Hayden Kho on misunderstanding with Sharon Cuneta: "Nirerespeto mo yung tao tapos may biglang masakit na sinabi sa 'yo."

IMAGE 0


"Natutunan ko not to take things personally. Kasi hindi ko naman talaga alam kung bakit ako binabanatan talaga," Hayden Kho explains his response to Megastar Sharon Cuneta's statements.


Todo suporta na dumalo si Hayden Kho sa opening ng bagong branch ng Belo Medical Clinic ni Dra. Vicky Belo kagabi, February 18, sa Glorietta 3, Makati City.

Masayang-masaya ang dalawa na halos hindi nagkakahiwalay sa event.

Dumalo ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ibang mga miyembro ng press sa event at nakapanayam si Hayden.

Kinuwento ni Hayden na pinagluto niya si Dra. Vicky noong Valentine's Day.

Mauuwi na ba sa kasalan ang dalawa?

Ngumiti si Hayden saka niya ito sinagot: "Sa amin na lang 'yon. Sa amin na lang muna yung mga ganun."

ON MEGASTAR. Samantala, hindi naiwasan na mapag-usapan ang isyu na kinasangkutan niya with Megastar Sharon Cuneta.

Nagkaroon ng alitan ang dalawa nang nagbigay ang Megastar ng kanyang reaksyon sa diumano'y isang tweet ni Hayden na ang tinutukoy ay ang billboard ni Mega sa EDSA (CLICK HERE to read related story).

Nang mapunta sa topic na ito ang mga tanong ng mga reporters, sandaling umiwas si Hayden at sinabing, "No comment na lang ako. Ayaw ko na pag-usapan 'yan."

Ngunit kanyang dinagdag, "Kasi nakakalungkot naman. Nirerespeto mo yung tao tapos bigla kang... may masakit na sinabi sa 'yo.

"Yung sinabi niya naman napaka-personal, e. Personal yung attack niya. Well, ganun talaga, hindi na bago sa akin yun, marami pang mas masakit akong narinig before."

Ayon pa kay Hayden, hindi na lamang daw niya ito pinapansin.

"Natutunan ko not to take things personally. Kasi hindi ko naman talaga alam kung bakit ako binabanatan talaga.

"Baka mamaya for mileage lang, for exposure. I learned not to take things personally. Baka naman wala talagang galit sa akin. Baka mamaya, for marketing lang," aniya.

Tingin ba niya ay ginagamit lang siya?

"Hindi ko masabi 'yan. Mahirap kasi magsalita base doon sa haka-haka. Ang hirap, e. I'm sure baka [may nagsabi sa kanya] na, 'Sabi ni Hayden ganito ganyan...' Wala naman akong sinabi. Most likely, ganun yung nangyari. Parang nagatungan lang," ang mahinahong sagot ni Hayden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOSTING. Isa pang sinagot na tanong ni Hayden ay ang tungkol sa offer sa kanya na maging isa sa mga host ng showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi.

Ngunit hindi siya masyadong bukas sa nasabing offer.

"May mga pros and cons, pero hindi ko talaga masyado iniisip kasi parang hindi pa ako ganung kakumportable sa ganung industriya," sabi ni Hayden.

Isa sa mga binigay niyang dahilan ay ang kanyang perfume business na siyang pinagkakaabalahan niya ngayon.

"[Kapag pumasok dyan baka] mas maraming temptations. Actually mas simple yung life ko ngayon, mas tahimik," aniya.

"Inaanyayahan ulit akong mag-host pero ang sabi ko, 'Mahirap na kasi may mga business ako na pinatatakbo, may mga tao na nakasalalay sa akin, so hindi ko pwedeng pabayaan.'

"But I promised them na mag-uusap kami by the end of the month," paliwanag ni Hayden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN