Queenie Padilla denies she was hospitalized because of diet pills

IMAGE 0


"Aaminin ko po dati, umiinom po ako dati. Kasi nahihirapan akong pumayat. Pero ngayon, nag-stop na po ako kasi parang nababaliw na ako. So I decided na mag-diet ng yung natural way," says Queenie Padilla.


Noong Miyerkules, December 8, ay naospital ang young actress na si Queenie Padilla, panganay na anak ng ex-couple na sina Robin Padilla at Liezel Sicangco.

Sa taped interview ng Startalk kay Queenie na ipinalabas kahapon, December 11, ikinuwento nito ang nangyari sa kanya.

"Nagkaroon po ako ng allergy, tapos sobrang stressed po ako, tapos nagkaroon po ako ng minor infection sa tiyan.

"Tapos, nag-chill po ako, sobrang ginaw na ginaw ako, biglang may nararamdaman ako sa tiyan ko, na masakit na masakit na parang ginaganun sa side ko po.

"Sobrang stressed ko po, stress, and parang yung immune system ko, very weak, tapos kumain pa ako ng bawal. So, sumabay pa yung pagod," pagpapaliwanag ni Queenie.

BECAUSE OF DIET PILLS? Kaugnay ng pagkaka-ospital ni Queenie, kumalat ang balita na sanhi umano ng gamot na pampapayat ang pagkakasakit niya. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Wala po akong tini-take na diet pills ngayon, huminto na po ako," tanggi niya.

"Kasi actually, aaminin ko po dati, umiinom po ako dati. Kasi nahihirapan akong pumayat.

"Pero ngayon, nag-stop na po ako kasi parang nababaliw na ako. So I decided na mag-diet ng yung natural way."

LIEZEL SICANGCO. Bagamat nasa Australia, kaagad namang nalaman ng ina ni Queenie na si Liezel Sicangco ang kalagayan ng anak.

Ayon kay Queenie, "Actually, kausap ko po siya nung nangyari, nung naramdaman ko yung sakit.

"Tapos siya po yung nagsabi sa PA ko na dalhin na ako sa ospital."

Sa pamamagitan naman ng isang text message na ipinadala niya sa Startalk, sinabi ni Liezel na, "Blood test niya normal, lahat ng tests na ginawa niya, normal. Kaya mapapanatag na ako at least walang sakit ang anak ko."

May mensahe naman si Queenie sa ina.

Aniya, "Hi, Ma! Kausap lang kita kanina, okay na po ako, huwag na po kayong mag-alala sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I love you so much, sobrang excited po akong umuwi. So I love you!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN