Melai Cantiveros was a youth activist in her pre-showbiz days

IMAGE 0


"Aktibista kasi ako. Wala akong kaalam-alam na dito sa showbiz, magdamagan pala yung taping kasi ang ginagawa ko nagra-rally, pumupunta dun sa mga bukid para turuan na pantay-pantay lang yung karapatan, na kahit na andun kayo sa taas 'wag niyong kalimutan na meron kayong mga karapatan dito, parang ganun," Melai passionately talked about her activism back when she was not yet into show business.


Isa nga siguro sa mga pinaka-busy na artista ngayon ang komedyanteng si Melai Cantiveros dahil sa kabila-kabila nitong mga proyekto.

Kabilang rito ang afternoon series na pinagbibidahan niya at ni Jason Francisco na Precious Heart Romances: Mana Po, at ang upcoming movie nila na Pureza.

Isa rin siya sa mga co-host ng bagong noontime show ng ABS-CBN na Happy, Yipee, Yehey!

MASSAGE. Kung kaya't nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano mga ginagawa niya kapag walang trabaho ay agad niyang sinagot ng, "Tulog 'tsaka kain lang."

Natutunan na rin niyang magpamasahe dahil sa impluwensiya ng kasintahan niyang si Jason.

"Nagpapa-massage na ako ngayon. Natatakot ako dati kasi masakit pala magpa-massage nung una pero pag matagal na... pero na-use na din ako kasi naimpluwensiyahan ako ni Jason. Kasi mahilig talaga magpamasahe si Jason. Dati gumagala kami tapos pagkatapos namin gumala, massage na," kuwento ni Melai.

Sa bahay sila madalas magpamasahe.

RALLYING. Ngunit, dagdag ni Melai, "Sa ngayon...pero dati ang pastime ko yung sumasayaw. Kasi dahil sa taping wala na ako ginagawa kung di matulog kasi minsan lang makatulog, e," aniya.

Bukod pa sa pagsasayaw, naging active din si Melai sa mga organisasyon noong high school at college siya.

"Nagra-rally. Aktibista kasi ako. Wala akong kaalam-alam na dito sa showbiz, magdamagan pala yung taping kasi ang ginagawa ko nagra-rally, pumupunta dun sa mga bukid para turuan na pantay-pantay lang yung karapatan, na kahit na andun kayo sa taas 'wag niyong kalimutan na meron kayong mga karapatan dito, parang ganun," paliwanag ni Melai.

Miyembro si Melai ng Akbayan Youth.

"Since nung college and high school. Yun talaga kaya madaling araw na ako umuuwi. School tapos rally at meeting... mga organization, yun ang pinagkaka-busihan .Mahilig ako sa mga organization talaga.

Bukod sa Akbayan Youth, isa rin si Melai sa mga founders ng isa pang organisasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May organization din ako na Calye Calumpang Youth, mga batang kalye kami, taga- Calumpang kami, kaya tawag namin is Calumpang Youth for Empowerment.

"Nung last time nag- Christmas party sila. Nagpalaro ako at nagdonate ako ng pagkain," masayang kuwento ni Melai.

Ipinaliwanag ni Melai ang rason kung bakit nila itinatag ang nasabing grupo.

"Kalye... parang nag po-focus kami sa aming barangay na i-empower yung mga estudyante, mga bata na huwag na mag-rugby-rugby, instead na mag-rugby sumali na lang sa mga liga sa basketball, magsali sa mga clean-ups sa dagat, ganyan," sabi ni Melai.

Likas na raw kay Melai na mahilig siya sa bata.

"Kasi yung mga pinsan ko at mga pamangkin ko, puro bata. Ever since talaga, mahilig na ako sa mga bata," sabi ni Melai.

Bago natapos ang interview ay pabiro pa nitong dinagdag na, "Hindi kasi kami nauubusan ng mga bata sa amin, kasi kung tatanda yung isa, manganganak na naman!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN