Gian Magdangal ends the year by starring in three musical plays

IMAGE 0


Gian Magdangal currently stars in Rent, which is being staged at the Powerplant Mall in Makati City until December 12, 2010. Next year, he is slated to release his wedding-themed album under Dyna Records.


Napaka-busy ng pagtatapos ng 2010 para sa singer na si Gian Magdangal.

Katatapos lang niyang gumanap bilang lead actor sa 9 Works Theatrical production na The Wedding Singer.

Noong December 1 ay nagsimula siyang gumanap bilang Prince sa Kaos, isa ring stage production na nagtatanghal sa Resorts World Manila.

Ngayon naman, siya ay si Roger Davis sa musical na Rent na itatanghal sa Powerplant Cinema 2 sa Makati City hanggang December 12, 2010.

Sa press preview ng Rent ay inamin ni Gian na napagod siya sa halos sabay-sabay na paggawa ng stage plays

"Minsan nga, naiisip ko na para 'kong schizo: mula sa Wedding Singer kung saan masayahin ang karakter ko, sa Kaos na romantic prince, tapos sa Rent kung saan pagod na sa buhay si Roger," sabi ng Philippine Idol finalist.



Bukod sa kanyang stage plays, regular pa rin siyang napapanood sa Sunday musical-variety show ng GMA-7, ang Party Pilipinas, at lumalabas din siya sa iba't ibang corporate shows.

BALANCING ACT. Nang tanungin kung ano ang sikreto sa pagba-balance niya ng kanyang iba't ibang showbiz commitments, sinabi ni Gian na ito ay dahil sa time management.

"ALV Talent Circuit works their magic in fixing the schedules," sabi pa niya tungkol sa kanyang management company.

At hindi naman daw nagrereklamo si Gian.

"I really wanted to this, sabi ko kay Arnold [Vegafria, his manager]. Kahit may mga conflict, I want to do this."

Ayon naman kaya Arnold, "Blessing din because most of the producers are very cooperative.

"And [Gian] is very focused and he takes care of himself. He knows what he wants.

"So the most important thing is that the talent should be cooperative."

WORKING WITH SHEREE. Bonus para kay Gian na makatrabaho sa entablado sa unang pagkakataon ang kanyang partner na si Sheree, na gumaganap bilang Mimi sa Rent.

"Yung rehearsal namin, umaabot sa bahay. Pati nga yung baby namin, kumakanta na din. It's a family event na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Sheree at Gian ay may two-years-and-six-month old son na si Gian Haley.

Dagdag ni Gian, "I'm really just happy doing this and makasama yung family ko. For me, it was really unforgettable."

WORKING ON CHRISTMAS DAY. Kahit sa mismong Pasko ay busy si Gian.

"I will be working on Christmas day and Christmas eve also."

Pero masaya naman siya dito.

"Christmas we hope to keep it simple. Simple joys lang ako. I really don't ask for anything big," sabi niya.

Sa susunod na taon, "very hectic ang schedule" ni Gian, ayon kay Arnold dahil ilalabas na ang much-awaited wedding-themed album ni Gian under Dyna Records.

Patuloy pa rin siyang makikita sa Party Pilipinas every Sunday at gaganap siya sa isang soap opera sa GMA-7.

Hanggang May 2011 naman ay mapapanood si Gian sa Kaos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN