Yul Servo talks about his friendship with Baron Geisler and Piolo Pascual

IMAGE 0


"Bilang isang kaibigan, mabait siya. Kuya pa nga niya ako. Mahilig siyang magpayo, at malapit sa Diyos. Wala kaming pinagsamahan na hindi maganda. Lahat maayos para sa kaibigan namin," says Yul Servo (in photo) about Piolo Pascual.


Very visible uli si Yul Servo these days sa mga showbiz functions dahil muli siyang gumawa ng pelikula matapos ang dalawang taon.

Kasali si Yul sa Metro Manila Filmfest 2010 entry na Rosario, mula sa Cinemabuhay at Studio5, bilang isa sa leading men ni Jennylyn Mercado.

"Okey naman. Magandang pelikula. Nagpapasalamat ako na napasama ako sa pelikulang ito," sabi ni Yul.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Yul noong Huwebes ng hapon, December 9, matapos ang pagdalo niya ng lingguhang session ng Manila City Council, sa Manila City Hall.

Ani Yul, malaki ang pagpapasalamat niya sa direktor ng Rosario na si Albert Martinez, at sa kanyang manager na si Maryo J. de los Reyes na hindi siya pinababayaan sa kanyang career.

Noong 2008 pa gumawa ng huli niyang dalawang pelikula si Yul—ang Brutus para sa Cinemalaya at Torotot ng Viva Films. Naging premyado si Yul para sa mga pelikulang nabanggit, sa Cinemalaya at Brussels International Film Festival.

For which the unassuming actor says he's indebted to Direk Maryo para sa mahusay nitong pangangalaga sa kanyang showbiz profession, bagamat may kaabalahan na rin si Yul—o si John Marvin Cruz Nieto IV—sa pulitika bilang konsehal ng 3rd district ng Maynila sa ikalawa niyang termino.

"Forever 'yon," sabi pa ni Yul about his director-friend at manager.

Tungkol pa rin sa Rosario, walang negative na mababanggit si Yul tungkol sa naging samahan nila ng mga co-star niya, o kahit hindi pa sila nagkakasama sa pelikula nina Jennylyn at Dennis Trillo.

"Okey naman sila. Konti lang ang eksena namin [ni Dennis], pero naging smooth naman ang takbo ng shooting.

"Lagi rin naman kaming nagkikita sa mga gatherings kaya walang problema.

"Sana, lahat ng mga kasaling pelikula sa Metro Manila Filmfest, suportahan.

"Sa mga ganitong panahon lang naman dumarating ang pagkakataon na puwedeng suportahan 100 percent ang industriya natin," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POLITICS. Walang ginawang pelikula si Yul sa buong 2009 dahil, aniya, "preparasyon 'yon sa pagkandidato ko uli."

Mapalad naman at nanalo uli bilang konsehal si Yu, na nag-No. 2 sa mga kumandidato.

"From No. 5 [in 2007] to No. 2," masaya niyang banggit.

"Ang lamang sa akin nung nag-No. 1, 209 votes.

"Sa akin naman, makapasok lang sa anim at makapagpatuloy na magserbisyo sa mga tao. Kasi, masarap mag-serbisyo, e."

Sa darating ngang 2011, puspusan ang mga ginagawang plano ni Konsehal Yul para sa nasasakupang distrito.

Nariyan ang medical mission, na pangunahing proyekto niya sa pakikipagtulungan sa Manila Health Department at nina Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno.

Sa February 11, na birthday ni Yul, balak naman daw niyang magpa-sponsor ng mass wedding. Gayundin ang iba pang socio-civic and charitable projects para sa mga kapus-palad na mga mamamayan at kabataan ng siyudad.

"Natutuwa ako sa mga projects na napapasaya ang mga bata," sabi ng actor-politician.

Sakaling magtapos ang ikatlong termino ni Yul as councilor, sabi niya, "Puwedeng mag-artista tayo uli. O puwedeng [kumandidatong] vice mayor o congressman."

ON BARON GEISLER. Dalawang sikat at kontrobersiyal na aktor ang parehong itinuturing na kaibigan ni Yul Servo, maski noong hindi pa siya nagiging konsehal—sina Baron Geisler at Piolo Pascual.

Si Baron ay may image ng pagiging isang "bad boy" ng showbiz.

Matapos ang asunto niya sa kasong acts of lasciviousness, may unconfirmed reports uli ng diumano'y "paglalasing" at "pagwawala" na naman ni Baron.

"Dati, madalas kong nakakasama si Baron Geisler. Inuman lagi 'yan," pagtatapat ni Yul.

"Actually, si Baron naman, astig na kaibigan. Maganda rin siyang [maging] kaibigan. Magandang kausap din, malalim.

"Very artistic na tao siya, bilib din ako sa trabaho niya.

"Masaya din ako na naging kaibigan ko si Baron, pero alam mo, may time lang na pag nakakainom siya, yun lang ang nagiging..."

Hindi tahasang tinukoy ng konsehal ang iba pang detalye ng pahayag niya about Baron's ways kapag nalalasing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lately, may ulat na naman na nagsasabing kesyo nagwala si Baron bunga ng labis na kalasingan. Pero pinabulaanan naman niya ito.

"Aalalayan mo lang siya, pero okey lang 'yon," ani Yul tungkol kay Baron.

"Minsan, nami-misinterpret din ang tao na 'yan. Pero ang galing niyang umarte. Isa 'yan sa mga iniidolo ko na kaibigan ko."

ON PIOLO PASCUAL. Dati na ring magkaibigan sina Yul at Piolo. At na-"link" sila sa isa't isa bunga ng malisyosong tsismis na negatibo ang pagtuturing sa mga aktor, depende sa pagkakaulat.

Pero para kay Yul, at this point, "Bilang kaibigan niya, wala akong nakitang gano'n.

"Hindi naman ako magpapaka-ipokrito na sasabihin ko na, 'totoo naman talaga.' Pero wala akong nakitang gano'n.

"Bilang isang kaibigan, mabait siya. Kuya pa nga niya ako.

"Mahilig siyang magpayo, at malapit sa Diyos."

"Wala kaming pinagsamahan na hindi maganda. Lahat maayos para sa kaibigan namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN