Jennylyn Mercado and Dennis Trillo trust each other and see no room for jealousy

IMAGE 0


"Kami naman ni Jen, ayun, nagpaplano pa rin kasi marami rin siyang work. Pero definitely, gagawan namin ng paraan yun at hahanapan namin ng oras yun na makapag-spend kami ng Pasko," says Dennis Trillo about spending Christmas with girlfriend Jennylyn Mercado.


Hindi nag-aalala si Jennyln Mercado na magkasama sa fantaserye ng GMA-7 na Dwarfina ang kanyang kasintahan na si Dennis Trillo at si Heart Evangelista. Ito ay sa kabila ng pagkaka-link ng dalawa noon.

Sa taped interview ng Startalk kay Jennylyn, sinabi ng aktres: "Wala akong kailangang ipag-alala at wala akong... Hindi ko kailangan ng mga ganyan dahil wala akong ganyan sa katawan.

"Wala akong selos at ano sa katawan dahil malaki naman ang tiwala ko kay Dennis, [at] kaibigan ko si Heart.

"Sana huwag nilang gawan ng intriga."

Sinegundahan naman ito ni Dennis in a separate taped interview.

Aniya, "Totoo naman yun... And siyempre, may tiwala siya sa akin and may tiwala ako sa kanya.

"Iyong bond na iyon ay hindi mabe-break sa aming dalawa."

FIRST CHRISTMAS. Unang Pasko nina Jennylyn at Dennis ang darating na Kapaskuhan bilang magkarelasyon. Natural na magkasama sila sa espesyal na okasyon na ito.

Pero bago iyon, magbabakasyon sa ibang bansa si Dennis at ang kanyang buong pamilya, kasama ang anak na si Calix—ang anak ng aktor sa dati niyang girlfriend na si Carlene Aguilar.

Sabi ng aktor, "Sa Pasko kami ng pamilya, mag-a-out of the country, and yeah, kasama si Calix.

"First time namin na mag-a-out of the country na kasama siya. Kaya ako 'tsaka yung buong pamilya ko, sobrang excited.

"Kami naman ni Jen, ayun, nagpaplano pa rin kasi marami rin siyang work.

"Pero definitely, gagawan namin ng paraan yun at hahanapan namin ng oras yun na makapag-spend kami ng Pasko."

Ayon naman kay Jennylyn, "Pupunta kami sa kanila, pupunta rin kami sa amin para lang fair, di ba?

"Tapos siguro magse-celebrate din kaming dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN