Piolo Pascual affirms loyalty to ABS-CBN; denies getting an offer from TV5

IMAGE 0


When asked if it's true that he went to TV5 with director Joyce Jimenez, Piolo Pascual smiled and said, "A, talaga? Hindi ko nga alam kung saan ang compound ng TV5, e." He also refused to comment on rumors that he got an offer to transfer to Kapatid network. Instead, he just said, "I'm very much a Kapamilya. I've been a Kapamilya all my life."


Napangiti na lang si Piolo Pascual nang tanungin siya kung totoo ang balitang may nag-alok sa kanyang lumipat sa TV5.

Sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, sa event ng Real Leaf Green Tea kahapon, Disyembre 8, ito pa ang pabirong sagot ng aktor: "Hinihintay ko nga rin 'yong sa GMA-7, e. Joke!"

Matatandaan na noong Marso ngayong taon, napabalita na lilipat na ang Kapamilya star sa GMA-7. Ngunit agad itong pinabulaanan ng ABS-CBN sa isang press statement na nagsaad: "Piolo Pascual is happy as an exclusive contract artist of ABS-CBN." (CLICK HERE to read related article.)

Hanggang ngayon, naninindigan si Piolo na loyal siya sa network na kumupkop sa kanya ng mahigit isang dekada na. Kaya naman, iniwasan ng Noah actor na magbigay pa ng anumang komento.

Sinabi pa niya, "If I side up with Channel 2, I'm with Channel 2. It's unfair naman if I comment about that.

"I'm very much a Kapamilya. I've been a Kapamilya all my life so it's unfair to talk about it."

Sa tingin ni Piolo, maaring lumalabas ang ganitong balita ngayon dahil may ilang kasamahan na rin siya sa industriya na lumilipat sa ibang network.

"It's high time, e," paliwanag ng premyadong aktor ng ABS-CBN.

"Maraming tao na naglilipatan dito, lipatan doon. I guess, wala namang makakaiwas doon, e.

"I remember before my soap [Noah] came out a couple of months ago, may ganyan na ring thoughts about susundan ko raw si Claudine [Barretto], or may offer raw ako sa Channel 7.

"But you know, wala namang nangyayari."

Pagkatapos nito, muling nilinaw ni Piolo na, "Wala naman [offer].

"I guess, masaya naman ako sa ABS-CBN, masaya naman ako sa Noah, masaya naman ako sa career ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN