Judy Ann Santos aims to achieve "100% nourishment" for daughter Yohan

IMAGE 0


Ang pinakabagong mom-daughter tandem sa telebisyon ay sina Judy Ann Santos-Agoncillo at ang anak na si Yohan. Mapapanood sila sa bagong TV commercial ng Lactum.


Mula sa set ng isang teleserye, ang drama ngayon ng mga pakikipagsapalaran ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa kanyang pagbabalik sa TV ay napunta sa hapag-kaninan.

Pero ang challenges na kinakaharap niya, nagagamit niya lahat ng natutunan simula pagkabata sa pag-arte.

Bilang ina, na hands-on sa pagpapakain sa anak na si Yohan, dumadaan siya sa drama, action, at romance. Drama dahil, minsan, sa hirap magpakain ng anak, nauuwi sa iyakan. Action dahil tila may sagupaan sa hapag sa tuwing kakain ang panganay. Romance dahil naaakit ang bata ng paborito niyang pagkain, gaya ng cheesedog.

Tila adventure na may paulit-ulit na episodes ang pinagdadaanan ni Judy Ann. At malaking bagay na mayroon siyang mga katuwang para gampanan ang kanyang role bilang ina—ang asawang si Ryan Agoncillo, na pangunahin niyang partner pagdating sa anumang may kinalaman sa pamilya; at Lactum 6+, ang pangunahing milk brand na nagsusulong ng 100% nourishment para sa mga bata, kasama ng three balanced meals a day.

Sila ang nagpapanatag sa kanya nang 100%. Ang sentimyentong ito, matutunghayan sa TV commercial ng Lactum 6+ kung saan ang mag-inang Judy Ann at Yohan ang mga pangunahing karakter.

Bukod sa ang advertisement na ito ang magmamarka ng pagbabalik ng aktres sa Philippine TV, ito rin ang magsisilbing hudyat ng pagpasok ni Yohan sa mundo ng pag-arte.

Bilang bagong 100% panatag mom at endorser ng Lactum 6+, magsisilbing ambassador ng 100% nourishment ang aktres. Bukod sa pagiging ina, isa rin siyang chek kaya swak para sa kanya ang pinakabagong role sa telebisyon.

Mahalaga sa kanya ang kinakain ni Yohan kaya tinututukan din niya ang nutritional value ng mga pagkain. In fact, inalam nang husto ni Juday (pangalan ng aktres) ang mga bahagi ng food pyramid, na siyang batayan hindi lamang ng isang balanced meal kundi, batayan din ng sustansyang nasa bawat baso ng Lactum, na malaking tulong sa tatlong balanced meals araw-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang kinalakhan nating face of Philippine soap opera, siya na rin ang face of 100% nourishment. At ang mukhang kilalang-kilala na natin sa TV at sine, seryoso sa bago niyang role bilang ina, na ang advocacy ay ang pag-nourish sa mga bata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN