Jennylyn Mercado not expecting to win awards for her role in Rosario

IMAGE 0


Jennylyn Mercado's portrayal in the period film Rosario makes her an instant favorite to bag the Best Actress trophy in this year's 36th Metro Manila Film Festival.


Pinanindigan ng cast members ng pelikulang Rosario ang kanilang 1920's theme sa grand press conference na ipinatawag kagabi, December 13, sa Area 05 sa Tomas Morato, Quezon City.

Pinangunahan ng lead star ng pelikula na si Jennylyn Mercado ang mga bituin na isa-isang nagsidating sa venue. Suot nila ang kanilang vintage attire, na nagpapakita sa porma at hitsura nating mga Pilipino ilang taon bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Present din sa presscon sina Dennis Trillo, Yul Servo, Sid Lucero, Empress Schuck, Isabel Oli, at ang direktor ng proyekto na si Albert Martinez.

Hango ang istorya ng pelikula sa buhay ng lola ng negosyante at TV5 owner na si Manuel "Manny" Pangilinan.

Ang Rosario ay mula sa produksiyon ng Cinemabuhay, at kalahok ito sa 36th Metro Manila Film Festival na magbubukas sa araw ng Pasko, December 25.

ZERO EXPECTATIONS. Gagampanan ni Jennylyn sa pelikula ang papel na Rosario—isang dalagang balikbayan na masasabing "liberated" noong panahong konserbatibo ang pananaw ng maraming tao.

"Period film" kung tawagin ang Rosario.

Bagamat kadalasang kumikita nang husto sa takilya ang mga fantasy at comedy movie entries, marami naman ang naniniwala na malaki ng bentahe ng Rosario na humakot ng maraming awards.

Matatandaang naging matagumpay ang pelikulang Baler noong 2008 despite failing to secure the top spot in terms of revenues earned.

Kung pagbabasehan ang listahan ng mga pelikulang nagwagi bilang Best Picture sa MMFF in recent memory ay mapapansin na marami dito ay seryoso ang tema at inspired by historical events, katulad ng Jose Rizal (1998), Muro Ami (1999), Yamashita: The Tiger's Treasure (2001), at Blue Moon (2005).

At katulad ni Anne Curtis, na nagwagi bilang Best Actress para sa kanyang pagganap noon sa Baler, marami ang umaasa na mapapansin ng mga hurado ang acting ni Jennylyn sa Rosario.

"Thankful ako at na-appreciate nila kahit papaano. Pero 'yon nga, hindi ako nag-e-expect ng kahit ano, ginagawa ko lang 'yong best ko," pahayag ni Jennylyn nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabi sa promo ng pelikula na may mga daring scenes si Jennylyn sa pelikula dahil nga ginagampanan niya ang karakter ng isang babae na malawak ng pag-iisip pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Hindi naman alam ng aktres kung matatawag ba na "daring" ang ilan niyang eksena sa proyekto.

"Walang top, 'yon lang," sagot ni Jennylyn nang tanungin kung ano ang pinaka-sexy niyang ginawa sa pelikula.

"Hindi pinakita 'yong scene itself. Parang pagkatapos lang ng scene na 'yon, ipinakita 'yong likod ko."

Inilarawan ni Jennylyn ang kanyang love scenes sa pelikula bilang: "Daring, intimate, classy—artistic naman and hindi naman bastusin."

May kaba ba siyang nararamdaman dahil malaki ang expectations ng ilang kritiko sa kanilang pelikula?

"Pressured, yes, kasi malapit nang ipalabas, pero hindi ako nakikipag-compete...

"Hindi pa namin napapanood nang buo 'yong pelikula kasi live sound kami, and napanood lang namin 'yong mga preview habang kinukunan. Pero never pa namin napanood nang buo," sagot ni Jennylyn.

Hindi rin daw apektado ang aktres kahit sabihing second choice lang siya for the role na unang inalok kay Bea Alonzo.

"Wala akong reaksiyon diyan kasi hindi ko naman alam 'yan," mabilis na sagot ng aktres.

"Ako, tanggap lang ako nang tanggap, tapos pasalamat na lang ako."

COMFORTABLE AROUND DENNIS. Malaking bagay rin na kasama ni Jennylyn sa pelikula ang real-life boyfriend na si Dennis Trillo, na gumaganap sa papel na Alberto.

Bilang magkasintahan sa tunay na buhay ay kumportable na siyempre si Jennylyn around Dennis kaya madali na lang sa kanila ang umarte sa harap ng kamera.

Going strong daw ang relationship nila ni Dennis.

"Siguro nakakabuti rin 'yong konting katahimikan kasi hindi masyadong open sa public.

"Well, oo, artista kami at karapatan rin ng iba na malaman kahit paano kung anong nangyayari.

"Pero siyempre, meron pa rin kaming mga bagay na kailangan hanggang dun lang—meron pa ring limitation."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Jennylyn na malaki ang naitulong ng kanyang naging karanasan dati sa larangan ng pag-ibig pagdating sa kung paano siya magdala ng relasyon ngayon sa piling ni Dennis.

Matatandaang naging dating boyfriend ni Jennylyn ang aktor na si Patrick Garcia ngunit nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa kahit pa nga nagbunga ang relasyon nila ng isang anak na lalaki.

"Alam naman ng lahat, di ba, 'yong mga pinagdaanan ko?

"So, 'yong mga pinagdaanan kong mali, hindi ko na binabalikan.

"So I think kung ano 'yong best ko, 'yon na lang 'yong ibibigay ko.

"'Tsaka 'yong mga natutunan ko 'yon ang i-a-apply ko, 'yong ganun, para lang hindi na maulit 'yong mga nangyari noon," paliwanag ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN