Ben Chan denies that Kris Aquino asked him to stop release of Shalani Soledad's billboard for Bench, says Shalani is not going to be their endorser

IMAGE 0


"It's not true. Nagte-text lang kami. Ganun lang. Hindi pinag-uusapan yun, e," says Bench owner Ben Chan about report that Kris Aquino reportedly asked to stop release of Shalani Soledad's (inset) billboard with Willie Revillame.


Kagabi, Disyembre 10, ay nagpaunlak ng panayam si Ben Chan—may-ari ng Pinoy apparel brand na Bench—sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga entertainment press na dumalo sa launch ng bago nitong perfume line sa Trinoma, Quezon City.

Ang event ay para sa launch ng Greta, ang bagong pabango ni Gretchen Barretto na kasali sa Celebrity Scents Collection ng Bench.

Naganap ang panayam kay Mr. Ben bago lumabas si Gretchen sa stage.

Tinalakay ni Mr. Ben ang mga lumabas na issue na kaugnay ang Bench, si Willie Revillame, si Kris Aquino, at si Shalani Soledad.

Lumabas kasi ang balitang kinukuha ng Bench na endorser si Shalani Soledad, ang TV host-politician na dating girlfriend ng Pangulong Noynoy Aquino.

Nauna nang lumabas dito sa PEP Alerts ang balita na inilathala dalawang linggo na ang nakararaan, sinabing malapit nang i-launch na endorser ng Bench si Shalani.

Nakapag-pictorial na rin daw ito para sa billboard niya na makikita ngayong Disyembre. Kasama niya sa billboard ang co-host niya sa Willing Willie na si Willie Revillame, na isa nang Bench endorser ngayon.

Ang buong PEP Scoopbox entry ay: "FIRST READ ON PEP: Nakapag-pictorial na si Shalani Soledad para sa endorsement niya with Bench. Ayon sa source ng PEP, next month daw ilo-launch officially ang endorsement na ito ng Willing Willie co-host. Si Willie Revillame ay isa sa mga endorser ng Pinoy apparel brand."

Noong Disyembre 8 naman ay lumabas ang isa pang item sa PEP Scoopbox na nagsasabing hindi na lalabas ang billboard ni Shalani dahil sa pakikialam umano ng TV host na si Kris Aquino.

Ayon sa PEP Scoopbox entry, "Walang kamalay-malay si Shalani Soledad na hindi na lalabas ang Bench billboard nila ni Willie Revillame dahil sa balita na nag-react daw si Kris Aquino sa Bench big boss na si Ben Chan."

Alam naman ng publiko na si Shalani ay ex-girlfriend ng Pangulong Noynoy Aquino, na kuya ni Kris, na endorser naman ng sister brand ng Bench na Kashieca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GETTING THE INFORMATION. Nakuha ng PEP ang impormasyong magiging endorser na ng Bench si Shalani sa panayam sa kanyang Tita Baby Soledad noong Nobyembre 24.

Sa gitna ng buong panayam ay itinanong ng PEP kay Baby kung may mga endorsement offers na ang kanyang pamangkin matapos nitong maging TV host.

Sagot niya, "Actually nag-pictorial na sila ng Bench, with Willie. Oo. Tapos na, pictorial sila last week. So lalabas na siguro yun by next week o baka first week ng December. Sa billboard. Bench."

Itinanong ng PEP kung maaari na bang ilathala na endorser na ng Bench si Shalani. Kumbaga, itinanong namin kung puwede na bang i-announce ang impormasyong ibinahagi niya.

"Oo. Nag-pictorial na sila," sagot niya. "I'm sure, ano na 'yon, di ba? Baka ano lang, tarpaulin. Yung sa Balintawak? Di ba may malaking Bench?"

Ang tinutukoy ni Baby Soledad na "tarpaulin" ay ang billboard ng Willing Willie na malapit sa Guadalupe, along EDSA, na Bench ang nag-sponsor. Sa nasabing billboard ay kasama ni Willie ang kanyang WW.Girls, na dancers sa Willing Willie.

Itinanong din ng PEP kung may iba pang parating na mga endorsement si Shalani.

Sagot niya, "Marami pa, under negotiation. Maraming gustong kumuha sa kanya."

Nakuha naman ng PEP ang impormasyon ukol sa pagpipigil umano ni Kris Aquino sa billboard ni Shalani sa isang mapagkakatiwalaang source na malapit din sa TV host-politician.

BEN CHAN DENIES. At sa panayam nga kay Ben Chan kagabi ay itinanggi niya ang mga impormasyong nakalap ng PEP, bagamat hindi niya ito pinangalanan.

"Sa'n yun nalaman, nobody knows! Nagtataka rin nga kami kung saan nalaman nung... Kung saan man yun lumabas," saad niya.

Hindi raw nila kinukuhang endorser si Shalani.

"Hindi pa naman naisip kasi, you know," sabi ni Mr. Ben.

Ayon pa kay Mr. Ben, ang billboard na lalabas ngayong buwan ay para sa Willing Willie, at hindi para kay Shalani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Willie kasi, yung cologne niya with Bench? So endorser siya. So we're supporting him para sa show niya, tapos, e, siyempre co-host si Shalani, so she's part of it.

"The same way when Willie had his new show now, kasama niya yung mga dancers niya. If you've seen the billboard, kasama niya yung mga dancers. Ngayon naman, kasama niya yung co-host niya."

Ang tinutukoy ngang billboard ni Mr. Ben ay ang billboard ng Willing Willie sa Balintawak, na tinukoy rin ni Baby Soledad.

Pagpapatuloy niya, "Nag-request si Willie, and the billboard is about his show, and it's not about the product. Wala pa nga, e. Next week pa, e. Kaya nga nagtataka ako, e. Hindi ko pa nga nakikita yung lay-out e."

Pinabulaanan niya ring ang balitang ipinatigil ni Kris ang paglabas ng billboard.

"It's not true. Nagte-text lang kami. Ganun lang. Hindi pinag-uusapan yun, e," saad niya.

GETTING MORE INFORMATION. Sa pagpapatuloy ng kuwentong ito, nais ng PEP na iklaro muli kay Baby Soledad kung totoo bang magiging endorser na si Shalani ng Bench.

Nagpadala ang PEP ng dalawang text messages sa tita ni Shalani kagabi—9 p.m. at 10 p.m.—ngunit wala pa kaming natatanggap na sagot mula sa kanya.

KRIS'S TWEET. Samantala, sinagot naman ni Kris Aquino ang isyu sa pamamagitan ng pagpu-post niya sa kanyang Twitter account kagabi, December 10:

"#1 I'm not under contract w/ Bench. #2 I don't have a share in Bench ownership. And #3 shalani hasn't done me any harm, in fact I'm very appreciative of her effort to help Noy's campaign & I wish her well w/ her new show. Please- wag manira na walang basehan!"

Bukas ang PEP sa panig ng sinuman sa mga kampong kaugnay ng artikulong ito, at agad namin itong ilalathala sa oras na matanggap namin ang mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN