First Celebrity Sole Survivor Akihiro Sato wants his family to come and stay in the Philippines "for good"

IMAGE 0


A day after winning Survivor Philippines Celebrity Showdown, Akihiro Sato guested live on Startalk yesterday, December 3, to talk about his victory and his plans.


Isang araw pagkatapos siyang tanghalin bilang first Celebrity Sole Survivor, live na nag-guest si Akihiro Sato sa Startalk kahapon, December 3.

Nanalo sa Akihiro nang makakuha siya ng tatlong boto mula sa pitong jury members, na binubuo nina Jon Hall, Aira Bermudez, Michelle Madrigal, Ahron Villena, Elma Muros, Moi Marcampo, at Aubrey Miles.

Tinalo ng Brazilian-Japanese actor-model sina Solenn Heussaff at Ervic Vijandre, na nakakuha naman ng tig-dalawang boto. (CLICK HERE to read related story.)

Sina Joey de Leon, Ricky Lo, at Lolit Solis ang nag-interview kay Akihiro.


CELEBRITY SOLE SURVIVOR. Ayon kay Akihiro, pagka-shock daw ang una niyang naramdaman nang marinig niya ang kanyang pangalan bilang kauna-unahang Celebrity Sole Survivor.

"Finally, we're done with Survivor and it's a wonderful show," sambit pa niya.

Ano sa palagay ni Aki ang dahilan kung bakit siya ang ibinoto ng mga dati niyang kasamahan?

"Hindi ko alam po. Kasi, masipag ako sa isla roon.

"Sobrang mahirap yung games and many controversy between Aubrey and Ervic, so I did really hard work," sagot ni Akihiro, na hirap pa rin sa pagsasalita ng Tagalog at English.

Natawa naman si Aki nang intrigahin siya ni Lolit kung sa palagay ba niya ay may relasyon sa pagitan nina Ervic at Aubrey.

Sabi ni Aki, "It's part of the game. Pagkatapos ng show, okay naman, nagkausap kami and tapos na."

During Survivor, bakit palaging umiiyak si Aki?

"Kasi, masakit yung game. Thirty-six days and after the show, very tired, sa games," paliwanag niya.

Ayon pa kay Aki, malaki rin daw ang ipinayat niya dahil sa Survivor Philippines.

PRIZE MONEY. Tatlong milyon piso, tax free, ang napanalunan ni Akihiro bilang Celebrity Sole Survivor. Ano ang plano niyang gawin sa kanyang napanalunan?

"Kailangan ko yung kotse," nakangiti niyang sagot.

"I have to save money. I want to do a business.

"I want to bring my family here next year, so let's see."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong klaseng business naman ang naiisip ni Akihiro?

"Restaurant. Brazilian restaurant."

FAMILY GUY. Mahalaga kay Akihiro ang kanyang pamilya. Sinabi nga niya noon na kapag nanalo siya sa Survivor ay balak niyang dalhin dito sa Pilipinas ang kanyang pamilya mula sa Brazil.

Naikuwento rin ng model turned actor na ang isa niyang kapatid na lalaki ay paralisado ang kalahating katawan.

"My old brother, when he was born, he's paralyzed at the right side. So, he cannot walk. He cannot speak," banggit ni Akihiro.

When asked kung gagamitin ni Aki ang napanalunan para sa pagpapagamot ng kapatid, sinabi nito na, "He's very healthy. God blessed. He's okay.

"I want to bring him in the Philippines. All my family to stay for good here in the Philippines."

Tatlong magkakapatid sina Aki. Siya ang pangalawa at may younger sister pa raw siya.

May mensahe rin siya para sa kanyang pamilya: "With my family, I miss you very much. I'll see you soon. I love you guys."

AKIHIRO'S GIRLFRIEND. Sa kanyang past interview ay inamin ni Akihiro na may live-in partner siya. Ano ang naging reaction nito nang manalo siya?

"She's really shy with the whole showbiz. So, I just announced," sagot ni Akihiro.

Wala raw planong mag-artista ang girlfriend ni Akihiro.

Dagdag niya, "She's not even a model. She's a lawyer and she's a Brazilian. She just moved with me this year."

LIFE AFTER SURVIVOR. Pagkatapos ng Survivor, tuloy-tuloy pa rin daw si Akihiro sa kanyang showbiz career.

"I have a new soap opera coming out, Captain Barbell. It's still the same," banggit niya.

Tanong naman ni Lolit, paano raw magagawa ni Aki na mag-soap opera gayong hindi pa rin siya marunong magsalita ng Tagalog?

"Well, na-improve ko na rin," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN