Jason Francisco describes his fashion style when he was in the province

IMAGE 0


PBB Double Up finalist Jason Francisco says he prefers dressing simple, and he likes his girlfriend Melai Cantiveros to do likewise.


Biglang nagbago ang takbo ng buhay ng Pinoy Big Brother Double Up finalist na si Jason Francisco nang siya ay mapasok sa bahay ni Kuya at tuluyan nang napasok sa mundo ng show business.

Isa na nga sa napansin niyang pagbabago ay ang kanyang fashion style.

"Kasi dati po madalas nakahubad lang ako. Tapos yung damit ko, nakasampay lang sa balikat ko," paglalarawan ni Jason.

"E, ngayon hindi ko na magawa yun, 'tsaka madalas po lagi akong nakasando lang. E, ngayon, hindi na puwede. Pero simple lang naman ako, jeans tapos T-shirt tapos sapatos, sneakers," nakangiting sabi ni Jason.

Bakit ba laging nakasampay lang ang damit niya sa balikat niya dati?

Natawa si Jason sa tanong ng PEP 'tsaka sumagot, "Kasi uso sa amin yun, e. Sa amin kasi sa probinsya, hindi ganito na mainit at mausok. Sa amin mahangin, kaya masarap lagi nakahubad!"

Si Jason ay tubong Oriental Mindoro.

ON MELAI'S FASHION STYLE. In a separate interview, nakausap ng PEP si Melai at nabanggit niya na si Jason ang isa sa mga nagbibigay sa kanya ng advice tungkol sa fashion (CLICK HERE to read related story).

Ito naman ay pinatotoo ni Jason.

"Oo, kasi baduy siya!" natatawang sambit ni Jason.

Paliwanag niya, "Hindi siya marunong manamit. Hindi siya marunong mag-combine ng kulay. 'Tsaka minsan, marami siyang gustong isabit sa katawan pero mas maganda na simple lang," ang sabi ni Jason.

Ano ba ang gusto niya na suot ng kanyang kasintahan.

"Bagay sa kanya yung white lang na top tapos fit tapos naka jeans, tapos na naka-shoes na panlakad, yung pang-mall," ani Jason na nakangiti.

Dagdag pa niya, "Ang gusto ko pa sa kanya pag naka-semi-formal, anong tawag dun, yung dress na simple lang na labas yung legs. Kasi maganda naman yung legs niya."

Biro ng PEP sa kanya, ito ba ang isa sa mga dahilan kaya in-love siya sa dalaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, kahit na may konting peklat!" bulalas ni Jason.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN