Ogie Alcasid defends dad's appointment to PNOC; says it has nothing to do with his efforts during PNoy's campaign

IMAGE 0


"I'm sure with the support of everybody in that office, mapapakinabangan... Maganda na mapakinabangan ng gobyerno at ng Pilipinas ang tatay ko," says Ogie Alcasid about the appointment of his dad, Herminio Alcasid Sr., as member of the board of directors of PNOC.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media si Ogie Alcasid sa concert na "Pamaskong Handog ng PAGCOR" noong Miyerkules, Disyembre 8, sa PAGCOR sa ParaƱaque City.

Dito ay nagsalita si Ogie tungkol sa appointment ng kanyang ama na si Herminio Alcasid Sr. bilang member ng board of directors ng Philippine National Oil Company (PNOC).

May mga bumabatikos kasi sa nasabing appointment. Ayon sa ilan, nagsilbing "payback" ni President Noynoy Aquino sa pagtulong ni Ogie sa kanyang kampanya noong Mayo ang pagkakaluklok ng kanyang ama sa puwesto.

Pero ayon kay Ogie, "You know, I think part ng proseso iyon, di po ba? Na kung sino man ang mailagay o mai-assign diyan, siyempre kailangang punahin kung qualified ba.

"At wine-welcome naman ng father ko 'yon."

Dagdag pa niya, "Siyempre, dapat malaman natin na kung sino man ang maa-assign sa kung ano mang posisyon, lalo na kung gobyerno ang pinag-uusapan, dapat siyempre yung karapat-dapat."

Mariin niyang sinabi na walang kinalaman ang pagiging parte niya sa kampanya ni PNoy sa appointment ng kanyang tatay.

"Si Secretary [Jose Rene Durano] Almendras talaga ang nag-recommend.

"He saw that my father has a huge background in rural banking. Kaya doon siya na-assign," saad ni Ogie.

Si Almendras ang kasalukuyang secretary ng Department of Energy na saklaw ang PNOC.

Sabi pa ni Ogie, alam niya na "deserving" at "capable" ang tatay niya sa nasabing posisyon.

"I can speak freely and I'm proud to not defend, but tell everybody of what my father is capable," aniya.

ADVICE TO DAD. Paano naman tinatanggap ng tatay niya ang mga batikos?

"Hindi kasi siya sanay," sabi ni Ogie.

"Pero nung marami nang nagte-text sa akin, [sabi ko sa kanya], 'Dad, sikat ka na!'

"Sabi niya, 'Wala namang problema dun.'

"Pero siyempre ako yung celebrity, ako yung kakausapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, I don't think he... medyo nagulat lang siya na ganun pala kalaki...parang naging isyu.

"But at the same time, he is welcoming it," sabi ng singer-songwriter.

May tip ba siyang ibinigay sa tatay niya bilang sanay siya sa mga intriga?

"[Sabi ko sa kanya], 'Dad, basta ano man ang mangyari, smile ka lagi. Hindi maganda yung parang masungit ka sa TV!" nakatawang sagot ni Ogie.

"I think my father can handle all of these things," paninigurado pa niya.

Naikuwento rin ni Ogie ang first day ng tatay niya sa trabaho.

"He called me the other day. Sabi niya, 'Uy! nagtrabaho na ako! First day on the job.'

"I have never heard him so excited as excited as he is.

"Sabi ko, 'O, Dad, congrats!'

"He met everybody in the office and he met his boss. Kasi hindi naman siya yung boss dun.

"He is very very excited and he got a lot of brilliant plans for PNOC," sabi ni Ogie.

Alam niyang malaki ang magagawa ng kanyang tatay sa posisyon na ibinigay sa kanya.

"I'm sure with the support of everybody in that office, mapapakinabangan... Maganda na mapakinabangan ng gobyerno at ng Pilipinas ang tatay ko," aniya.

Pabiro pa itong nagyabang na, "Kasi Herminio yun. Siya yung original na Herminio, ako, junior lang ako.

"Ngayon, kung sakali ako ay magkakaroon ng the third, e, yun, magkakaroon tayo ng the third.

"Pero as of now, siya yung Herminio Sr."

Nakatakdang ikasal si Ogie kay Regine Velasquez sa December 22.

ON JANNO GIBBS. Samantala, naitanong din kay Ogie kung kumusta na ang kaibigan niyang si Janno Gibbs.

Pansamantala kasing nawala sa sirkulasyon si Janno, partikular na sa GMA Sunday musical-variety show na Party Pilipinas.

Dahil dito, nagkaroon ng mga bali-balita na dumaan daw sa matinding depression si Janno kaya ito nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero noong Nobyembre 28 ay bumalik na si Janno sa Party Pilipinas.

Isa umano si Ogie sa mga tumulong upang makabalik si Janno.

"Janno and I, lagi kaming nag-uusap niyan," banggit ni Ogie.

"Yung dahilan niya ng pag-rest, e, dumadaan ang lahat ng tao sa ganyan. Parang medyo, 'Chill muna ako.' Time with family, di ba?"

Ayon kay Ogie, may mga pagkakataon din na dumadaan siya sa ganoong sitwasyon.

"Kung ako, ginagawa ko rin 'yon, hindi n'yo lang nakikita. I take time off.

"Wala naman akong ginawang drastic."

Tungkol pa rin kay Janno,. ani Ogie, "He loves his job but he wanted to take time off to be with people that matter, family, ganun.

"Saludo ako dun."

Sa pagbabalik ni Janno, ano ang mga plano nilang dalawa?

"Janno and I have a lot of plans especially for Party Pilipinas, and it's exciting!

"Magko-concert kami ulit, at siyempre siya yung original small brother ko," masayang sabi ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN