Dingdong Dantes almost had a chance encounter with Marian Rivera's ex-boyfriend Ervic Vijandre

IMAGE 0


"Nakikita ko na mangyayari at mangyayari because nasa isang istasyon kami. At kung sakali, yun ang first acquaintance namin, and I don't see any problem," says Dingdong Dantes about the possibility of meeting Ervic Vijandre, the ex-boyfriend of Marian Rivera.


Muling ipinagtanggol ni Dingdong Dantes si Marian Rivera sa hindi matapus-tapos na isyu tungkol sa pagiging selosa diumano ng kanyang kasintahan.

"Lahat naman may dahilan. Kung ganoon ang kanyang personality, wala naman tayong mababago ro'n.

"I mean, ayoko namang baguhin siya dahil yun ang gustong i-dictate ng society sa kanya.

"Nagustuhan ko siya kung sino siya at magmula noon, hanggang ngayon, walang nagbago ro'n.

"Siguro, medyo sensitive din naman ang gano'ng tag. Kasi negative siya. Then again, lahat ng sobra masama.

"Para sa akin, isa siyang balanseng tao. So, siguro, kung may ganoon man, kailangan nilang malaman na okay siya," saad ni Dingdong nang makausap siya ng Startalk sa Christmas party ng PPL Entertainment para sa press.

NEAR ENCOUNTER. Samantala, noong nakaraang Linggo (November 28) ay parehong nasa Party Pilipinas si Dingdong at ang ex-boyfriend ni Marian na si Ervic Vijandre. Si Ervic ay finalist sa katatapos lang na Survivor Philippines Celebrity Showdown.

Kuwento ni Dingdong, "Yeah, naalala ko yung time na yun. May interview siya sa labas, e. Tapos ako, kausap ko si KC [Montero] sa hagdanan."

Paano kung mag-krus ang landas nila, lalo pa nga't pareho silang Kapuso?

"Nakikita ko na mangyayari at mangyayari because nasa isang istasyon kami. At kung sakali, yun ang first acquaintance namin, and I don't see any problem."

Pero ayon kay Dingdong, nagkaroon na ng chance na magkita sina Marian at Ervic sa lobby ng GMA-7.

"Civil lang niyang [Marian] naikuwento sa akin. Probably, kung paano niya naikuwento sa akin, yun din ang emosyon niya noong magkita sila.

"But ako naman, lahat ng nanggaling sa nakaraan, e, nakaraan na at doon na ako sa hinaharap," sabi niya.

ERVIC VIJANDRE. Nakausap din ng Startalk si Ervic tungkol sa muntik na nilang pagkikita ni Dingdong sa studio ng Party Pilipinas.

Ayon kay Ervic, "Hindi kami nagkasalubong. Pangit naman kung babatiin ko yung tao, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, hindi ko naman siya personal na kilala. Kapag binati ko, baka hindi naman ako mapansin, di ba?"

Pero kung sakali't magkita't magkaharap sila ni Dingdong, ayon kay Ervic, "Kapag nakilala ko siya, siyempre, Dingdong Dantes yun, e. Parang, Sir, parang ganoon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN