Anne Curtis's younger sister, Jasmine Curtis, is TV5's best bet for stardom next year

IMAGE 0


"The biggest and most important advice na nakuha ko kay Ate is kung may gagawin ako, dapat wholehearted. It's not something you do, kasi wala lang, gusto mo lang," says Jasmine Curtis, younger sister of Anne Curtis.


Nasorpresa ang press nang ipakilala ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis, si Jasmine Curtis, bilang pinakabagong Kapatid sa TV5.

Isang dance number ang handog ni Jasmine sa Christmas Party for the Press ng TV5 na ginanap kagabi, December 2, sa Broadway Centrum.

Si Jasmine ang napili ng TV5 na maging leading lady ni JC de Vera sa TV version ng blockbuster hit movie noong 1991 na Ang Utol Kong Hoodlum, na pinagbidahan nina Robin Padilla at Vina Morales.

Ang Utol Kong Hoodlum ang isa sa mga bagong shows ng TV5 na mapapanood next year. (CLICK HERE to read related story.)

Si Jasmine ang new face na aabangan sa TV5 sa 2011.

Nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama ang TV5 News crew, ng pagkakataon para sa isang short interview kay Jasmine sa dressing room after ng kanyang dance number sa Christmas party.

Ano ang feeling niya sa unang pagharap niya sa press bilang isang Kapatid?

"Actually, mixed emotions, mixed between nervous and excited," sabi niya.

"Kasi, I know na nag-perform na ako before, pero iba kasi debut ko nga dito.

"Parang hindi ko alam kung ano yung dapat ma-feel ko.

"But I'm happy to see all of the press people."

NO COMPETITION WITH ATE ANNE. Wala raw competition sa kanila ng Ate Anne niya at napaka-supportive pa nga nito sa kanya.

Ano ang best advice na naibigay sa kanya ng ate niya?

"The biggest and most important advice na nakuha ko kay Ate is kung may gagawin ako, dapat wholehearted.

"It's not something you do, kasi wala lang, gusto mo lang.

"But you know, if you do something, make sure that your whole heart is into it. And talagang passion mo siya."

Ano yung best part sa showbiz para sa kanya na sa tingin niya ay mae-enjoy niya the most?

"The best part about showbiz is marami kang maa-approach na mga tao," sagot ni Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And talagang kapag may message ka, madali mong i-get across to so many people lalo na kapag may important message ka."

CHOOSING TV5. Bakit sa TV5 niya piniling gumawa ng show?

"TV5 because they gave me a really great offer," sabi niya.

"And they're willing to work around one of my priorities, which is school also.

"But not that I'm saying this business isn't my priority as well, it's a big part of it.

"But you know, it's nice to be here and they care about my studies.

"They're letting me do them at the same time."

Is she expecting to be a big star of TV5?

"No naman," sabi ni Jasmine.

"I'm not expecting anything because I know kung ano ang meron diyan, and kung anuman ang mangyari, then I guess that's what meant to be and that's what God has planned for me."

Para sa mga taong nag-aabang sa kanyang tuluyang pagpasok sa showbiz, ano ang message niya sa kanila?

"Gusto ko lang po kayong i-invite na next year there is a special project that I'm gonna be doing here in TV5.

"I hope na sana lahat kayo mag-support para sa akin. I'll see you all next year," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN