Robi Domingo can only wish to be paired with crush Kim Chiu: "Iba na yung status niya, e. She's really up high there."

IMAGE 0


"Kung magmamahal man ako, gusto ko yung buong oras ko ibibigay ko sa kanya. Sa ngayon, busy talaga sa school at career. No time pa para sa love life," says Robi Domingo.


Hindi na napapanood sa music channel na MYX ng Studio 23 si Robi Domingo. Pero hindi naman daw siya tinanggal dito kundi "pinag-graduate" na siya bilang VJ.

"They are looking for a new flavor right now. Kumuha sila ng three great hosts na saludo ako. And proud ako sa kanilang lahat," sabi ni Robi nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, December 1, sa studio ng ABS-CBN pagkatapos ng Shoutout.

Ang Shoutout ang bagong youth-oriented show ng ABS-CBN, kung saan isa sa mga host si Robi.

Pero aminado ang dating Pinoy Big Brother Teen housemate na nalungkot siya sa pagkawala niya sa MYX.

"Sa totoo lang, nalungkot ako nung first few weeks. Masakit kasi, e.

"It's like natanggal ka sa daily routine mo. Pupunta ako ng school, then after school, diretso na ako sa MYX.

"Ayun, parang may butas na sa schedule ko. At mahirap maghanap ng paraan para i-fill in yung gap na yun."

Ganunman, nagpapasalamat pa rin si Robi na naging bahagi siya ng MYX.

"At least MYX has given me a training ground to host, to learn new skills, to hone my skills as a host," sabi niya.

Pero na-depress ba siya sa pagkawala niya sa MYX?

"Sad, yes. Depressed, no," sagot ni Robi.

KIM CHIU. Nang matanong dati si Robi kung sino ang showbiz crush niya, ang sagot niya ay si Kim Chiu. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang paghanga niya sa dalaga.

Magkakilala lang sina Robi at Kim, hindi sila close. Bakit hindi siya gumawa ng paraan para mapalapit kay Kim?

"Hindi ko pa siya ma-approach sa ngayon, e," nakangiti niyang sabi,

"I think we're both busy with our respective careers, lalo na siya.

"Sobrang proud ako kay Kim kasi nandun na siya. Kailangan na lang niya maintenance. And more endorsements."

Wala ba siyang naririnig na plano sa kanila ng kanilang mother studio, ang ABS-CBN, na pagsamahin sila sa isang proyekto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana!" sambit ni Robi. "Yun lang ang masasabi ko, sana.

"Kasi, iba si Kim, e. Iba na yung status niya, e. She's really up high there.

"Ako, palagi akong on my way up. Constant na papunta doon."

Bukod kay Kim, crush din ni Robi si Cristine Reyes.

"Si Cristine Reyes, sobrang ganda niya!" sabi ng binata.

"I can't really describe her. Pero para siyang diwata.

"At ang bait niya. Hindi siya showbiz in a sense na plastic."

NO GIRLFRIEND YET. Hanggang crush lang si Robi. Wala pa siyang plano na manligaw. At never pa pala siyang nagkaroon ng girlfriend.

"Marami akong crush, inevitable yun siguro naman sa mga kalalakihan," sabi niya.

"Pero I guess because of conflict schedule, hindi rin ako makakagawa ng move, e.

"Kasi, ayoko yung... Kung magmamahal man ako, gusto ko yung buong oras ko ibibigay ko sa kanya.

"Sa ngayon, busy talaga sa school at career. No time pa para sa love life."

Kung sakali bang manliligaw na siya, taga-showbiz din ba ang pipiliin niya?

"Hindi ko masabi 'yan, e. Hindi mo naman nadidiktahan ang puso," nakangiting sabi ni Robi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN