PAMI orders Baron Geisler to publicly apologize to Cherry Pie Picache; prohibits artists from working with the actor until he is "fully rehabilitated"

IMAGE 0


Actor Baron Geisler cannot work with the artists of managers who are members of the Professional Artists Managers Inc. until he is "fully rehabilitated." This is one of the agreements made by the camps of Baron and Cherry Pie Picache after the PAMI meeting held earlier tonight.


Isang "public apology" mula kay Baron Geisler ang isa mga napagkasunduan ng talent managers na sina Arnold Vegafria at Ed Instrella pagkatapos ng kanilang meeting sa loob ng Professional Artists Managers Inc. (PAMI) ngayong gabi, January 19.

Si Arnold ang manager ni Baron, samantalang si Ed naman ang nangangalaga sa career ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Matatandaang naghain ng formal complaint sina Cherry Pie at Ed sa PAMI dahil sa ginawang pambabastos ng aktor sa aktres. Nangyari ang insidente sa taping ng pinagsasamahan nilang serye sa ABS-CBN, ang Noah, kunsaan hinawakan umano ni Baron ang dibdib ni Cherry Pie. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa insidente ay nagdesisyon ang pamunuan ng ABS-CBN na tanggalin na sa serye si Baron.

Bukod sa public apology, pagbabawalan din ng lahat ng talent managers na kasapi sa PAMI ang kanilang mga hawak na artista na makipagtrabaho kay Baron hanggang sa panahong "fully rehabilitated" na ang aktor.

Narito ang kabuuang statement ng PAMI na ipinadala ng presidente nitong si June Torrejon sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng email ngayong gabi:

"PAMI just concluded an emergency meeting in response to the letter of complaint received from Mr. Ed Instrella (manager of Cherry Pie Picache) against Actor Baron Geisler.

"Ed Instrella related the unfortunate incident involving Cherry Pie and Baron during the taping of Noah last Friday January 14, 2011. Arnold Vegafria in behalf of Baron expressed his sincere apology. He is in agreement that Baron needs professional and medical help and has expressed to PAMI that Baron is willing to undergo treatment. We are supporting Arnold in his efforts to help his artist.

"After hearing both sides from the two PAMI Members, Ed and Arnold, the PAMI has decided on the following:

"1) That all PAMI managed artists should not be exposed to incidents like this again for their safety and security

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"2) We are requesting the assurance from all networks and movie producers to ensure that any actor in an intoxicated state should not be allowed on the set

"3) That Baron should publicly apologize to Cherry Pie Picache

"4) To inhibit all PAMI managed artists from working with Baron until such time that PAMI believes Baron Geisler is fully rehabilitated."

Hindi ito ang unang pagkakataon na inireklamo ng pambabastos ng babae si Baron.

Noong May 2008 ay nagsampa ng kasong acts of lasciviousness ang panganay na anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizha Martinez.

Pagkalipas ng isang taon, noong May 2009, ay kinasuhan ng young actress na si Yasmien Kurdi si Baron ng acts of lasciviousness at unjust vexation.

Kaugnay ng kasong isinampa ni Yasmien kay Baron, nagharap na sa wakas ang dalawa sa arraignment ng kaso kaninang umaga sa Bocaue Municipal Court.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN