Judy Ann Santos, now a 100% Panatag Mom

IMAGE 0


Pagkatapos ng halos isang taon na pahinga mula sa showbiz, nagbabalik si Judy Ann Santos sa telebisyon bilang "100% Panatag Mom" ng Lactum.


ADVERTORIAL

Marami-raming buwan na mula nung huling proyekto ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa telebisyon. Sapat na panahon na ito para makapahinga mula sa panganganak at para ma-enjoy din ang maiksing panahon ng pagbubuntis niya kay Lucio, ang anak nila ng asawang si Ryan Agoncillo.

Sa kanyang pagbabalik, ipapamalas niya hindi lamang ang husay sa pagganap sa drama sa camera, kundi pati ang husay humarap sa drama sa hapag. Ang kakayahan niya bilang aktres na humarap sa mga pagsubok, dadalhin niya sa pagharap sa mga pagsubok ng pagiging ina—lalo na ang pagsubok sa pagpapakain.

Ang realidad ng pagpapakain: 'yan ang pang-araw-araw na karanasan ng karaniwang ina, at 'yan din ang pinagdadaanan ni Judy Ann. At ang karanasan niyang ito—ang pag-aalala sa nutrisyon ng anak na si Yohan dahil sa hilig nitong kumain lamang ng paboritong pagkain tulad ng cheesedog at wala nang iba—ang isasalarawan ng latest TV commercial ng Lactum.

Sa pagganap ni Judy Ann sa proyektong ito, ipinamamalas niya sa buong bansa na siya rin ay isa nang 100% panatag mom. "Sa Lactum lang ako panatag," aniya, at walang alinlangang tinawag ang Lactum na kanyang katuwang sa pagbibigay kay Yohan ng 100% nourishment with three balanced meals a day.

Ang nasabi ring proyekto ang unang pagganap ni Yohan sa isang acting role sa TV, isang milestone hindi lamang sa kanyang buhay kundi pati sa buhay ng kanyang ina na mula sa pagkabata pa lang ay batikang aktres na sa kilalang teleserye. Tila may pinagmanahan, hiyang na hiyang ang bagets sa dalawang araw ng pag-shoot nila ng 30-second TV commercial ng Lactum.

Kung sa pagkain at pag-inom ng gatas, ayaw ni Judy Ann na pinipilit si Yohan gawin ang ayaw niyang gawin—aniya, umiinom si Yohan lagi ng Lactum dahil sarap na sarap ang bata rito—ganoon din siya marahil sa pagsali ng anak sa proyektong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Judy Ann ang bahagyang alinlangang isabak sa ganitong gawain si Yohan dahil, ika nga niya, hindi niya gugustuhing tumanda si Yohan nang may masasabing pinilit siya ng kanyang ina na gumawa ng anumang hindi niya nais.

Buti na lamang, walang bakas ng pag-ayaw sa mukha ni Yohan sa buong kalakaran ng shooting; sa katotohanan, panay ang kanyang pangiting pagdila sa labi tuwing lalagukin ang Lactum sa dulo ng mga eksena!

May drama man minsan sa hapag, at least walang drama ang karanasan ni Yohan sa harap ng camera, sa una niyang pagsabak sa telebisyon sabay sa pagbabalik ni Judy Ann Santos-Agoncillo.

Garantisadong magiging maaksyon ang kanilang pag-advocate sa 100% nourishment sa mga susunod na buwan, at nawa'y magkaroon din ng romance sa pagitan ng fans ni Judy Ann at ng kanyang advocacy tungo sa pagiging 100% panatag ng bawat ina. Oo nga naman—ang pagiging ina at pagiging aktres, sadyang hindi nagkakalayo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN