Bong Revilla and Vic Sotto get to know each other better with Si Agimat at Si Enteng Kabisote

IMAGE 0


"Dati batian lang. Ngayon, mas kilala na niya si Bong at mas kilala ko na rin si Vic. Simpleng tao. Akala mo suplado, but he's not. Totoong tao siya. Talagang komedyante at kapag humirit, talagang hahalakhak ka," says Bong Revilla about co-star Vic Sotto.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama sa isang pelikula ang dalawa sa pinakamalaking male stars sa bansa na sina Vic Sotto at Bong Revilla. Ito ay sa pamamagitan ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote, entry sa 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF).

"Isang malaking karangalan na makasama ko si Vic sa isang pelikula. Talagang no regrets.

"Happy ako sa pelikula namin at talagang makikita mo ang ganda. Yung mahahanap mo sa isang pelikula kay Bong Revilla at kay Vic Sotto, nandito," saad ng actor-senator sa taped interview sa kanya ng Startalk.

Noong mga nakaraang MMFF kasi ay madalas na magtapat ang mga pelikula nina Bong at Vic. Pero ngayong taon ay nagsanib-puwersa na sila sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang character na pinasikat nila—Agimat (Bong Revilla) at Enteng Kabisote (Vic Sotto).

Ayon pa sa actor-politician, dahil sa pagsasama nila sa isang movie, mas nakilala ang isa't isa at mas lumalim pa ang ugnayan nila.

"Dati batian lang. Ngayon, mas kilala na niya si Bong at mas kilala ko na rin si Vic.

"Simpleng tao. Akala mo suplado, but he's not. Totoong tao siya.

"Talagang komedyante at kapag humirit, talagang hahalakhak ka," paglalarawan ni Bong Revilla sa kanyang co-star.

Ngayon pa lang ay marami nang humuhula na ang pelikula nila ang maghahari sa takilya. May confidence ba na sa pagsasama nila ay nakakasiguro nang magiging No. 1 ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote sa MMFF?

"Hindi mo masasabi yun na maging No. 1 ka sa box-office. Ang importante, mabigyan natin ng magandang pelikula ang mga bata, lalong-lalo na ngayong Pasko," sagot ni "Agimat."

FATHER AND SON. Samantala, ngayon pa lang, pinaghahandaan na raw ng pamilya Revilla ang kaarawan ng patriarch na si dating Senator Ramon Revilla Sr. sa March 2011. Pero ayaw pang magbigay ng detalye ni Senator Bong tungkol dito.

Aniya, "Meron kaming malaking sorpresa kay daddy, pero kapag sinabi namin ngayon, hindi na sorpresa. My dad is okay, palakas siya nang palakas ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-stroke noong 2008 ang dating aktor at senador, na nakilala sa kanyang Agimat movies.

Masaya at proud naman si Senator Bong sa anak na si Jolo Revilla, na ngayon ay barangay captain na sa Bacoor, Cavite.

"Kailangan panindigan mo kung ano ang posisyon na pinasok mo at yun naman ang ginagawa niya kaya proud naman ako sa bata.

"Kung sa shooting or pagiging public servant niya, e, pipiliin niya siguro ang pagiging public servant," saad niya.

"NARROW-MINDED." Ngumiti lang si Senator Bong nang tanungin naman siya tungkol sa "narrow-minded comment ni Hayden Kho tungkol sa kanya.

Matatandaang si Senator Bong ang nagsulong sa Senado ng pagdinig sa sex-video scandal ni Hayden.

Nang hingan ulit ng Startalk ng reaction tungkol dito, ang sinabi ni Senator Bong ay: "Okay lang. Ang title natin ay Si Agimat at Si Enteng Kabisote."

Will he wear Hayden's perfume?

"Ang title natin ay Si Agimat at Si Enteng Kabisote!" natatawang ulit niya bilang pag-iwas sa tanong tungkol kay Hayden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN