Iza Calzado: "I am blessed because my beauty has opened doors for me."

IMAGE 0


Aside from cleaning her face, sleeping, working out, and eating properly, Iza Calzado has one more secret to being beautiful. Find out on March 20 in Showbiz Central.


ADVERTORIAL

Hindi maipagkakailang paganda nang paganda ang career ni Iza Calzado. Kamakailan lamang ay pinahanga niya ang mga TV viewers sa teleserye niyang The Beauty Queen, kung saan pinatunayan niya na may "K" siyang mag-two-piece.

Sa kasalukuyan naman ay ipinapakita ni Iza ang angking galing sa pagho-host at pagpapatawa sa Eat Bulaga, kasama ang Dabarkads.

Marami pang breaks ang nag-aabang kay Iza ngayong 2011—isang bagay na kinakatuwa ng aktres. Laking pasasalamat niya dahil alam niyang ang tagumpay na nakakamit niya ngayon ay dulot ng mga magandang pagbabagong ginawa niya sa sarili.

Matatandaang "chubby" dati si Iza, subalit dahil sa kanyang disiplina ay ganap na siyang nag-"glow" at nag-"bloom." Hindi lang siya pumayat, lalo pa siyang gumanda.

"I am blessed because my beauty transformation has opened doors for me. Beauty and it became a source of strength confidence," says Iza.

IZA'S MAJOR TRANSFORMATION. Inaamin ni Iza na nung pumasok siya sa bilang artista ay hindi siya ganoon ka-conscious sa pagkakaroon ng healthy lifestyle. Hindi lang siya exposed sa puyat at stress, madalas din siyang kumain hanggang sa hindi niya namamalayang palaki na siya nang palaki.

Isang araw, napagdesisyunan ni Iza na kailangan na niyang baguhin ang unhealthy lifestyle niya.

Dito na siya nagsimulang mag-exercise at mag-monitor ng kanyang kinakain. Naging maingat na sa katawan si Iza, kahit busy sa tapings.

"I keep fit by running, weight training, occasional dance classes or Pilates," wika ni Iza. "If I have time I'll try any activity at least once to get a feel of it. I try to be conscious of my food intake and when I do cheat from my diet I work out harder."

Nahihilig din sa sports si Iza, kaya lalong paseksi ng paseksi ito. "My main sport right now is running. This in itself is a feat for I viewed myself as 'lampa' when I was younger," sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IZA'S BEST-KEPT SKIN SECRET. Kasabay ng kanyang determinasyon na mas lalong sumeksi ay ang realisasyon na kinakailangan din niyang pangalagaan maging ang kanyang kutis. Bilang artista, puhunan niya ang magandang skin at kailangan nararapat lamang na bigyan itong kaukulang alaga at atensiyon.

Alam naman nating ang mundo ng showbiz ay puno ng pagod at puyat na siyang nagdudulot ng dull and lifeless skin. Ano nga ba ang ginagawa ni Iza para mapanatiling glowing ang skin?

"My beauty regimen is quite simple. I cleanse my face in the morning and night especially if I put on make up. I use toner and moisturizer. I drink a lot of water and take my vitamins. I try to clock in enough rest and workout for that healthy glow."

Subalit may isa pang sikreto si Iza kung bakit ganoon na lang kakinis at kaganda ang kanyang kutis, kung bakit lagi siyang radiant, confident, at camera-ready.

Sa susunod na buwan ay handa na siyang i-reveal ang kanyang best-kept skin secret nang sa gayon ay maging sing-glowing at sing-blooming kayo ng nag-iisang si Miss Iza Calzado. Handa na siyang i-reveal ang kanyang best-kept skin secret!

Abangan sa March 20 sa Showbiz Central, nang sa gayon ay maging sing-"blooming" kayo ng nag-iisang si Miss Iza Calzado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN