Actor-politician Yul Servo still willing to do daring scenes despite his position as Manila councilor

IMAGE 0


"Wala namang problema dun, trabaho naman yun, tsaka character naman yung ginagampanan mo, e. Hindi naman yung ginawa ko yun na ako si Yul Servo, hindi, trabaho lang yun," says Yul Servo about doing daring scenes.


Bago ang 2010 Metro Manila Film Festival entry na Rosario ay indie films ang pinagkaabalahan ni Yul Servo.

Ano ang pakiramdam na kasali siya sa isang malaking proyektong tulad ng Rosario ng Cinemabuhay at Studo5, na pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado?

"Siyempre, nagpapasalamat ako at napasama ako dito sa pelikulang ito. Nakakatuwa, hindi lang po basta kasama ako, isa pa ako sa mga leading men ni Jennylyn.

"Nakakatuwa na nakatrabaho ko siya. First time na nakatrabaho ko siya, at magagaling ang mga kasama ko," bungad ni Yul sa presscon ng Rosario noong Lunes, December 13, sa Area 05 sa Tomas Morato, Quezon City.

Matindi ang cast ng naturang pelikula kung pahusayan sa pag-arte ang pag-uusapan.

Bukod kina Jennylyn ay Yul, nasa pelikula sina Dennis Trillo at Sid Lucero bilang mga leading men din; sina Phillip Salvador, Ricky Davao, Eula Valdes, at ang Comedy King na si Dolphy.

Nasa pelikula rin sina Isabel Oli at Empress Schuck.

Ang kanilang direktor ay si Albert Martinez.

JENNYLYN MERCADO. Kumusta si Jennylyn bilang leading lady?

"Okay!" sambit ni Yul.

"Aba, sa pag-arte, hindi mo siya maaano. Sa acting, talagang ibinigay niya yung talagang pinaka-the best performance niya dito.

"Di ba, yun naman ang ano natin dito sa showbiz? Dapat pag artista ka, kada project mo, ibigay mo na yung pinaka-the best mo, na parang ito na yung huli [mong project].

"Sa kanya, ginawa niya rin yun. Tsaka talagang ano, ready siya sa trabaho niya, parang laging handa sa giyera."

OTHER LEADING MEN. Tulad ni Yul, award-winning actors din sina Dennis at Sid. Nagpatalbugan ba sila sa pag-arte dito sa Rosario?

"A, hindi, hindi kami nagpatalbugan. Wala naman, walang patalbugan na nangyari."

Walang effort na magsapawan sila dahil magagaling ang mga kaeksena niya?

"Wala, wala namang ganun," sagot ni Yul.

Wala namang halong pagyayabang ng sabihin ni Yul na hindi rin siya threatened sa mga kasama niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, hindi naman! Basta ako, ibinigay ko yung the best kong trabaho."

Pero hindi raw siya umaasa na manalo ng award sa Gabi ng Parangal ng MMFF.

"A, hindi naman. Kung ma-nominate lang ako, okay na."

ON LOVE SCENES AND SEXY SCENES. Sa Rosario ay may love scenes sila ni Jennylyn. May "ipinakita" ba si Yul dito?

"Actually dito, wala akong ipinakita dito. Puro suggestive lang," nakangiti niyang sabi.

Noong baguhan pa lamang si Yul, nakilala siya bilang mahusay na aktor at walang arte pagdating sa paggawa ng sexy scenes at paghuhubad.

Ngayon bang konsehal na siya ay ayaw na niyang magpakita ng katawan?

"Hindi, okay pa rin maski ano!" tawa niya.

So, papayag pa rin siyang magpaseksi sa harap ng kamera?

"Oo naman, oo naman.

"Wala namang problema dun, trabaho naman yun, tsaka character naman yung ginagampanan mo, e.

"Hindi naman yung ginawa ko yun na ako si Yul Servo, hindi, trabaho lang yun."

Ayon kay Yul, ang frontal nudity lang ang hindi niya kayang gagawin.

"Hindi rin naman ako nag-nude dati e, puro likod lang."

So, papayag pa rin siyang maghubad at gumawa ng matitinding love scenes?

"Kung babagay ba sa pelikula, e. Kung hindi naman kung para ipilit lang na magkaroon lang ng ganun, meron namang [proyekto] na puwedeng wala naman.

"Pero kung hinihingi ng pagkakataon, bakit hindi? Lalo na kung maganda yung role," saad niya.

Kahit konsehal na siya ngayon?

"Sa tingin ko, ang tao naman ngayon, malawak na ang pag-iisip ng tao ngayon, kung papaano sila boboto nang tama.

"Basta ako, ginagawa ko yung trabaho ko sa distrito ko."

BALANCING ACT. Paano binabalanse ni Yul ang showbiz at politics?

"Nung una mahirap, pero bandang huli... This is my second term na, e, kaya medyo nakapag-adjust na ako dun sa trabaho kong isa."

Hindi rin daw niya tatalikuran ang pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre sa pulitika naman, e, hindi naman tayo yayaman dun, e. Maliit lang ang kita dun, e.

"Siyempre maliit na nga kita, ayoko din namang ano... Kung ano yung para sa bayan, para sa bayan.

"Siyempre, eto showbiz, medyo maganda kita, di ba? At least, dire-diretso pa din."

Kapag dumating ang oras na kailangan niyang mamili between showbiz and politics, ano ang pipiliin niya?

"Ako naman, nasa lokal pa lang naman ako," sabi niya.

Eventually, may posibilidad na tataas ang posisyon niya bilang public servant. At wala namang masama doon.

"Kung maghangad man ako ng mataas na posisyon, e... Senador Bong Revilla nga, e, di ba? Si Senador Jinggoy Estrada."

So, hindi natatapos ang political goals niya sa pagiging konsehal lamang?

"Oo," sagot ni Yul.

"Siyempre, merong mababawas [na trabaho sa showbiz], hindi na ako magpu-full time sa showbiz.

"Siyempre, meron ka ring resposibilidad na malaki sa bayan."

Ibig bang sabihin nito ay mas mahal na niya ang pulitika kesa sa showbiz?

"Oo, mas maano na sa akin," sagot niya.

Ang pagpasok ba sa pulitika ba talaga ang ginusto niya noon pa?

"Actually, hindi naman. Ang gusto ko lang talaga noon, maging artista.

"Kaso, dumating yung pagkakataon na hinilingan ako ng daddy ko na 'Anak, puwede ka bang kumandidato?'"

Kumandidatong konsehal ang ama niya noon sa Maynila rin, pero hindi ito pinalad.

Sa susunod na eleksiyon, kahit naghahangad si Yul ng mas mataas na puwesto balang-araw, ang pagiging konsehal (muna) ang muli niyang tatakbuhin.

"Bale ganun pa rin ako, konsehal pa rin."

Pero gusto niya ng mas mataas na posisyon someday?

"Actually, kung 'yon ang ipapagkaloob sa atin ng Panginoon, bakit hindi?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN