Gretchen Barretto: "This is the best year I've ever had in my whole life!"

IMAGE 0


"Nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng biyayang ibinigay Niya sa akin. Ni sa panaginip ko, hindi ko inakala na 'eto ang mangyayari sa career ko," says Gretchen Barretto.


Teary-eyed si Gretchen Barretto nang rumampa siya sa launching ng bagong perfume ng Bench na ipinangalan sa kanya, ang Greta, sa Activity Center ng TriNoMa Mall, Quezon City, kagabi, December 10.

Pagkatapos ng pagrampa niya at ng iba pang models ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Gretchen. Dito ay tinanong siya kung bakit tila maluha-luha siya habang rumarampa.

Ayon sa aktres, dahil iyon sa mga biyayang natanggap ngayong taon.

"Naiyak ako... I'm really touched because sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, sa career ko, the peace that I have is a really nice Christmas.

"It has been a very good year. This is the best year I've ever had in my whole life!

"So, really, really, thankful."

Dagdag niya, "Nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng biyayang ibinigay Niya sa akin.

"Ni sa panaginip ko, hindi ko inakala na 'eto ang mangyayari sa career ko.

"At siyempre, hindi ito mangyayari kung hindi sa tulong ng ABS-CBN at lahat ng creative team at lahat ng bumuo ng Magkaribal at MMK [Maalaala Mo Kaya]."

Ang Magkaribal ang natapos na teleserye ni Gretchen sa ABS-CBN kasama si Bea Alonzo, samantalang may ginawa naman siyang episode sa MMK na nagpanalo sa kanyang muli sa Star Awards for TV sa kategoryang Best Single Performance by an Actress.

Patuloy ni Gretchen, "Nagpapasalamat ako sa Star Awards, PMPC, sa dalawang Best Actress awards na ibinigay nila sa akin.

"Yung Anak TV Awards, maraming salamat."

Ang tinutukoy ni Gretchen ay ang pagkilala na iginawad sa Magkaribal bilang isa sa Top 20 TV Programs ng Anak TV Seal Awards.

NEW PROJECT. Pagkatapos nito ay nagkuwento na ang aktres tungkol sa bagong teleserye na gagawin niya para sa Kapamilya network.

"Kanina lamang, bago kami lumabas, sinabi sa amin ng ABS-CBN na na-approve na ang aming bagong teleserye, na ginagawa na ang script ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-approve na ng mga bosses, so talagang lahat ng biyayang ibinibigay sa akin, ipinagpapasalamat ko."

Ito raw ang teleserye na pagsasamahan nila ni Angelica Panganiban.

Matatandaang nagkaroon ng alitan noon sina Gretchen at Angelica dahil sa "naughty comments" ni Gretchen tungkol sa leading man niya sa Magkaribal na si Derek Ramsay, na boyfriend sa tunay na buhay ni Angelica.

Pero nagkaayos naman agad ang dalawa pagkatapos humingi ng paumanhin ni Angelica kay Gretchen. Magmula noon ay naging magkaibigan na ang dalawang aktres.

Pagdating naman sa pelikula, hindi pa raw alam ni Gretchen kung kakayanin ng schedule niya na gumawa next year. By February na raw kasi magsisimula ang taping ng kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN.

FORGIVENESS. Sabi ni Gretchen, she will end 2010 with a perfume endorsement kaya mabango ang taong ito para sa kanya.

Sino naman kaya ang reregaluhan niya ng Greta perfume—na aniya'y "romantic, not overpowering"—na malapit sa puso niya?

"You know, right now, lahat sa akin malapit sa puso ko," sabi ni Gretchen.

"I have found forgiveness in my heart for all those na nasaktan ko.

"Naumpisahan yun ni Angelica Panganiban a few months ago na nag-apologize siya sa akin, at nag-apologize rin ako sa kanya.

"It has been a great year," sambit pa niya.

"I know na marami rin akong nagawa in the past na hindi kanais-nais, and sinuman ang mga nasaktan ko rin, humihingi rin ako ng tawad."

Pagdating naman sa kanyang pamilya, masasabi ba niyang okay na rin ang lahat?

"Okay naman na talaga rin. Basta nasa sa puso ang pagpapatawad, okay na yun," maikli niyang tugon.

Sila ng kapatid niyang si Claudine Barretto, okay na rin ba?

"You know what, bilang respeto kay Claudine, dahil ayaw niya na pinag-uusapan siya, ayaw niya ng naiintriga, ibigay na natin sa kanya.

"Yun lang naman ang hinihingi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko ng... Ako kasi, kapag may sinabi ako, pinapalaki at kung ano-ano ang nangyayari.

"So, ibigay na natin yun sa kanya.

"I just want to have peace in my life at sa mga minamahal ko rin sa buhay ko."

Nang may sumundot pa rin ng tanong kay Gretchen kung isa ba si Claudine sa reregaluhan niya ng kanyang perfume, naging prangka ang sagot niya sa nagtanong: "Hindi ka nakakaintindi ng respect."

Diin niya muli, "I respect my sister and that's what she's asking. So, yun ang ibibigay ko.

"Ang regalo ko sa kanya, yung hinihingi niyang huwag siyang pag-usapan.

"She's going through a rough time, huwag na nating dagdagan pa ang mga problema niya."

CHRISTMAS VACATION. Nakaugalian naman na ni Gretchen, ng partner niyang si Tonyboy Cojuangco, at ng anak nilang si Dominique na umalis ng bansa tuwing sasapit ang Pasko.

"December 17, talagang lumalabas kami ng bansa," banggit ni Gretchen.

"The very reason is, para makapag-bonding kami ni Tony at ni Dominique.

"Because alam n'yo naman na napaka-busy ng year ko.

"It's been very hectic and utang ko talaga sa pamilya ko ang oras ko at pagmamahal ko."

Dagdag niya, "I just wish good health and peace to everybody."

BUSINESS IN 2011. Next year, 2011, bukod sa sisimulan niyang teleserye sa ABS-CBN, balak din daw ni Gretchen na pasukin ang pagnenegosyo.

Aniya, "Tony is getting to a lot of businesses and I, too, [am] going to get in businesses at masusorpresa na lang kayo.

"Marami akong bubuksan na businesses na about beauty.

"Siyempre beauty kasi parang hindi naman bagay ang food sa akin, 'no!

"I'm gonna surprise everybody next year, para naman hindi kayo ma-overwhelm."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN