FIRST READ ON PEP: Willie Revillame turns 50 on January 27; plans to celebrate with a "big, big event"

IMAGE 0


TV host Willie Revillame will turn 50 on January 27, 2011. To celebrate his golden year, he is planning to stage a "big, big event" at Qurino Grandstand where "big, big prizes" await the viewers.


Ipagdiriwang ni Willie Revillame ang kanyang 50th birthday sa January 27, 2011.

Gusto ng sikat na TV host na maging "big, big event" ang selebrasyon ng kanyang golden year.

Sa panayam sa kanya ni Jo-Ann Maglipon ng YES! magazine sa telepono kaninang hapon, December 9, sinabi ni Willie ang mga plano niya para sa kanyang nalalapit na kaarawan.

Balak kumuha ni Willie ng isang Sabado na libre ang Quirino Grandstand sa Rizal Park, Manila, para doon magtanghal ang daily program niya sa TV5 na Willing Willie.

Sa Quirino Grandstand tradisyunal na ginagawa ang oath taking ng mga Presidente ng Pilipinas.

Ngayong taon ay naging laman ng balita ang makasaysayang lugar na ito dahil dito naganap ang malagim na hostage-taking na ikinamatay ng ilang turista mula sa Hong Kong.

Tina-target ni Willie ang petsa, simula January 22 onwards, para idaos ang kanyang birthday celebration.

EXCITING PRIZES. Kilala si Willie sa pagbibigay ng mga premyo at pagmumudmod ng pera sa kanyang programa.

At sa kanyang kaarawan, malulula ang mga tagasubaybay niya sa laki ng mga papremyo na balak niyang ipamigay.

Una na rito ang pamimigay niya ng limampung (50) sasakyan.

Sa ngayon, ayon kay Willie, sampu hanggang 15 na sasakyan pa lang ang tila sigurado na.

Tatlo hanggang limang house and lot naman ang posible rin niyang ipamigay.

Balak ng TV host na bumili ng units sa Camella Homes sa discounted price. Ibibigay ito ni Willie bilang raffle o regalo sa mga masuwerteng manonood.

Ang Camella Homes ay pag-aari ni dating Senator Manny Villar, na sinuportahan ni Willie nang tumakbo itong presidente noong May 10, 2010 elections. Pumangatlo si Villar sa presidential race.

Bukod sa kotse at bahay at lupa, magpapamudmod din daw si Willie ng humugit-kumulang limang milyong piso (P5 million).

Posible niyang hatiin ito sa 100 na tigpi-fifty thousand pesos (P50,000), o sampung tigpa-five hundred thousand pesos (P500,000).

Sa tantiya ni Willie, aabot sa twenty hanggang thirty million (P20-P30 million) ang gagastusin niya para sa kanyang birthday celebration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa TV host, inaasahan niya ang pagdalo ng humigit-kumulang 100,000 katao sa Quirino Grandstand.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN