Marian Rivera shows support for Yes Pinoy Foundation by cooking for boyfriend Dingdong Dantes

IMAGE 0


Sabay na dumating ang magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes sa NBC Tent noong February 27 para sa launch ng isang programa ng Yes Pinoy Foundation para sa 2011.


Proud na proud si Marian Rivera sa tagumpay ng Yes Pinoy Foundation (YPF), ang public service organization na itinatag ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes noong August 21, 2009.

Noong nakaraang Linggo, February 27, ay naganap ang launch ng Para Paaralan, ang flagship program ng YPF, sa NBC Tent, Taguig City. Dumalo sa event ang ilan sa mga malalaking pangalan sa society at showbiz circles.

Dumalo rin ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa event na ito at nakausap namin si Marian.

Ayon sa young actress, malaki ang suporta niya sa foundation na itinatag ng kasintahan.

"Nakakataba ng puso na kahit dati pa na maliit pa lang itong Yes Pinoy, nasa likod na ako nito. Na sa maliliit na pamamaraan ko na, ay, part ako niyan. Na proud din ako," saad ni Marian.

Ayon sa kanya, hindi pa niya kayang bumuo ng sariling foundation kaya tuloy-tuloy lamang ang suporta niya sa YPF.

"Ang laking responsibilidad niyan! Na parang, ang sabi ko, sa pag-aartista nga, ang sabi ko, ay, eto na yun, eto na naman!

"E yung pa kayang Yes Pinoy Foundation? Siguro nand'yan ako para sumuporta, tumulong din. Pero yung kanya na lang muna yung susuportahan ko," paliwanag ni Marian.

Pagpapatuloy ng Kapuso actress at commercial endorser, isa sa mga paraan ng pagpapakita niya ng suporta ay ang pagluluto para kay Dingdong, at sa mga bisita nito.

"Madami, maraming pagkakataon. Example, may mga meeting, sa bahay nagmi-meeting, nagluluto ako... Ayoko rin kasing makihalo sa mga board, basta nandun lang ako. Sabi ko nga, para suportahan, para ipagluto sila kung anong gusto nila. Yun lang ang matutulong ko sa kanila," kuwento niya.

Ano ba ang niluluto ni Marian?

"Kahit anong gusto nila. The last time na natapos itong meeting na ito, nag-dinner sa bahay nina Dong. Nagluto ako ng dinner para sa kanila. Madami. Mga limang putahe 'yan, for dinner nila," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagluluto, todo rin ang pagbibigay ni Marian ng pag-aalaga sa boyfriend.

"Siyempre, alam ko pag pagod siya, binibigyan ko ko siya ng, 'A, o sige, kaya mo 'yan.' Ganito... At through my prayers, and love, and support, yun talaga ang ibibigay ko sa kanya. Pero yung brainstorming and everything, ay! O, wala na, kayo na lang 'yan. Ako na lang, nasa likod ako para sumuporta at magbigay ng lakas sa kanila," sabi niya.

Paminsan-minsan naman ay nakapagbibigay rin si Marian ng mga suhestiyon, at sapat na sa kanya yun.

"So naririnig ko yung mga conversation nila. 'Ay ganito, ganito dapat.' Minsan, pag kami na lang dalawa ni Dong, 'Ano sa tingin mo yung mga gusto mong mangyari, anong masa-suggest mo.' Nagsa-suggest naman ako, pero pag kaming dalawa lang," saad ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN