Dolphy says he and partner Zsa Zsa Padilla are no longer keen to tie the knot after 20 years

IMAGE 0


"Parang hindi na kami interesado. Tutal, after more than 20 years, e, yun na rin yun. Basta ang importante, nagkakasundo kayo," says Comedy King Dolphy when asked if he still plans to marry partner Zsa Zsa Padilla.


After 20 years of being together, ilang pagsubok at unos na rin ang dumating sa pagsasama nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla. Kabilang na siyempre rito ang pagkakaroon ng sakit ni Mang Dolphy.

Kaya hindi nakapagtataka na habang tumatagal, mas napapatunayan ang pagmamahalan nila sa isa't isa.

Kung may kulang man sa pagsasama nila, ito ay ang kasal.

Hindi pa kasi napapawalang-bisa ang kasal ni Zsa Zsa sa dati nitong asawa na si Modesto Tatlonghari, ama ng singer-actress na si Karylle.

STILL HOPING. Sa presscon ng pelikulang Father Jejemon kagabi, December 6, sa Imperial Palace Suites, ay tinanong ng press si Mang Dolphy kung umaasa pa ba silang makasal.

"Kung papayag pa siya. Nag-ooxygen na ako!" natatawang sagot ni Mang Dolphy.

Nasa presscon din si Zsa Zsa, hindi bilang artista, kundi bilang producer ng pelikula para sa RVQ Productions.

Tungkol sa tinuran ni Mang Dolphy, hindi naman kasi kaila sa lahat na malayo ang agwat ng edad ng King of Comedy at ng Divine Diva.

Si Mang Dolphy ay 82 years old na, samantalang si Zsa Zsa naman ay 46 years old.

Kung wedding proposal naman daw ang pag-uusapan, maraming beses na raw itong nagawa ng Comedy King.

Aniya, "Maraming beses na, e. Ayos na nga, e. Naunsiyami. Napurnada nga.

"Ayos na. Nakagasta na kami. Dollars pa man din.

"Pero parang hindi na kami interesado.

"Tutal, after more than 20 years, e, yun na rin yun.

"Basta ang importante, nagkakasundo kayo."

Pero tulad ng title ng Metro Manila Film Festival 2010 entry na Father Jejemon, wish pa rin daw ni Dolphy na maihatid sa dambana si Zsa Zsa at mabendisyunan ni "Father Jejemon" ang kanilang pagsasama.

RETIRED BUT AVAILABLE. Mahigit 60 years na sa mundo ng showbiz si Mang Dolphy, at aminado siyang retired na siya kung tutuusin.

"Retired naman na akong talaga. Pero kapag may offer, biglang nawawala ang retirement!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May gusto pa ba siyang gawin na sa palagay niya ay hindi pa rin niya nagagawa sa kanyang mahigit 60 years sa showbiz?

"Wala, kasi ang role ko, namimili na, e. Kaya hindi ako basta tumatanggap ng hindi nababagay sa akin, e," sagot ng Comedy King.

May naiisip ba siyang gawin pa?

"Meron akong balak din. Parang Almighty God ba, ako yung Diyos. Ako na yung Morgan Freeman. Yung mga ganoon," pagtukoy ni Mang Dolphy sa Hollywood actor na gumanap bilang Diyos sa comedy film na Bruce Almighty (2003).

ZSA ZSA AS A FILM PRODUCER. Gaya ng nabanggit, hindi kasama sa cast ng Father Jejemon si Zsa Zsa. Pero may kinalaman pa rin siya sa pelikula bilang producer.

Sa presscon nga ay naging emosyunal si Zsa Zsa habang ikinukuwento ang pagiging hands-on niya bilang producer ng Father Jejemon.

Ano ang reaksiyon dito ni Mang Dolphy?

"Iyakin kasi yun," sambit niya.

"Hindi lang siya pumupunta ro'n [sa shooting].

"Parang opisina sa kanya, pati paper works.

"Hindi kasi ako marunong sa paper works.

"Mahigpit siya. Mahigpit.

"Tama rin naman yun, kasi ako, maluwag, e.

"Sabi niya, 'Bakit puro cash? Dapat cheque.'

"Mukhang humingi ng tips kay Mother Lily [Monteverde]!" natatawang kuwento ni Mang Dolphy.

Paano niya ire-rate si Zsa Zsa bilang producer?

"One-hundred percent sa akin. Na-save niya ako. Bukod do'n, kung hindi sa lahat ng bagay," sabi niya.

Ayon pa kay Mang Dolphy, ipapasa na niya kay Zsa Zsa ang pamamahala ng RVQ Productions.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN