Vic Sotto and Senator Bong Revilla welcome "prediction" that their movie will be No. 1 at the MMFF box-office

IMAGE 0


Vic Sotto (left) and Senator Bong Revilla team up for the first time in Si Agimat at Si Enteng Kabisote, an entry to the 2010 Metro Manila Film Festival.


Tila nag-concede na ang ibang bida ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2010 na ang maghahari sa takilya ay ang Si Agimat At Si Enteng Kabisote.

Ang nasabing pelikula ang unang pagsasama ng dalawa sa pinakamalaking male stars sa bansa—sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla.

Ayon kasi sa bida ng Ang Tanging Ina Mo Rin (Last Na 'To!) na si Ai-Ai delas Alas, papayag siyang mag-No. 2 lang sa takilya ang pelikula niya kung ang makakatalo sa kanya ay mga "hari"—na ang tinutukoy nga ay sina Vic at Senator Bong. (CLICK HERE to read related story.)

Si Kris Aquino naman, na bida sa horror film na Dalaw, ay No. 3 lang ang tina-target. Alam daw kasi niya na ang mangunguna ay ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote, at papangalawa naman ang Ang Tanging Ina Mo Rin. (CLICK HERE to read related story.)

Sa second presscon ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote kaninang hapon, December 10, ay kinuha ng press ang reaksiyon nina Vic at Senator Bong sa mga naging pahayag nina Ai-Ai at Kris—na ang pelikula nila ang tiyak na magna-No. 1 sa takilya ngayong MMFF.

"Okay sa amin 'yon. Hindi namin tatanggihan 'yon, anytime!" natatawang sabi ni Vic.

Pero aniya, "Masarap pakinggan, pero numero lang 'yon, e.

"Ang importante, marami manood, maraming masiyahan.

"Alam naman natin na paminsan-minsan lang nangyayari 'to, na nagkakasabay yung mga pelikulang magaganda.

"We're hoping that this would be a record-breaking festival."

Dagdag pa ng comedian, "Maging parte lang kami ni Senator Bong doon, e, malaking tagumpay na 'yon para sa amin."

TWO BIG CHARACTERS IN ONE MOVIE. Dito sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote ay pinagsama nina Vic at Senator Bong ang mga pinasikat nilang characters sa MMFF—si Agimat ni Senator Bong at si Enteng Kabisote ni "Bossing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagsasanib-puwersa nilang ito, marami ang interesadong malaman kung paano ang naging exposure ng dalawa sa pelikula.

Napag-usapan ba nila na dapat ay pantay na pantay ang mga eksena at dialogue nila, at walang madedehado, walang magsasapawan?

"Yung tungkol sa role, alam mo, inuna namin yung istorya," sagot ni Vic.

"Ang unang sinolb namin ay kung paano magkikita yung dalawa [sina Enteng Kabisote at Agimat].

"Kung papaanong si Agimat ay mapunta sa mundo ko, at ako mapunta sa mundo ni Agimat.

"Pero pagdating dun sa role, pagdating dun sa kailangan divided, hindi namin naisip 'yon, sa totoo lang.

"Wala, walang bilangan ng dialogue, walang bilangan ng eksena!" natatawang sabi ng Eat Bulaga! host.

Dagdag niya, "So, ang importante, kung paaanong tatakbo yung istorya.

"Yun ang buong katotohanan dun.

"Hindi namin iniisip kung sino sa amin ang mas maraming dialogue.

"Wala sa amin yun, e."

Sinang-ayunan naman ito ni Senator Boing.

Aniya, "Never namin in-entertain yung ganun.

"Basta ang importante sa amin, yung pelikulang gagawin namin, siguradong maganda.

"Maipalabas namin yung hinahanap kay Vic sa pelikula niya, at hinahanap sa akin sa bawat pelikula ko, nandito sa pelikulang ito.

"Yun ang siniguro namin.

"Hindi kami nagbibilang ng mga eksena, or kung anong mga dialogue, wala.

"Basta tulungan kami."

Sabi pa ng actor-politician, "Kung ano sa tingin ko ang maganda para sa pelikula, same thing with Vic, kung ano sa tingin niya makakaganda sa pelikula, sama-sama lahat 'yan.

"So, kumbaga, team effort talaga 'to.

"Bawat grupo kasi, bawat produksiyon, may kanya-kanyang representatives 'yan, kung ano ang idea nila, pinagsama-sama namin dito.

"Kaya talagang lumabas ng maganda ang pelikula."

Hindi rin daw naging problema sa kanila ang billing.

Sa poster ng pelikula ay ganito ang nakalagay: "Vic Sotto and Ramon 'Bong' Revilla Jr."

Sabi ni Senator Bong, "Alam mo, in fairness kay Vic, pumayag siya na mauna ako. Pero dapat, siya talaga ang mauna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, that's why saludo ako kay Vic, ganun ka-gentleman itong tao na ito."

Susog naman ni Vic, "Siguro nadaan na lang sa seniority dahil mas matanda ako sa kanya ng isang buwan!"

Sa tunay na buhay, si Vic ay 56 years old, samantalang si Senator Bong naman ay 44.

FIVE PRODUCERS. Dahil sa laki ng pelikula, limang produksiyon ang tumatayong producers ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote: GMA Films, OctoArts Films, APT Entertainment, Imus Productions, at M-Zet Productions.

Ang Imus Productions ay pagmamay-ari ng pamilya ni Senator Bong, samantalang ang M-Zet Productions naman ay pinamamahalaan ni Vic.

Dahil sa limang film companies ang producers ng pelikula, paano ang naging hatian sa gastos?

"E, divided by 5 din!" natatawang sabi ni Vic.

Pero sa seryosong tono, idinagdag niya na, "Hindi, kasi ako usually may mga partners ako. Si Senator Bong, may mga partners din.

"Kailangan kasama sila sa lahat ng gagawin namin.

"Basta kami ni Senator Bong, 50-50 all the way."

Tinanong naman si Senator Bong kung hindi ba siya nag-alinlangan na gawin ang pelikula gayong ang direktor nito ay si Tony Y. Reyes, na identified kay Vic.

Halos lahat kasi ng pelikula ni Bossing ay si Direk Tony ang gumawa.

Pero ani Bong, "Never na pumasok sa isipan ko 'yan.

"Saka hindi naman sila gano'n. Parehas naman sila.

"Never kaming nagkaroon ng problema."

Dahil dalawang bigating artista at limang malalaking produksiyon ang may kinalaman sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote, hindi ba nagkaroon ng problema sina Vic at Senator Bong sa paggawa ng pelikula?

Ayon sa senador, "Sa totoo lang, hindi na namin pinag-usapan 'yan, e.

"Basta bahala yung 50 percent sa side niya [Vic], bahala yung 50 percent sa side ko.

"Dahil kung kokompyutin kaagad natin 'yon, kung pag-uusapan agad yung talent fee naming dalawa, baka hindi na namin ituloy yung pelikula, e!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ang inisip na lang namin, kung papaano mapapaganda yung pelikula."

Sabi naman ni Vic, "Totoo 'yan. Wala, wala kaming napag-usapan na ganun."

Kumusta naman ang budget ng pelikula? Umabot ba ito ng P100 million?

"Hindi na namin kino-compute," sabi ni Senator Bong.

"Hanggang ngayon, still counting kung magkano yung ilalabas namin, bahala na.

"Basta ang importante, sana, e, mapaligaya natin yung manonood at sana, mabawi rin namin yung investments namin!" tawa niya.

SEPARATE FILM PROJECTS. Marami ang nag-aalala na sa pagsasamang ito nina Agimat at Enteng Kabisote, baka ito na ang magsilbing culmination ng mga karakter na pinasikat nila sa big screen.

Pagkatapos kaya nito ay posible pa ring mapanood sina Vic at Senator Bong ng magkahiwalay na pelikula sa MMFF tampok sina Enteng Kabisote at Agimat?

"Puwede, puwede naman," sagot ni Vic.

"Si Agimat, may sariling mundo 'yan, e. Si Enteng Kabisote, may sariling mundo rin.

"So, hindi malayo na magkahiwalay sila ulit ng landas, at hindi rin malayo na muli silang magkita."

Ayon naman kay Bong, "Pupuwedeng gumawa ulit kami, pero it's a friendly competition.

"Katulad nga ng sinabi ko, it's a dream come true for me na makasama ang isang Vic Sotto sa pelikula. Nagkatotoo.

"So, once in a blue moon, pupuwedeng magsama ulit kami."

Biro naman ni Vic, "Kasi kung parati kaming magkasama, baka hindi na kami magkahiwalay! Baka ma-develop!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN