Baron Geisler denies harassing Cherry Pie Picache; pleads "not guilty" on harassment case lodged by Yasmien Kurdi

IMAGE 0


Baron Geisler caught even the attention of Bayan Muna Representative Neri Colmenares, who called on the entire entertainment industry to cease employing the services of the controversial actor following another complaint, this time involving Noah co-star Cherry Pie Picache.


Itinanggi ng kontrobersiyal na aktor na si Baron Geisler ang akusasyon na binastos niya diumano ang aktres at Noah co-star na si Cherry Pie Picache.

Sa panayam kay Baron ng ABS-CBN News, sinabi nito na maaaring inakala ni Cherry Pie na sinadya niyang hawakan ang dibdib nito sa isang eksena.

Taong-unggoy ang karakter ni Baron sa Noah at dahil dito ay hinihingi daw ng kanyang papel ang pagiging malikot pagdating sa kilos ng buong katawan at galaw ng mga braso. Kasama rin sa role ni Baron ang panghu-hostage ng mga taong-bayan na kung saan nabibilang ang karakter ni Cherry Pie.

"Bilang aktor, in character ako," depensa ni Baron sa sarili.

Hindi raw niya maaaring bastusin si Cherry Pie dahil mataas ang respeto niya sa award-winning actress, bukod pa sa parang isang ina ang turing niya rito.

"Nanay ang turing ko kay Cherry Pie. Imposibleng gawin ko yun sa kanya. I'm very disappointed," sabi ni Baron, na itinanggi rin ang naunang balita na lasing daw siya habang kinukunan ang eksena na ikinagalit ni Cherry Pie.

Nakiusap din ang aktor sa publiko na kung maaari ay panoorin muna nila ang eksena bago siya husgahan.

"NOT GUILTY." Kahapon, January 19, ay humarap si Baron sa sala ni Judge Lauro Bernardo ng Bocaue, Municipal Trial Court, para naman sa arraignment ng kasong Acts of Lasciviousness and Unjust Vexation na inihain laban sa kanya ng young actress na si Yasmien Kurdi.

Nagsimula ang reklamo ni Yasmien against Baron nang magkasama sila sa GMA-7 series na Suspetsa noong 2009.

Kasama ni Baron ang kanyang abogado na si Atty. Boni Alentajan. Si Atty. Ferdie Topacio naman ang tumatayong tagapagtanggol ni Yasmien.

Naging emosyunal si Yasmien sa loob ng korte matapos umanong marinig ang "not guilty" plea ni Baron sa harap ni Judge Bernardo.

"Ibig sabihin sinungaling ako at iba pang mga babae. Hindi ko nga alam kung magpapasalamat ako na tuloy na ang hearing ng kaso after seven months... Pagod na pagod na ako sa kasong ito. Ayoko nang umiyak," pahayag ni Yasmien sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa report naman ni Abu Tilamzik para sa Abante Tonite, marami pa raw ibubulgar si Yasmien laban kay Baron sa pag-usad ng kaso.

"...Talagang nakaranas daw siya ng pambabastos mula sa aktor at sa korte na daw niya iyun ilalabas," ulat ni Tilamzik.

Kaugnay naman ng isyu involving Cherry Pie, sinabihan na raw si Baron ng kanyang abogado na huwag munang magsalita hangga't wala pang malinaw na reklamo na inihahain ang kampo ni Picache.

"Siguro, magpapahinga po muna ako sandali at pag-iisipan ko pa kung ano ang dapat kong gawin. Meron lang akong gagawin para sa aking sarili, pero sa akin na lang po muna iyun," pahayag ni Baron, na ang maaaring tinutukoy ay ang balitang sasailalim siya sa isang rehabilitation program.

PAMI BANS BARON. Samantala, naglabas naman ng utos ang Professional Artist Management, Inc. (PAMI) kagabi, January 19, kung saan pinagbabawalan ang mga artista na nasa pangangalaga ng mga miyembro nito na makipagtrabaho kay Baron. (CLICK HERE to read related story.)

Ang PAMI ay ang organisasyon na kinabibilangan ng talent managers. By invitation ang membership nito.

Siniguro na raw ng manager ni Baron na si Arnold Vegafria na sasalang ang kanyang alaga sa isang "professional at medical help" para maituwid kung anumang problem meron ang controversial actor.

Babawiin lang daw ng PAMI ang ban laban kay Baron sa oras at panahon na masiguro nila na maayos na ang disposisyon ng aktor bunga ng therapy.

Kasabay naman ng PAMI statement ay ang panawagan ni Bayan Muna Representative Neri Colmenares sa buong entertainment industry na huwagmunang bigyan ng trabaho si Baron dahil sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan nito.

Kung pagbabasehan daw ang salaysay ni Cherry Pie ay maaaring maharap sa kasong violation of anti-sexual harassment si Baron.

Mainam daw na pagpahingahin at bigyan muna ng sapat na bakasyon si Baron para mapagtuunan nito ang pagpapagamot bago muling isabak sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN