Shaina Magdayao: "Sa kahit anong anggulo tingnan, I'm still too young to get married."

IMAGE 0


"Sa kahit anong anggulo tingnan, I'm still too young to get married," declares Shaina Magdayao. "Marami pa kong kailangang matutunan sa buhay at maraming marami pa 'kong pagdadaanan."


Dahil malapit na ang Pasko, naitanong kay Shaina Magdayao kung ano ang mga plano nila ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz para sa holidays.

"Sana mabigyan kami ng bakasyon, kasi we're both very, very busy," sagot niya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Metro Manila Film Festival 2010 entry na Ang Tanging Ina Mo Rin (Last Na 'To) noong nakaraang linggo.

Kasama muli si Shaina sa third and final instllament ng pelikulang ito na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas at Eugene Domingo.


(CLICK HERE to visit PEP's microsite about the 36th Metro Manila Film Festival)

Si Shaina rin ang bida sa ABS-CBN afternoon series na Alyna.

Nang tanungin naman kung saan nila plano magbakasyon ni John Lloyd, tumanggi si Shaina na isiwalat ang mga detalye.

Aniya, "Basta siguradong sa Christmas at New Year ay nandito kami kasama ng mga pamilya namin."

TOO YOUNG TO GET MARRIED. May mga nagtanong din kay Shaina kung may plano na silang ikasal ni John Lloyd.

Ngunit ayon sa dalaga, "Matagal pa ako. Marami pa kong gustong gawin sa buhay ko. [Kabilang na ang] more and more projects.

"Sa kahit anong anggulo tignan, I'm still too young to get married.

"Marami pa akong kailangang matutunan sa buhay at maraming marami pa 'kong pagdadaanan," dagdag ng 21-year-old actress.

Mukhang lumipas na nga ang unos ng masasamang intriga tungkol sa kanila ni John Lloyd.

"After ka naman paiyakin ni Lord, bibigyan ka naman Niya ng katakut-takot na blessings. Ito na nga yun.

"Masaya ang aking Pasko. Maayos ang buhay ko, maayos ang pamilya ko, ang love life ko."

GROWING STRONGER AS A COUPLE. Sa kanyang pagbabalik-tanaw, inamin ni Shaina na hindi naging madali ang taon na ito, pero naging daan ang mga pagsubok na ito upang tumibay ang kanyang relasyon kay John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit gaano ka-negative 'yong mga ibinabato sa amin, nagpapasalamat ako. Kasi kung hindi dahil doon, siguro hindi kami tumibay," ani Shaina.

Dagdag niya, "Para sa isang bagong relasyon, di pa kayo dapat ganito ka-strong. Or, nabibigyan ng ganitong mga problema. Dapat honeymoon stage pa nga itong first few months ninyo, di ba?

"Pero kami, binigyan kami agad ng problema, na surprisingly, kinaya namin. So I'm really very, very thankful."

Ang pinakamasalimuot nga sa mga intriga ay ang tungkol sa diumano'y pagdadala sa kanilang dalawa sa emergency room ng isang ospital.

Pero ayon kay Shaina, "Yung hospital issue, hindi talaga nakaapekto 'yon, e.

"Siguro yung mga unang intriga na binabato sa aming dalawa, I admit, talagang nasaktan ako.

"Pero ngayon, parang wala nang epekto."

Ayon pa kay Shaina, kapwa busy man sila ng kanyang boyfriend sa kani-kanilang mga trabaho ay nananatili pa rin silang close.

"Di kami talaga nawawalan ng communication sa isa't isa kahit di kami magkasama.

"Nakakatuwa nga, kasi mayroon akong sariling mundo ko na maikukuwento sa kanya, at may sarili siyang mundo na maikukuwento naman sa akin.

"Nagpapasalamat ako kasi isa siya sa mga tao na hindi bumitaw at umalalay sa akin all the way. Ngayong tapos na, masaya na lahat," pagtatapos ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN