Paolo Ballesteros does not mind being typecast in gay roles

IMAGE 0


Eat Bulaga! regular Paolo Ballesteros will make life difficult for Regine Velasquez in GMA-7's 2011 primetime offering titled, I ♥ You Pare. More Pictures


Bagamat hindi na bago para kay Paolo Ballesteros ang gumanap bilang isang bakla on screen, sinabi nito na kailangan pa rin niyang pag-aralan nang husto ang kanyang latest role sa upcoming GMA-7 romantic-comedy series na I ♥ You Pare.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay Paolo last Friday, December 10, sa PETA Theater sa New Manila, Quezon City, sinabi ng Eat Bulaga! mainstay na mas "challenging" ang kanyang papel ngayon kumpara sa mga dati niyang nagampanan.

Bukod sa pag-arte at pakikipagbatuhan ng linya sa co-stars niyang tulad nina Tirso Cruz III at Regine Velasquez, makikipagsabayan din si Paolo sa pagsayaw kasama ang ilang professional gay dancers na kinuha para sa programa.

"'Yong sa mga makeup, makeup, okay lang kasi nagawa ko na rin naman dati. 'Yong ano lang, 'yong mga performances," sabi ni Paolo, na naka-costume pa with matching wig habang kausap namin.

HEAD GAY VILLAIN. Kinailangan din ni Paolo sumailalim sa workshop para makuha niya ang tamang timpla ng gagampanang papel na baklang kontrabida.

Pero ang pinakamahirap daw sa lahat ay ang mga dance performances na halaw sa karaniwang napapanood sa mga theater bars.

"Showdown" kung tawagin ng mga manonood ang ganitong klaseng palabas dahil sa pinaghalong flamboyant costumes at entertaining dance routines na nagiging pulido lamang after many hours of practice.

Kuwento ni Paolo, "Lagi akong nanonood sa YouTube ng mga kung paano kaya 'yong ginagawa ng mga drag queen. Kasi, nakapanood na din ako dati, pero hindi madalas. Sa Club Mwah, ang gagaling ng mga nagpe-perform diyan."

Bagamat mahirap ang hinihingi ng role ay ito rin daw ang nag-udyok kay Paolo para tanggapin ang project na ipalalabas sa susunod na taon.

"Bukod sa kailangan mong aralin 'yong mga sayaw, magsayaw nang nakatakong, kailangan mong sumabay dun sa talagang 'yong ganito 'yong trabaho nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito 'yong ikinabubuhay nila, na kahit na nakapikit sila, alam nila kung paano gawin nang tama.

"Kumbaga, hindi lang basta maganda ako dapat, kailangan magaling. At saka ako 'yong star sa mga dancers, so kailangan sabayan ko sila and nagpa-audition pa talaga sila ng mga magagaling mag-perform.

"Sabi nga ni Direk [Andoy Ranay], 'Magpapayat ka kasi mataba ka! Mataba ka!' So, talagang nagre-reduce talaga ako, hindi ako masyadong kumakain.

"Kasi sabi niya, 'Kumpara diyan sa mga nakuha nating dancers, ano 'yan, puro close-up ka na lang?'"

Nung bumisita kami ay iilan pa lang ang nakunang eksena na magkasama sina Regine at Paolo.

Pero asahan na raw ng mga manonood na magkakaroon ng confrontation scenes sa pagitan ng dalawang characters na magpapatalbugan sa pagsasayaw sa entablado.

Bilang kontrabida sa serye ay siya raw ang magsisilbing "buwisit" sa karakter na gagampanan ni Regine.

"'Yong last taping namin, confrontation na kami. Pero so far, wala pang physical. Baka sa mga susunod, malamang! Nabasa ko na 'yong script and meron daw."

Hindi naman daw nagsasawa si Paolo na gumanap bilang bakla sa telebisyon.

Aware din siya na sa kasalukuyan ay "typecast" siya bilang isang artista na willing tumanggap ng gay roles, unlike most male actors today.

"Okay lang naman na puro ganito. Basta iba-iba lang 'yong dating nung character. Kasi kung sa ngayon, performer naman siya. So, siguro sa susunod, baklang rapist naman—pero bakla pa rin!" natatawang pahayag ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN