obvious talaga na hindi ako pumapasok."

OTHER ISSUES. Sinagot din ni Janno ang intrigang kesyo nalululong na raw siya sa masamang bisyo.

"Hindi naman," maikli niyang tugon.

May lumalabas ding usap-usapan na kaya siya na-depress ay dahil iniwan na raw siya ng kanyang pamilya—ang asawang si Bing Loyzaga at ang dalawa nilang anak na babae na sina Alyssa at Gabby.

Pero ibang-iba ang sinasabi ni Janno: "Nag-bonding kaming family talaga, with my daughters, dahil walang pasok.

"Hindi naman, okay na okay kami.

"Si Bing at yung dalawa kong anak, happy kami."

BACK IN ACTION. Sinabi naman ni Janno na this time, tuloy-tuloy na muli ang kanyang showbiz commitments.

In fact, meron nga raw siyang bagong labas na album, ang Janno Gibbs Anthology, na special compilation ng mga hit songs niya.

"Nami-miss ko kayo," sambit niya.

"Kahit naman noong nawala ako, may mga fans ako na nagme-message, sa Facebook. Nami-miss daw nila ko at sinasagot ko naman sila."

Ano ang mensahe niya sa mga taong nag-alala sa kanyang pagkawala?

"In-assure ko naman sila, kahit noong wala ako, na pasensiya na kayo, pero babalik naman ako," sabi ni Janno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN