Kris Aquino explains "date" interview with Ted Failon is just a joke

IMAGE 0


"I think it takes a lot to shake a Ted Failon. Pero I think a Kris Aquino was able to shock a Ted Failon!" says Kris Aquino.


Hindi akalain ni Kris Aquino na ang biro niya kay Ted Failon ay pag-uusapan ng buong bansa.

Sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol kagabi, December 7, ay live na na-interview ni Ted si Kris kaugnay ng pelikula niyang Dalaw.

Nang tanungin ni Ted kung kailan ang premiere night nito ay sinabi ni Kris na manonood ang kapatid niyang si President Noynoy Aquino "at kung sino man ang kasama niyang ka-date."

Pagkatapos nito ay biglang sinabi ni Kris kay Ted na: "Niyayaya kitang ka-date, tinanggihan mo naman ako, too bad."

KRIS EXPLAINS. Ilang minuto pagkatapos ng kanyang interview sa TV Patrol, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Kris sa presscon ng Dalaw.

Dito ay tinanong siya kung nanliligaw ba sa kanya si Ted dahil sa sinabi niya sa news program.

"Hindi siya nanliligaw sa akin. We're really just good friends," paglilinaw ni Kris.

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag ni Kris na biro lamang niya iyon sa isang kaibigan.

"Kasi ganito 'yon... Aamin ako, mayroon kasi siyang kinoment.

"Noong Monday night [December 6], when they were talking about Noy's love life, meron mga input si Ted doon, medyo napagkuwentuhan namin.

"So, I told him, 'Maghanda ka. Babawian kita.'

"So, yun, promise niya sa akin na secret lang namin 'yon. Tapos tsinika niya.

"Tapos, sabi niya, 'Hindi naman pangit ang mga sinabi ko, a!'

"I think he was really shell-shocked.

"I think it takes a lot to shake a Ted Failon. Pero I think a Kris Aquino was able to shock a Ted Failon!" natatawang sabi ni Kris.

Ayon pa kay Kris, ang ini-expect niyang mag-i-interview sa kanya sa TV Patrol ay si Korina Sanchez. Pero medyo nagulat siya na si Ted ang kumausap sa kanya.

"So, plinaytime ko si Ted nung siya yung nandoon, 'Naku, Ted, gusto mo talaga ako maka-chika!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun lang po yun," paliwanag niya.

FRIENDSHIP WITH TED. In a separate interview, nilinaw ni Kris ang tungkol sa kanilang friendship ng batikang broadcaster.

"He has been my friend," sabi ni Kris.

"Nag-reach out ako sa kanya noong time na we were transferring mom [Cory Aquino] from La Salle to the Manila Cathedral.

"My mom had said, before his wife had passed away, Ted's daughter was the same age I was at the time my dad died.

"My mom said, 'Kris, puntahan mo sila, especially because you would know best what his daughter is going through.'

"And I never got to do that kasi lumubha na ang kondisyon ng mom.

"Then I remembered there was a live interview, and I remember that Ted was on the air, and told Ted ang bilin ng mom.

"We exchanged numbers then.

"Before Christmas last year, I had dinner with his family.

"In-invite niya ako with his sisters and with his children. I brought my kids.

"And we've maintained that friendship since that time.

"I guess it was a friendship [between those] who have experienced loss.

"And then, kapag mayroon siyang gustong tanungin tungkol sa pamilya namin, he has a direct line and I answer na off the record.

"Minsan, nagugulat ako na sinasabi niya... Naku, lagot na naman ako!

"He's a dear friend," diin pa ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN