Gardo Versoza's mother, Baby Torres Polintan, passes away at 68

IMAGE 0


Mrs. Purisima "Baby" Polintan Torres, actor Gardo Versoza's mother, passed away last night, December 10, at the age of 68.


Labis ang kalungkutang nadarama ngayon ni Gardo Versoza sanhi ng pagpanaw ng kanyang ina, si Mrs. Purisima "Baby" Torres Polintan.

Na-confine si Mommy Baby, 68, sa Cardinal Santos Hospital sa loob ng labing-apat na araw, mula noong November 27 hanggang December 10, 2010.

"Nag-shoot up ang BP [blood pressure] ni Mommy, up to 200, kaya isinugod namin siya sa Cardinal Santos," banggit ni Gardo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, December 10, matapos naming mabalitaan ang pagyao ng kanyang ina.

"Nung November 27 yun," patuloy niya. Pagkatapos nun, hindi pa rin naging stable ang kundisyon niya kahit binibigyan siya ng doctor ng pampababa ng blood pressure.

"Dalawang beses siyang nag-seizure kaya dinala na siya sa ICU [intensive care unit]. Ang nangyari naman, minsan bababa ang BP niya, pero mababang-mababa, tapos pag tumaas, sobrang taas naman."

Nanatili ang ganung kundisyon ni Mommy Baby throughout her confinement na ang nagbabantay nang madalas ay si Gardo at ang kanyang girlfriend at road manager na si Ivy Vicencio.

Kagabi, habang ina-autopsy ang labi ng yumao ay nanatiling nasa ground floor lobby ng ospital sina Gardo at Ivy. Inaantabayanan nila ang pormal na sasabihin ng mga doktor hinggil sa tunay na karamdaman o sanhi ng pagkamatay ng ina ng aktor.

"Hanggang kanina [dakong 7:40 pm nang bawian ng buhay si Mommy Baby], hindi masabi ng mga doktor ang totoong sakit niya," malungkot pang sambit ni Gardo.

"Pero malinaw na nagkaroon na ng kumplikasyon sa mga vital organs niya, although okey naman ang heart niya habang nasa ICU siya."

MOMMY BABY. Ayon din kay Gardo—na ang tunay na pangalan ay Peter Mennen Polintan Torres—nag-undergo ng angioplasty si Mommy Baby noong 2006 sa States, kung saan based ang isa nitong anak na lalaki na si Elite Joy, Gardo's older brother.

Ulila na rin sa ama sina Gardo at Elite. Nasa high school pa lamang si Gardo nang pumanaw ang kanyang amang abugado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng aktor, "Successful ang operation ni Mommy that time, kaya walang problema sa heart niya. Yung sa blood pressure niya ang nagka-diperensiya kaya tuluy-tuloy na."

Ayon kay Gardo, natanggap na rin niya ang kasalukuyang sitwasyon, although hindi pa niya alam kung paano ang pag-move on dahil sa pagkawala ng mahal na ina.

"Alam naman ng mga kaibigan natin kung paano ko inaalagaan si Mommy," saad ni Gardo.

Hindi bumubukod ng tirahan si Gardo, maging sa pagkakaroon niya ng pangalan at magandang career bilang aktor sa pelikula at TV, dahil siya na ang naging kasama at tagapag-alaga ng kanyang ina buhat nang mangibang-bansa ang nag-iisa niyang kapatid.

May apat na kapatid ang mommy ni Gardo, na may sariling mga pamilya na, at ang mga ito ay hindi nakalimot dumalaw sa kanilang Ate Baby.

Maliit na pamilya lamang ang mga Polintan, kaya ang mga pamangkin ni Gardo ay humigit-kumulang sa sampu lamang.

GIRLFRIEND IVY. Hindi ba hinimok si Gardo ng kanyang mommy na mag-asawa, o kaya'y hinanapan ng aalagaang apo ni Mommy Baby noong nabubuhay pa ito?

"Kung sa mga apo, marami na yata, pero nasa mga nanay nila," sambit ni Gardo, sa tonong nagbibiro.

Wala siyang tinukoy na bilang o kung sino talaga ang naging anak niya out of wedlock. Ang balita, at least, merong dalawang bata mula sa non-showbiz past girlfriends ni Gardo, but he'd rather not talk about them.

"Hindi ko na rin sila nakikita," sabi ni Gardo.

Hindi rin daw nakita ng kanyang mommy ang sinuman sa mga sinasabing "anak" niya sa pagkabinata.

Ang mahalaga, sa kasalukuyan ay masaya at tahimik ang love life ng aktor sa piling ng kanyang girlfriend of four years na si Ivy Vicencio.

Sa panahong nasa ospital si Mommy Baby, bagamat malungkot ang sitwasyon ay naging positibo ang pag-uugnayan ng ina ni Gardo at ng sana'y mamanugangin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang naging bonding namin ni mommy," sabi ni Ivy, na hindi na ikinakaila ang pagtuturing sa mother ni Gardo bilang "mommy" na rin niya.

"Bago siya namatay, nagkausap din kami kahit mahina na siyang magsalita. Sabi ni mommy, itinuturing na rin daw niya ako na parang sarili niyang anak," maluha-luhang saad ni Ivy.

"Dahil dun sa sinabi niya, yung lahat ng mga naging hirap ng loob ko sa four years [namin ni Gardo], parang nawala lahat.

"Yung mga sama ng loob, uncertainties... Kasi, parang you and me against the world ang sitwasyon namin ni Gardo. Kaya dahil sa acceptance ni mommy, napawi lahat 'yon at masaya na ako."

May kalungkutan man sa naging pagyao ni Mommy Baby, tiyak naman na ang naiwan niyang bunsong anak na si Gardo ay mayroong mapagmahal na nobyang mag-aalaga.

Magsisimula ang wake para sa labi ng namayapa ngayong gabi, December 11.

Nasabi ni Ivy at ni Gardo sa PEP na may arrangement na ang pamilya nila sa Arlington Funeral Homes. But as of this morning, nakatanggap kami ng advise na "posibleng magbago" ang naunang plano.

Sa huling text message naman ni Gardo sa PEP, nasabi nitong magpapadala siya ng kasunod na update regarding the wake and interment details.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN