Kris Aquino convinces James Yap to be Diether Ocampo's body double in her horror film

IMAGE 0


"Alam ko na kung sino ang type niya. Ganoon na kami ka-open sa isa't isa. Sinasabi niya na ito ang gusto niyang i-date. Ito ang gusto niyang ligawan. Tapos, binibiro niya ako na, 'O, bakit yung mga nali-link sa 'yo, bakit hindi sila ang dumobol? Bakit ako pa rin?' So, parang wala na sa amin yun," says Kris Aquino about her current relationship with husband James Yap (inset).


Kahapon, December 7, ay nag-post ng message sa kanyang Twitter account si Kris Aquino tungkol sa pagpayag ni James Yap na maging "body double" sa isang eksena ng pelikula niya with Diether Ocampo, ang Dalaw.

Ani Kris (published as is): "There's a need for an additional shot for Dalaw. It is Diet's back & my frontal shot. Unfortunately diet is in Australia. I'm expressing my sincere gratitude to james, bimby's dad. He agreed to be the body double for me to embrace. I know, it's a crazy world & film-making is really the most torture. But I guess may napagsamahan kaming okay ni james that's y he said yes to do this for me."

Si James ang hiniwalayang asawa ni Kris at ongoing pa ang annulment case nila.

Sa presscon ng Dalaw kagabi ay tinanong ng press si Kris kung paano niya napapayag si James na mag-body double kay Diether.

"Alam ni James na namuhunan ako dito at alam niya na kung malugi, anak niya ang malulugi," sagot ni Kris.

Bukod sa pagiging lead star ng pelikula, isa rin si Kris na co-producer ng pelikula.

Patuloy ni Kris, "Madali lang, kasi last Sunday [December 5], I was dubbing and when they were watching the final edit, they said na... I can't reveal why, ha, kasi, it's very pivotal sa movie.

"But that additional shot was so required to close the picture properly.

"Siguro rin kasi, sa sobrang pag-iingat prior to that, because of the MTRCB guidelines, may shot na iniwasan talaga.

"Pero upon viewing the actual film, na-realize, kailangan yun. E, Diet is very fit.

"Noong kinausap ko si James, sinabi ko na, 'I need a favor. Alam ko na Wednesday, rest day ka. Puwede ka bang mahiram sa gabi?'

"Sabi niya, 'Miss mo na ako, 'no?'

"Sabi ko, 'Likod mo lang ang hihingin ko!'" natatawang kuwento pa rin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, kailangan broad yung shoulder, left arm ang makikita.

"So, kailangan developed ang arm at yung likod, kailangan lean. Alam mo na, nagwo-workout.

"Mahirap, kasi kayakap ko doon sa eksenang yun.

"So, sinabi ko sa kanya, 'I'm sure naman alam mo na kung sinu-sino ang kayakap ng ex-wife mo. So, pumayag ka na rin na ikaw na ang magpayakap.'

"So, isu-shoot namin ngayon on Wednesday [December 8]. So, he agreed.

"Tamang-tama, manonood si Bimby sa game niya.

"Si Bimby na ang maghahatid sa kanya sa Bulacan para wala siyang kawala."

Ayon kay Kris, alam din daw ni James ang ginawa niyang kissing scene kay Diet sa pelikula.

Natatawang kuwento niya, "Sinabi niya, 'Naghiwalay ka lang. The next thing na ginawa mo, nakipaghalikan ka naman.'

"Sabi ko, 'Of course!'

"Kasi, di ba, before, when I was married, bawal yun at pinangangalagaan ko ang feelings niya?

"Now that we're separated, you can give your 100 percent because you're only looking after yourself and your performance."

THEY CAN BE FRIENDS. Pumayag ba agad si James? Na-excite ba ang PBA player?

"Oo naman," sagot ni Kris.

"Kasi, alam n'yo kasi, may gag order tungkol sa annulment and I don't want to be put in jail by our judge because of what I'll say.

"You go through stages sa hiwalayan. There's anger, there's resentment, there's peace for a while...

"And then, you read the paper. You read what you file. You read what he files.

"Magagalit kayo all over again. And then, aabot kayo sa point of acceptance na, 'Hey, we can be friends.'

"I think, nandoon kami sa point na yun.

"Siguro also, because lahat ng aspetong pinansiyal, naisantabi na, naayos na.

"So, wala na kaming pinag-aawayan.

"Nakita ko rin kasi how much Bimby loves his father.

"At sinabi niya [Baby James] na... Nangyari 'to about two weeks ago...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandoon si James, at sinabi niya na, 'Mama, don't you fight my Papa, friends na lang kayo.'

"Tapos tinanong ni James sa kanya, 'Do you want me to still live here?'

"Tapos, sabi niya [Bimby], 'No, you live in Serendra para friends kayo ni Mama.'

"So, kung yung three years old naintindihan na for the two of us to be in good terms, we're better off as really co-parent sa anak namin.

"I think, that's why he also said yes, kasi pinaramdam din naman niya sa akin na handa siyang makipagkaibigan sa akin."

VISITATION RIGHTS. Kumpara noon na halos hindi sila nagkikita o nag-uusap, ngayon ay mas okay at mas open na ang communication nina Kris at James.

Ayon pa kay Kris, regular na ring nadadalaw at nakakasama ni James ang kanilang anak.

"Mandated yun na every Wednesday and Friday, they are together.

"Kapag first game siya, Bimby gets to watch. Only kapag Friday on a second day puwedeng manood.

"Kapag Sunday na may laro, Bimby also watches.

"Kapag nagsu-shooting ako, like noong Wednesday, e, si Bimby, nag-iiyak na, 'I love my Mama. I wanna be with my Mama. Bring me to the shooting with my mama.'

"So, si James ang naghatid all the way to Bulacan.

"Tapos nag-stay sila, naki-dinner sila, and then, iniuwi niya si Bimby.

"I think, when we have a child like ours, wala kayong choice kasi mababara kayo ng three years old kung mag-aarte pa siya or mag-aarte pa ako.

"Constant naman, and I told him, 'You can have Bimby.' Kasi, ganoon ang hatian, di ba?

"Kapag Christmas, sabi ko, '24 sa amin, 25 ang sa 'yo. Yung 26 to 30 sa 'yo kung gusto mo, tapos 31 aalis kami.

"Pati sa school program niya, nakapagsabay na kaming magpunta.

"So, I think, the truth is, we've been separated to close of seven months, so nandoon na kami sa okay na," saad ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HUGGING EACH OTHER. May isa pang rebelasyon si Kris.

"Alam n'yo, sa totoo lang, niyayakap-yakap pa ako ni James," sabi ni Kris.

"Kasi, sinasabi ni Bimby, 'You hug my Mama.' So, mag-e-embrace kami.

"Alam n'yo, wala kaming ligtas, e.

"Siguro, talagang uto-uto kami no'ng maliit. Kaya gagawin na lang namin!"

Hindi ba sila kinikilig tuwing nagyayakapan sila?

"E, kasi, alam ko na kung sino ang type niya. Ganoon na kami ka-open sa isa't isa," sabi ni Kris.

"Sinasabi niya na ito ang gusto niyang i-date. Ito ang gusto niyang ligawan.

"Tapos, binibiro niya ako na, 'O, bakit yung mga nali-link sa 'yo, bakit hindi sila ang dumobol? Bakit ako pa rin?'

"So, parang wala na sa amin yun."

Dugtong pa niya, "Hindi naman sa pagmamayabang, pero ilang beses na niya akong tinanong 'kung puwede pa nating ayusin?'

"And I really realized, siguro, I am much older na, we're really better off living separate lives.

"So, kung meron man pintig, then we will be together now."

Paano kung sabihin naman ni Baby James sa daddy niya mag-sleepover sa house nila?

"James has slept in the house three times already and I slept in the closet," pagri-reveal ni Kris.

"Totoo! Kasi, our condo has three bedrooms. One is Josh's room.

"The guest room is also my dressing room and the big room is Bimby's room, at share kami do'n.

"So, the night that James was there, doon ako sa dressing room ko natulog, sa folding bed."

Hindi kaya makaapekto ang ganoong set-up sa annulment case nila?

"Yung judge ang nag-mandate no'n na puwede siya.

"It's still a conjugal home, so he's allowed to be there," sagot ni Kris.

EAT, PRAY, LOVE. Since mukhang naka-move on na si Kris sa nangyari sa pagsasama nila ni James, ang tanong ngayon ay kung kailan naman kaya siya iibig muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Next year!" natatawa nitong sagot. "Such clarity and confidence, 'no, sinabing next year?


"No, kasi ganito yun, meron akong sariling version... I'm turning 30 and I'm doing my own version of Eat Pray Love. Kaya lang, mauuna si Love."

Ang tinutukoy ni Kris ay ang memoir novel ni Elizabeth Gilbert—na ginawang pelikula starring Julia Roberts—tungkol sa pagbibiyahe niya around the world after her divorce.

Dagdag ni Kris, "Regalo ko sa sarili ko, together with one of my closest friends, si Liz Uy.

"We're going the day after my birthday to Bali. Kasi, it's been our dream.

"And then, when the kids are in school in September... Kasi, naka-kalendaryo na ang mga shows na gagawin ko.

"Third week of January ang simula ng Price is Right, and first week of March naman ang simula ng airing ng Pilipinas Got Talent. So, abangan n'yo po yun.

"September, pupunta ako.

"I'll do my version ng Eat sa Italy. Pero yung Pray, gusto kong pumunta sa France.

"So, siguro, kapag natapos ko ang journey na yun, baka by October 2011, magmamahal na ako at may magmamahal na sa akin.

"Sana at that point, annulled na po ako!"

NOT TIRED OF LOVING. Nang may nagsabing hindi napapagod ang puso niyang magmahal, ang sambit ni Kris ay "Korek!"

Dagdag niya, "Matigas ang ulo at matapang ang puso."

Pero may suitors na ba siya?

"Nakiusap ang mga kapatid ko. Sinabi nila na, 'Kung gusto mong mapabilis ang proseso, mag-behave ka.'

"So, sinusunod ko po sila. Nagbi-behave ako. I'm not ready.

"At saka, may bantay po ako," patuloy niya.

"Natatawa na lang talaga ako sa lahat ng nababasa kong tsismis na nali-link ako kung kani-kanino. Na nakita raw akong kasama ang person na ito.

"There's always a minimum of four PSG [presidential security guard] with me and everything is naka-log.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, if Noy wants to check where I was... Although, I'm 39 years old, I'm still their bunso. I'm still their baby.

"So, meron pa rin talaga silang feeling na baby pa rin akong talaga.

"So, wala talaga akong magagawa na hindi ikatutuwa ng mga kapatid ko at mga anak ko.

"And ako rin naman, ayokong may maibato sa akin ang abogado ni James, lalo na.

"Gusto kong mapadali at mapasimple ang proseso ng paghihiwalay namin. Para kami namang lahat, libre to move on."

LESSON FROM JAMES. Ayon kay Kris, may natutuhan din daw siya kay James sa sinabi nito sa kanya.

"If there's one thing I want, and one thing I've learned from James, ilang beses niyang sinabi sa akin: 'Alam mo, next time, kung gusto mong mag-work ang marriage mo, keep 90 percent to yourself and just share 10 percent. So, siguro kung papanoorin ko man ang Dalaw with anybody, yung mga nasa sinehan na lang ang makakaalam no'n at hindi na galing sa akin.'

"Kung si James na ang may sabi sa akin na, 'Gusto ko maging happy ka rin, pero hindi kailangan lahat malaman nila.' So, I'm taking his word.

"Sa life experience naming dalawa, tama naman siya."

PNOY & LIZ. Sa huli, binigyang-linaw rin ni Kris ang balitang binasted daw ng close friend niyang si Liz Uy si PNoy.

"Hindi niya binasted si Noy. Let's make that clear," sabi niya.

"And I think, even Liz will say na hindi niya binasted si Noy.

"Beyond that, let's give him naman his privacy. He's 50 years old.

"I also pray that there will be a Benigno S. Aquino IV.

"So, kung sinuman ang babaeng iibigin ni Noy, at sana iibigin siya at aalagaan siya, hayaan natin na mabuo yun because my brother deserves that happiness."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN