Regine Velasquez bids hectic work schedule goodbye to prepare for her wedding

IMAGE 0


Asia's Songbird Regine Velasquez's romantic comedy series for 2011 titled I ♥ You Pare will give the viewers a closer look into the flashy and flamboyant world of gays and drag queens.


Pukpukan ang taping ng upcoming GMA-7 romantic comedy series na I ♥ You Pare for the past couple of weeks.

Kaninang umaga, December 10, binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang showbiz reporters ang taping ng nasabing programa sa Philippine Educational Theater Association (PETA) Theater Center sa New Manila, Quezon City.

Naabutan namin sa set ng I ♥ You Pare sina Tirso Cruz III, Paolo Ballesteros, Boy Alano, at ang female lead star na si Regine Velasquez.

Walang eksena ngayong araw ang leading man ni Regine sa serye na si Dingdong Dantes kaya hindi niya kinailangan na dumaan sa taping.

Kasama rin sa cast sina Ian Veneracion,Ryza Cenon, Antonio Aquitania, Marc Abaya, Ehra Madrigal, Luanne Dy, Kevin Santos, Carlo Gonzales, Butch Aquino, Luz Valdez, Joey Paras, Joel Caracho, at Ms. Celia Rodriguez.

Sharing director credits are Andoy Ranay and Joyce Bernal.

GAYS AND DRAG QUEENS. Eksenang mala-stage musical ang nadatnan namin kanina, with Regine performing and lip-synching to the tune of Gloria Gaynor's 1984 hit song, "I Am What I Am."

Tinaguriang gay anthem ang nasabing awitin, at angkop na angkop naman ito sa konsepto ng I ♥ You Pare na sumisilip sa mundo ng mga bakla at iyong mga tinatawag na drag queens.

Early next year mapapanood ang serye sa GMA-7. Sa kasalukuyan ay marami-rami na ring episodes ang nakunan, enough to cover the show's first few weeks on air.

"Hindi pa naman namin nasasarado, pero marami na kaming nakunan. Siguro two weeks or three weeks na rin kaming nagte-taping," bungad ni Regine nang makapanayam namin siya during the break.

"Siguro more or less, the first week, the pilot week is buo na. Then the second week siguro at least half. Tapos, may fourth week na rin kaming nakunan."

Four times a week ang taping ng serye at naging "almost every day" pa nga ito nitong mga nakaraang araw dahil kailangan nilang makaipon ng sapat na episodes bago pumasok ang mahabang Yuletide break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat bugbog sa trabaho dulot ng puyatang taping ay sinabi ni Regine na excited at masaya siya sa tema at istorya ng proyekto.

"Maganda lang kasi sa romantic comedy, magaan.

"I mean, as long as siyempre kailangan kasi naming ipakita 'yong kilig, e—'yon naman ang secret ng mga romantic comedy.

"But since I've worked naman na with Dingdong before at saka siya 'yong talagang tinatrabaho, kina-career niya, parang ang dali-dali lang.

"Tapos, tawa lang kami nang tawa. Puro bakla ang mga kasama namin."

Hindi rin naman talaga madali ang papel na gagampanan ni Regine. She actually finds it very challenging dahil kailangan niyang bigyang buhay ang magkakaibang personalidad sa iisang tauhan.

"Mahirap din 'to kasi I'm a girl who's pretending to be gay, and then later on I'll pretend to be a guy. So, medyo complicated.

"Kailangan ko muna buuin 'yong character na Tonia—'yong girl na character, bago ako mag-pretend na Tonette, and then once in a while, my character as Tonia.

"Siyempre, hindi naman puwedeng all throughout bakla lang ako, di ba? Siyempre, 'yong totoong pagkatao ng babae, lalabas 'yon.

"So, nung umpisa, talagang kailangan akong mag-workshop. I have to kinda figure out kung paano ko gagawin."

PREPARING FOR THE BIG DAY. Isa pang malaking dahilan kung bakit puspusan ang taping ng serye—magbabakasyon si Regine para makapaghanda sa kanyang nalalapit na kasal sa kasintahan at kapwa singer na si Ogie Alcasid.

Nakatakdang ikasal ang dalawa itong darating na December 22.

Ngayon, December 10, ang last day of taping ni Regine para sa I ♥ You Pare bago ang kanyang bakasyon.

Pansamantala ring mamamaalam ang Asia's Songbird sa Party Pilipinas. Itong darating na Linggo, December 12, ang kanyang huling araw sa show.

"I just need to rest a little bit to prepare for my big day," sambit ni Regine.

"Actually, 'yong rest na 'yon, marami rin akong aasikasuhin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago tuluyang magbakasyon ay pumirma muna si Regine ng exclusive contract with GMA-7 last December 3. (CLICK HERE to read related article.)

Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ni Regine sa Kapuso network.

Kasama sa napagkasunduan ang pagkakaroon niya ng dalawang soap opera yearly.

"But meron naman akong maternity leave. Puwede naman daw," nakangiting sabi ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN