FIRST READ ON PEP Willie Revillame-Shalani Soledad romance: Yes, he is courting her. No, they are not an item yet.

IMAGE 0


The camp of Shalani Soledad has confirmed that Willie Revillame is seriously courting the politician-TV host. They deny, however, that the hosts of Willing Willie are already in a relationship.


Kinumpirma ng dalawang sources ng PEP—na hindi nag-atubiling pangalanan sila—ang usap-usapang nanliligaw si Willie Revillame sa kanyang co-host sa Willing Willie na si Shalani Soledad.

Ngunit itinanggi rin ng mga source na ito na magkarelasyon na ang dalawa at may balak nang magpakasal.

Taliwas ito sa lumabas na writeup noong Linggo, Disyembre 5, sa Philippine Daily Inquirer.

Ayon sa writeup ng national broadsheet, nag-"outing" si Willie, 49, kasama ang pamilya ni Shalani, 30, sa Manila Bay, sakay-sakay ng yate.

Dito raw, "perfect" ang "mood and setting" para makapag-propose ang isang lalaki sa kanyang girlfriend.

Ipinahiwatig sa artikulo na magpo-"propose" na si Willie kay Shalani, dahil may plano na silang magpakasal sa July 2011.

Ito rin daw kasi ang buwan na magse-celebrate ng kaarawan ang tunay na ina ni Shalani na si Ms. Evelyn San Ramon.

Nagsimula ang artikulo sa "Rumors were spreading that wedding bells will be ringing," napunta sa "Friends on board the yacht were speculating if this was indeed the moment when Willie would propose," at umabot sa pagkukumpara sa sitwasyon nina Willie at Shalani kina "multi-billionaire Aristotle Onassis, the stunning Jackie O and the opera diva Maria Callas" at ang "romance of Robert Wagner and Natalie Wood."

Sa pagkakasulat ng artikulo, hindi malinaw kung ano ang tunay na estado ng relasyon ng dalawang TV hosts.

Hindi rin malinaw kung kailan nanligaw si Willie, at kung kailan sila naging "mag-on."

Ngunit mukhang ang basa ng marami ay "on" na nga ang dalawang hosts at may petsa na ng kanilang "wedding," kung ang pagbabasehan ay ang mga naglabasang Facebook posts.

Nang tanungin ng Philippine Entertainment Portal ang ilang Facebook users, sinabi nilang, "We just picked it up from the Inquirer!"

WHERE IT ALL BEGAN. Nagsimulang maging co-host si Shalani Soledad sa Willing Willie noong Nobyembre 8, o mga apat na linggo pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang labas pa lang ni Shalani, pinangunahan na ni Willie ang mga manonood na "magre-resign" siya sa sarili niyang show kapag "na-in love" sa kanya ang magandang konsehala ng Valenzuela.

Sagot naman ni Shalani, madali naman daw siyang kausap. (CLICK HERE to read related story.)

Gayunpaman, tingin ng marami ay sweet ang dalawa sa isa't isa sa bawat episode ng Willing Willie, na ipinapalabas mula Lunes hanggang Sabado, dala na rin ng pagbibiro ni Willie kay Shalani tungkol sa love life nito.

Alam naman ng mga manonood na kabi-break pa lang ni Shalani at ni Presidente Noynoy Aquino, na naging magkasintahan nitong huling dalawang taon.

Pabiro ring itinatanong ng male host kay Shalani kung ano ang tipo nitong lalaki.

Pabiro rin namang sumasagot si Shalani ng "Basta hindi babaero."

Si Willie ay madalas tawaging babaero, dala na rin ng dalawang beses na nitong pagpapakasal at pakikipaghiwalay.

Una niyang naging asawa ang artistang si Princess Punzalan. Sumunod niyang pinakasalan ang socialite na si Liz Almoro, at nagkaanak sila ng isa, si Juan Emmanuel, apat na taong gulang na ngayon.

Meron ding mga anak si Willie sa ibat ibang babae: Meryll, 27 ang edad; La, 21; at Marimonte Chanel, 6.

THE CLARIFICATION. Para linawin ang isyu ay tinawagan ng PEP ang mga taong malapit kay Shalani.

Tinawagan ni Jo-Ann Maglipon ng YES! magazine kaninang hapon si Mrs. Gigi Bautista, isang kaibigan ng pamilya Soledad at matagal nang may malasakit kay Shalani bilang kaibigan, upang tanungin tungkol sa umiinit na balitang mag-boyfriend-girlfriend na ngayon sina Shalani at Willie.

Laking gulat ni Mrs. Bautista. "Ano, saan galing iyan?" Ngunit bago ito magsalita ng anupaman, nagsabi ito ng, "Let me call her now."

Nang tumawag siya ulit kay kay Jo-Ann, sinabi nito: "I asked her [Shalani] if she was with Willie now, and she said, yes, they were in the studio for Willing Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I said, 'No, I'm asking if you and Willie are on now, you and Willie, this very moment that we are talking.'

"And she said, '"No po!'

"Tapos tawa siya nang tawa."

Pagpapatuloy ni Mrs. Bautista: "I also asked if it's true she's getting married in the next months to Willie.

"And again she said 'No, po.'"

Ayon kay Mrs. Bautista, naniniwala siyang nagsasabi sa kanya ng totoo si Shalani.

Hindi na niya gusto pang magdetalye, ngunit naniniwala raw siya sa sinabi ng kaibigan na kung may ganoon ngang pangyayari sa buhay nito, siya ang isa sa mga unang makakaalam.

Nang tanungin ni Jo-Ann kung saan sa tingin niya nanggagaling ang ganitong kuwento, ang matipid nitong sagot ay, "Tingin ko nami-misinterpret ang mga tuksuhan at jokes nila sa TV."

Ang dagdag lamang ni Mrs. Bautista ay, "Wala akong sinasabing masama kung sila nga ni Willie, pero hindi sila. Naniniwala ako sa sinabi niya sa YES! na kelangan munang mag-rest ang puso niya."

Ang tinutukoy ni Mrs. Bautista ay ang naging interbyu kay Shalani ng YES! magazine, para sa January 2011 cover feature nito, na lalabas sa merkado nitong Disyembre 18.

Dito ay pinag-usapan ang sakit ng breakup nila ni PNoy at ang pangangailangan ng puso niyang mamahinga muna.

THE CONFIRMATION. Nagpadala rin ng text message kaninang hapon ang PEP sa tiya ni Shalani na si Baby Soledad, na tumayong pangalawang ina ni Shalani sa mga taong nagtrabaho sa Kuwait ang kanyang inang si Evelyn.

Lumaki si Shalani sa poder ng kanyang Tita Baby at sa asawa nitong si Ramon Soledad, na nakababatang kapatid ni Evelyn.

Kamakailan lamang kasi nakilala ni Shalani ang kanyang amang si Adolfo "Adi" Aguirre.

Tinanong ng PEP si Baby kung totoo ba ang nakasulat sa diyaryo, at kung mag-boyfriend-girlfriend na ang kanyang pamangkin at si Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang sagot niya sa text: "Hindi p naman, ksama kmi sa yacht, pasyal lng kmi, d p nga cla mg on e." ["Hindi pa naman. Kasama kami sa yacht. Pasyal lang kami. Hindi pa nga sila mag-on, e."]

Tinanong din namin kung nanliligaw ba si Willie.

"Yes, nanl2gaw," sagot ni Baby. ["Yes, nanliligaw."]

Matapos nito, tinawagan ng PEP si Mrs. Soledad para linawin pa ang mga detalye.

Una naming tanong: Nabasa na ba niya ang artikulo sa diyaryo?

"Oo, nabasa ko nung Linggo. Pero ang tagal na nun, e. Ang tagal na nung ano na yun, sa yacht na yun.

"Siguro mga ano pa lang yun, mga second week niya [Shalani] sa Willing Willie. Sunday yun, Sunday," sabi ni Baby.

Ayon pa kay Baby, magkakasama sa yate sina Willie, Shalani, siya at ng asawa niyang si Ramon, at ang kanyang mga anak.

Totoong "sweet" daw si Willie kay Shalani sa trip na ito.

"Siyempre, kahit naman sa harap namin, e, nanliligaw siya," dagdag niya.

Sabi pa ni Baby, hindi na raw nasundan ang outing dahil pinapa-renovate ngayon ang yate ni Willie.

Gayunpaman, patuloy pa raw bumibisita si Willie sa bahay ng mga Soledad.

"Minsan, after the show, umuuwi sila dito. Yung tumutuloy," sabi ni Baby.

Kailan ba nagsimulang manligaw si Willie kay Shalani?

"Siguro nung mga ano pa lang, nung during that time, mga second week [ng Willing Willie], ganyan.

"Pero siyempre, hindi mo naman seseryosohin yun, e.

"Ewan ko kung sila na lang dalawa, di ba?

"Kasi pag kaharap kami, ganun.

"Siyempre, alam namin, baka joke lang, di ba?"

Ano ang naging reaksiyon ni Shalani sa panliligaw sa kanya ni Willie?

"Katulad ng reaksiyon niya sa show, 'Basta't di babaero.' Yun yung sinasabi niya parati, di ba?

"Kasi, alam na alam naman natin yung kalibre ni Willie, di ba?" pagpapatuloy ni Baby, na ang tinutukoy ay ang reputasyon ni Willie sa showbiz bilang babaero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong din ng PEP, handa na bang sumabak si Shalani sa bagong relasyon matapos makipag-break kay PNoy?

"Ay, hindi pa siguro," aniya.

Dagdag niya, "Pero, actually, hindi namin talaga napag-uusapan yung mga ganun.

"Hindi naman niya sinasabi sa amin. Hindi naman nagpapaalam sa amin.

"Dyusko, 30 years old na siya, di ba?

"Siyempre, siya na yung nakakaalam ng feelings niya."

Ipinaliwanag din ni Baby kung bakit hindi siya naniniwala na "mag-on" na sina Willie at Shalani.

"Baka nami-misinterpret lang nila kasi, di ba, sinasabihan na...

"Di ba, minsan si Lani [palayaw niya kay Shalani] pag ano, nagre-react sa mga ano?

"Kasi sinasabi namin, ganun. Yung kumbaga, ra-ride naman siya sa mga joke ni Willie, di ba?

"Para naman, di ba, dagdag din sa ano ng show yun, e."

Aniya pa, habang tumatawa, na baka "publicity" lang ito.

Pero kung totoo ang mga usap-usapang sina Willie at Shalani na, magbabago ba ang pakikitungo ni Baby sa TV host?

"Ay, sa totoo lang, wala naman kaming magagawa," sagot niya.

"Kaya lang, dapat mag-isip din siya [Shalani] muna, di ba? Oo, ganun lang.

"Advisers lang naman kami, pero siyempre, hindi pa rin naman hawak kung anong gusto niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN