Dingdong Dantes and Marian Rivera want to give each other "life-changing" gifts this Christmas

IMAGE 0


"Kami naman ang mga taong hindi namin basta-basta iiwan nang hindi maganda ang nakaraan. Kumbaga, bilang mga mature at mga taong may values at dignidad, e, sinigurado naming mabigyan ng tuldok at mawakasan sa tamang paraan ang mga nangyayari sa nakaraan," says Dingdong Dantes about the accidental meeting of Marian Rivera and her ex-boyfriend Ervic Vijandre.


Kahit magkahiwalay ang ginagawang mga proyekto ngayon ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera, nananatiling very supportive sila sa isa't isa.

Ayon nga kay Dingdong, malaking tulong si Marian sa character na gagampanan niya sa bagong series na I ♥ You Pare, na pagsasamahan nila ni Regine Velasquez.

"Alam ninyo, to the point na pati yung ano ko dito, yung pagpapagupit, e, sa kanya ko nakuha ang idea dahil siyempre... I was toying on some certain looks, tapos, e, sa kanya nanggaling yun," banggit ni Dingdong sa taped interview sa kanya ng Startalk kahapon, December 11.

Sa hiwalay na panayam naman kay Marian, sinabi nitong: "Actually, yung character niya, binubuo niya pa. Pero pag kinailangan niya ng mga salitang bakla, alam niya kung sinong hahanapin niya. Ako yun!"

Sa I ♥You Pare kasi ay isang comedy role ang ginagampanan ni Dingdong, at ang role naman ni Regine dito ay isang drag queen kaya may mga eksenang ginagamitan ng gay lingo.

MARIAN'S VISIT. Pagkatapos ipalabas ang taped interview kina Dingdong at Marian, live na nag-guest ang aktres sa Startalk.

Ang unang napag-usapan ay ang pagpunta ni Marian, kahapon din, sa Brave Kids Foundation ng Philippine Children's Medical Center.

Kuwento ng Kapuso star, "Kasi ano, every year kasi, ini-invite nila ako para magpasaya ng mga bata. So, this year ulit, in-invite nila ako.

"Sabi ko nga, hindi sila ang dapat mag-thank you. Ako mismo ang dapat mag-thank you kasi para makapagbigay-saya ako sa mga bata, e, malaking bagay po yun para sa akin.

"Hindi ko alam, masyado yata akong malapitin sa mga batang may cancer."

Kaugnay nito, nung isang araw raw ay kinuha silang dalawa ni Dingdong na ninong at ninang ng isang batang may cancer.

SUPER INDAY COSTUME. Napadako naman ang usapan tungkol sa Super Inday and the Golden Bibe, ang pelikulang pinagbibidahan ni Marian na entry sa 2010 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling niya na siya si Super Inday?

"Super happy po kasi ang sarap gawin ng pelikulang ito, parang walang pressure-an.

"Masaya lang kami sa set, tapos nag-e-enjoy talaga ako kapag comedy ang ginagawa ko," sabi ni Marian.

Totoo bang may ipinabago siya sa costume ni Super Inday dahil ayaw niya ng masyadong maiksing kasuotan? O, si Dingdong ba ang may say sa costume niya at ayaw nito ng masyadong seksi?

"A, hindi!" mabilis na tanggi ni Marian.

"Si Dong ay hindi nangingialam sa kahit na anong damit na isuot ko.

"Ako talaga ang nag-decide na medyo habaan ng konti yung skirt, kasi nagmumukhang Darna, e.

"So, para maiba lang siya, pati yung kulay. Kasi parehas ding naka-boots, parehas ding ganun yung pang-itaas, so pinaiba ko lang.

"Pinalagyan ko ng something dito sa may itaas, pinahaba ko lang yung skirt.

"Tapos yun, may batya ako dito na wala sa Darna!" ang natatawang pagkukuwento ni Marian.

MARIAN'S EX-BOYFRIEND. Napadako naman ang usapan tungkol sa pagkikita ni Marian at ng ex-boyfriend niyang si Ervic Vijandre sa lobby ng GMA Network Center.

"Nagkita kami isang beses pa lang, nag-krus ang landas namin dun sa [GMA] old building, tapos...

"Wala naman kaming problema kasi hi-hello.

"So, yun lang, hanggang ganun lang," saad ng aktres.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ng boyfriend ngayon ni Marian na si Dingdong Dantes na wala ring problema kung magkita muli ang aktres at ang dati nitong kasintahan.

"Kami naman ang mga taong hindi namin basta-basta iiwan nang hindi maganda ang nakaraan," saad ng actor.

"Kumbaga, bilang mga mature at mga taong may values at dignidad, e, sinigurado naming mabigyan ng tuldok at mawakasan sa tamang paraan ang mga nangyayari sa nakaraan."

Sinang-ayunan naman ito ni Marian.

Aniya, "Tulad nga ng sabi ni Dong, hindi naman kami mang-iiwan ng past na hindi namin naayos nang mabuti."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Willing ba niyang makasama si Ervic sa isang project ngayong tila papasukin na rin nito ang showbiz pagkatapos ng Survivor Philippines Celebrity Showdown?

"Ay, oo naman! Bakit hindi?" sagot ni Marian.

"Pero siyempre, ang manager ko [Popoy Caritativo] ang sasagot niyan. Bahala na siya sa career ko."

DINGDONG IN SINGAPORE. Nasorpresa naman si Marian nang sa kalagitnaan ng interview sa kanya ay pumasok sa linya si Dingdong.

"Akala ko ba nagdyi-gym ka?" nagtatakang tanong ni Marian kay Dingdong.

At this point ay tinanong muna si Marian kung bakit hindi siya nakasama kay Dingdong sa Singapore para um-attend ng Asian Television Awards.

Nominado kasi si Dingdong sa kategoryang Best Drama Actor para sa kanyang pagganap sa Stairway to Heaven. Pero nabigo siyang makuha ang tropeyo. (CLICK HERE to read related story.)

Paliwanag ni Marian, "Naano nga ako na hindi ako nakasama sa kanya kasi kailangan kong mag-promote ng Super Inday.

"Madami akong school tours, meron akong mall shows.

"Kaya sabi ko nga sa kanya, pasensiya na siya at hindi ko siya masasamahan."

Sabi naman ni Dingdong, "Okay lang po. Sinabi ko nga, 'andun naman po siya in spirit."

Nagpasalamat naman si Dingdong sa pagkilalang iginawad sa kanya ng Asian TV Awards, kahit hindi siya nanalo.

"Opo, salamat po sa recognition ng Asian TV Awards," sambit niya.

"Ang saya po, masaya po ang experience. Kumbaga, I would love to do it all over again."

Pagkatapos nito ay nagkuwento na ang aktor tungkol sa pagpunta niya sa awards night sa Singapore.

"Ang ganda ng experience dahil may halong kaba at saka excitement.

"At saka siyempre, isa siyang prestigious event na kasama yung best of the best sa Asia.

"So, nararapat lang talaga na bigyan ng much respect yung invitation 'tsaka yung recognition."

Totoo bang pinagkaguluhan siya sa Singapore?

"Pumunta kami dun ng late 2009 para i-launch yung Marimar, pero ngayon lang po pala siya napapanood dun sa Singapore na dinub into Malay. Tapos, nasa kalagitnaan na siya ng pag-eere ng Marimar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nasa hotel yung mga taga-doon, e, nakilala nila ako, tapos hinahanap si Marimar. Tapos, sinasabi nga nila na napapanood nga nila.

"So, random people nga na mga nakakasalubong ko. So, nakakatuwa naman na umaabot din tayo sa Singapore at naa-appreciate nila yung gawa natin doon," lahad ni Dingdong.

Dagdag pang kuwento ng aktor, "Tinatanong nila kung totoong maganda si Marimar, 'Is she really pretty?'

"Sabi ko, 'More than you can even imagine!'"

Tumawa naman si Marian sa narinig at sinabing, "Ano ba, dad, kinikilig na ako, ha!"

Ano naman ang feeling ni Marian na napapanood ang Marimar sa Singapore?

"Actually, in-open 'yan sa akin [ni Dingdong].

"Sabi niya, 'Alam mo ba yung mga tao dito hinahanap ka. Sabi nila, nasaan si Marimar?'

"Tapos, ang tawag sa kanya, 'Sergio.'

"Tapos, sabi ko, 'Talaga? Paanong nangyari?'

"Yun pala, pinapalabas nga yung Marimar doon, tapos nasa kalagitnaan.

"Na nakakatuwa lang na ipinapalabas doon yung Marimar."

CHRISTMAS GIFTS. Sa isang interview ay sinabi ni Dingdong na may tatlo siyang Christmas gifts kay Marian.

Ang una raw ay has something to do with Dyesebel.

Ang pangalawa ay "medyo expected" na raw ng aktres.

Ang pangatlo ay isang "life-changing" na regalo.

Ayon kay Marian, suot na niya ang isang regalo ni Dingdong—isang tube dress galing sa Singapore.

Pero ayon sa aktor, pasalubong lang niya 'yon at hindi pa 'yon ang Christmas gift niya kay Marian.

This time, si Dingdong naman ang inusisa ng Startalk hosts tungkol sa tatlong gifts niya kay Marian, lalo na ang sinasabing "life-changing" na regalo niya.

Pero bago nakasagot si Dingdong, tumatawang humirit si Marian ng: "A, next year po, bakla na po siya!"

Sakay naman ni Dingdong, habang tumatawa rin: "Life-changing yun, abangan nila yung transformation!"

Magpo-propose na ba siya kay Marian?

"A, hindi," sagot ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung sakaling iyon po yun, siyempre hindi ko naman sasabihing isang regalo iyon, e.

"At iba naman po yung Christmas gift.

"Usually po kasi talaga, pag Pasko, e, mahilig po kaming mag-imbento ng regalo sa isa't isa.

"Pero nasabi ko na kasi sa isang interview yun, medyo life-changing.

"Hindi naman po ganun kabigat ang ibig sabihin nun, pero medyo kakaiba lang na, kumbaga, hindi siya nabibili ng kahit na anong halaga, hindi siya yung tipo na parang normal na regalo.

"Pero siyempre, makaka... Alam n'yo yun? Something different, something different."

Ano naman ang regalo ni Marian kay Dingdong?

"Basta may ibinigay na ako sa kanya, pero gusto ko pa siyang bigyan ng isang bagay din na makakapagpabago din ng buhay niya," sabi niya.

Hindi raw ito nabibili.

Dagdag pa niya, habang tumatawa, ito ay "nasa puso ko."

Paano nila ise-celebrate ang darating na Kapaskuhan?

"Ano pa rin, katulad pa rin ng dati, pupunta kami sa bahay nila, tapos pupunta kami kina Lola.

"Yun, dun kami magse-celebrate, basta magkasama kaming dalawa," sabi ni Marian.

Sa huli ay nag nag-imbita si Marian na panoorin ang Super Inday and the Golden Bibe, at sinegundahan naman ito ni Dingdong.

Sabi ng aktor, "Siguro tamang-tama itong panahong ito para i-wish siya ng good luck sa darating na Super Inday.

"Sobrang importante para sa kanya itong project na ito.

"'Tsaka nung ginagawa niya ito nitong nakaraang buwan, kakaiba ang dedication niya. Na sinabi niyang isa sa mga paboritong roles niya.

"Kaya sana makita nila yung kagandahan nito by watching it sa December 25. Dahil sigurado ako, just like her other projects, hindi siya mapapahiya."

Sagot naman ni Marian: "I love you, dad!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN